Aurora's POV
Wednesday Morning
Hanggang 11 lang ship ko pag may pasok kaya naman ni-lock ko na ang store dahil off ko na. Pagka-uwi ko tulog na sila, tiningnan ko kung may pagkain meron naman kaya kumain na ko. Natulog na din ako dahil 8:30 ang pasok namin.
*Gomawoe~ (Thank you for be on my side)~
Neowa hamkke georeogal su isseoso~
(Thank you for be on my side) ~ himdeun sesang soro gidael su isesso~---*
(THANK U 친구 by: ATEEZ )Nagising ako ng 6:30, magluluto pa kasi ako ng agahan. Pagtapos ko kumain naligo na ko para maghanda sa pagpasok.
"AhhHhh"- hikab ni Tita
"Alis na po ako"- ani ko at magmamano pa dapat pero iniwas niya ang kamay niya
"Ayy sige na sige na"- aniya at umupo na para kumain, ngumiti na lang ako at umalis
"Umuwi ka ng maaga at i-che-check mo pa ang mga expired sa store"- aniya na parang bored na bored lang
"Opo"- ani ko at pumasok na.
"Goodmorning students, Last five minutes and no one are allowed to stay outside of your respective room. If I'll get you, you'll be punish"- lumipas na ang oras at nag-announce na ang president.
"Goodmorning"- pormal na bati ng Prof. namin sa MAPEH, first period namin sa araw na to.
"Goodmorning Ma'am Aguncillo"- bati namin nang nakatayo
"Take your seat, Now we are having a Activity"- paninimula ni Ma'am
"Because I'm your first subject for today I'll going to announce that the Acquaintance Party will be held on Saturday"- anunsiyo nito kaya naman umingay sa loob ng room dahil sa excitement
"Silencee guys"- ani ni Ma'am kaya naman tumahimik muna
"So I was saying that the Acquaintance Party is on Saturday, so that our activity is all about the upcoming event"- saad ni Ma'am, sa tingin ko hindi ito magandang ideya. Umingay naman lalo sa buong room kaya hinayaan muna ni Ma'am panandalian at pinatahimik din
"Girls get 1/4 sheet of paper"- utos ni Ma'am na agad naman naming ginawa, habang busy pa ang lahat nagsulat si Ma'am ng number 1-28 sa board.
"Sa papel na yan isulat niyo ang no. na gusto niyong makapares na lalaki, pag natapos kayo tumakbo agad kayo dito sa board at lagyan ng isang guhit ang no. na pinili niyo na ibig sabihin hindi na yun pwedeng piliin paunahan to, and remember wag niyo isipin na naka-arrange to sa Alphabetically dahil hindi wag kayong umasa dahil iniscrumble ko ang mga surnames ng mga boys REMEMBER SURNAMES"- paliwanag ni Ma'am agad namang sumang-ayon ang lahat, haist sinabi ko na nga ba
"Pumapayag ba ang lahat"- tanong ni Ma'am
"OPOOO!!"- masigla nilang tugon, ayaw ba nilang sila ang kumuha ng mga gusto nilang makapartner?
Nagsimula na sila, ang mahaharot na babae mga nag-uunahan kaya nagkakagulo sila.
"Sana si Gonzales akin!"
"Noo!! Hindi pwede"
"Shut up! I'm the one who pick his number correctly hihi"
"In your wildest dream"- rinig kong sinasabi ng mga Girls"Sana si Ms.Garnett maka-partner ko"
"Tol! Mag kaibigan tayo diba hindi mo dapat siya iniisip"
"Shut up, Ms. Garnett will pick me"
"Ayoko sa iba ang haharot at ang iingay nila pwera kay Ms. pres"- ito naman ang mga naririnig ko sa lalaki habang sila ay nakaupo lang at naka-focus sa board habang inaantay matapos
BINABASA MO ANG
Go Away
Teen FictionSi Belle Aurora Garnett ang tipo ng babae na gugustuhin ng lahat walang halong biro dahil sa halos perpekto na nga ito. Siya ay 4th year High School na at sa loob ng halos sampung taon niya ng nag-aaral hindi narin niya mabilang ang nagkagusto sa ka...