Aurora's POV
Naglakad na lang papuntang church para maiba naman, malapit lapit lang din naman kaya okay lang. Habang naglalakad naalala ko ung nangyari kagabi
/ F L A S H B A C K /
"Andito na po ako"- ani ko at sinabit ang susi sa sabitan malapit sa pinto
"Ano na namang nirereklamo mo kay Quin? Ha?"- bungad ni tita sakin at nasa likod niya si Quincy haist
"Hindi naman po ako nagrereklamo"- saad ko
"Ano nagpapasalamat lang? Ganon ka ba magthank you?"- ani to tita at kunwari pang tumatawa
"Pag uwi ko po dito ang kalat ng Salas at mga kalat yon ni Quincy, hindi po ako nagrereklamo sinabihan ko lang siya na linisin niya ung mga kalat niya"- paliwanag ko
"Nilinis ko na naman ah"- ani ni Quincy, ha! yan na naman siya
"You didn't, ako ang naglinis"- mahinahon kong sagot
"So you're saying that I'm lying? Mom!!"- maarte niyang sabi at nagsumbong pa kay tita
"Enough! Aurora ganyan ka ba magpasalamat? Wala kang karapatan magreklamo dahil may utang na loob ka samin! Nakatira ka sa bahay namin!! Nakikikain!! Utang na loob mo yun samin kaya wala kang karapatan magreklamo!"- sigaw ni tita sakin, nakita ko namang ngumisi si Quincy demonya makakatikim na to sakin e
"Sorry po"- ani ko na lang
"Magsorry ka kay Quin!"- utos niya nagulat naman ako
"Po?"- tanong ko uli, ako pa talaga?
Nakita kong ngumiti ng malaki si Quincy"Magsorry ka sa mga sinasabi mo kanina"- ulit niya at tumingin pa kay Quincy kaya naman biglang kunwari naiiyak siya
"Hi..hindi ko po gagawin yan"- ani ko, hindi talaga no wala kong ginawang mali
"Ha? Ahh gumaganyan ka na ngayon? Kaya mo na buto mo? San ka kumukuha ng lakas na loob ha?"- hindi makapaniwalang sabi niya nakita ko din ang pagkagulat ni Quincy sa pag tanggi ko
"Sabi ni Mama hindi ko kailangan humingi ng tawad kung wala naman akong ginawang masama"- walang takot kong saad
"Ha? Ahh ganon, ngayon hindi ka sasabay samin kumain! Hala sige pumasok ka na kwarto mo!"- galit na aniya, dumeretso na naman ako sa kwarto ko buti na lang kumain ako ng cup noodles kanina sa CS malaki naman yon kaya busog ako
"Ma, kung buhay pa po ba kayo ipagtatanggol niyo din ako kahit ako ung may mali? Kakampihan niyo padin po ba ko kahit nagsisinungaling ako gaya ni Tita kay Quincy? Miss na miss ko na po kayo"- ani ko habang kinakausap ang picture ni Mama
"Pa, miss na miss ko na po kayo ni Mama"- ani ko at di ko na napigilan umiyak
"Napapagod na po ako pero kakayanin ko parin para po pag nakapagtapos ako ng pag-aaral magtatrabaho po ako at bibili ng sarili kong bahay"- ani ko pa habang patuloy ang pag-iyak, pinunasan ko ba yung luha ko at ngumiti
"Ma, Pa, magiging successful po ako pangako ko yan sa inyo"- ani ko habang nakatingin sa picture nilang dalawa
/ E N D OF F L A S H B A C K /
Nandito na ko sa church namin, nag worship kami at nakinig ng sermon ni Pastor, malaki ang naitutulong ng pagiging Christian ko sa buong buhay ko.
Pag tapos ng Morning Service, Pumunta naman ako sa mga bata dito at nagturo, pagtapos non honahainan namin sila ng pagkain ang ilan kasi dito ay pinapabayaan ng mga magulang at mga gutom kahit musmos pa lang. Tumutulong kami nang sa ganon magkaroon ng laman ang tyan nila at para makilala nila si Lord para sa darating na panahon hindi sila mamali ng direksyon.
BINABASA MO ANG
Go Away
Teen FictionSi Belle Aurora Garnett ang tipo ng babae na gugustuhin ng lahat walang halong biro dahil sa halos perpekto na nga ito. Siya ay 4th year High School na at sa loob ng halos sampung taon niya ng nag-aaral hindi narin niya mabilang ang nagkagusto sa ka...