Yana's POV
Tumatakbo ako habang hawak-hawak ang bag ko. Malelate na ako sa bus schedule papunta sa Cagayan De Oro. Hindi ako nakahabol sa mga kasama ko kaya magbubus daw ako. May job hiring kami doon. Arg!Kainis! Mahahabol ko pa kaya ang bus Ang traffic kasi kaya bumaba na ako sa taxi na sinakyan ko.
Nakarating na ako sa bus station at nakita kong umaandar na ang bus kaya pinagpag ko iyon. Pagkatigil ng bus, agad akong pumasok. Biglang umandar iyon kaya napaupo nalang ako sa kung saan ako nakatapat. Napatingin ako sa lalaking katabi ko na natutulog. Hmm, he's quite familiar?
Teka nga lang! Hindi ba ito yung group member ng mga feeling koreano tch wait. Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch iyong group na iyon.
Ano na nga ulit iyon? Aysh, nakalimutan ko kaya ang sinearch ko, Kpop pero wala akong nahanap.
Ah! Naalala ko na pala! SB19 ang group. Sinearch ko sila at nakita ko ang pangalan ng lalaking katabi ko ngayon.
Ken Suson pala. Pfftt haha. Tinago ko na ang cellphone ko sa bag ko. Sa dinami-daming pwedeng makatabi, ba't siya pa? Mga 5 hours ang biyahe papunta doon. Maya-maya, dinalaw ako ng antok kaya nakatulog ako.
Nagising ako nang may maramdaman akong mabigat sa balikat ko. Napatingin ako at nakasandal yung Ken. Kaya pala ang bigat! Ilang kilo ba ang ulo nito? Sakit ng balikat ko! Dahan-dahan kong tinulak ang ulo niya at pinasandal sa bintana. Minasahe ko ang balikat kong masakit. Ang bigat ng ulo niya, gawin ba namang unan ang balikat ko. Maya-maya, napasandal na naman ang ulo niya kaya tinulak ko ulit sa bintana. I rolled my eyes. Tsk. Natulog na ulit ako. Distorbo kasi itong Ken na ito.
Ken's Point Of View
Nagising ako sa ingay ng busina ng mga sasakyan. Napatingin ako sa balikat ko at may nakasandal na babae. Sumilip ako sa harapan ng bus at may nakita akong sasakyang nagsalpukan. Bakit ngayon pa?
"Kailan pa matatapos iyan Mga 30 minutes na tayo dito eh.: dinig kong sabi ng lalaking nakaupo sa likuran namin. Napansin ko din na kaunti lang ang tao dito sa loob ng bus. Nagising ang babaeng katabi ko dahil rin sa ingay. Tumayo ako para tignan ang nangyayari sa labas.
"Excuse me po miss makikidaan lang po ako." sabi ko sa babaeng katabi ko. Umirap siya bago tumayo sa kinauupuan niya kaya umalis na ako. Narinig ko pa siyang napa'tsk' but I didn't mind it. Lumabas ako at tinignan kung anong nangyari. Hindi naman ako dudumugin ng fans kasi malayo na din kami sa city tsaka nakamask naman ako at naka-cap. Nakita ko ang mga driver na ipinapasok sa ambulansya. Duguan ang ulo ng isa at nafracture naman ang braso ng isa. Napayuko ako at nagdasal na sana maging okay na ang dalawang driver. Nagsilapit ang mga pulis sa isang sasakyan at hinila iyon. Lumapit din ako at nakitulong sa kanila. Nang may space sa gitna ng dalawang sasakyan, pumunta ako doon at tinulak iyon, lumapit din iyong ibang lalaki at tumulong. Pagkatapos naming maitabi ang isa, tinulak din namin yung isa pang sasakyan. Nagsi-urong na ang ibang sasakyan kaya pumasok na kami sa bus. Nadatnan kong tulog iyong babaeng katabi ko. Pano ba ako uupo sa upuan ko
Nakita kong wala pa iyong nakaupo sa harapan namin kaya pinagtiklop ko muna iyong upuan nila. Pumunta na ako sa inuupuan ko at isinauli sa dati ang upuan sa harapan namin. Umandar na iyong bus.
30 minutes
1 hour
2 hours
Napatingin ako sa relo ko at 11:30 na pala. Tumigil ang bus sa isang restaurant. Napatingin ako sa katabi ko at tulog parin siya.
"Miss gising ka na po mag-aalas dose na kakain na tayo." sabi ko at medyo niyugyog siya ng kaunti. Nagising naman siya at napatingin sa akin.
"Ha? Lumayo ka sa akin." sabi niya at minasahe ang balikat niya. Tumayo siya at nag-inat. Kinuha niya ang bag niya at naglakad palabas. Tumayo na din ako at lumabas. Pumasok na ako sa restaurant at umorder ng chicken curry paired with beans. Syempre kumakain ako ng gulay hindi lang pure chicken.
Yana's POV
Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako ng resto at bumalik sa bus. Gusto kong lumipat ng upuan. Duh! ayokong katabi yung Ken na feeling koreano at kapag kumanta parang bulol basta ganun hahaha. Naghanap ako ng bakanteng upuan pero nabigo ako kaya no choice, katabi ko na naman yung Ken. Tss. Ano ba naman iyan kainis! Kung bakit ba naman kasi yung member pa ng pinakaayaw kong group ang katabi ko. Tapos kanina pa, kunwari magalang daw eh hindi naman haha. Umandar na ang bus at sinalpak ko ang headset sa tainga ko. Magraradio fm nalang ako. Saktong nakaplay naman ang mahal ko o mahal ako. Pumikit ako.
"Sino ang iibigin ko,ikaw ba na pangarap ko, o siya bang kumakatok sa puso ko." sabay ko sa kanta hanggang sa matapos ito.
*Now playing- Go Up*
'Tanging liwanag ang nakikita
Sa tuwing ipipikit aking mata--'
Agad kong pinatay ang radio ng phone ko. Kainis, katabi ko na nga yung Ken tapos nagp-play naman yung kanta nila. Sure akong kanta nila iyon eh, kasi napanood ko yung MV nila noon ng 'di sinasadya. Nagplay nalang ako ng music ko.
After 3 hours, nakarating na din kami sa Cagayan De Oro. Bumaba na ako sa bus at agad inilabas ang phone ko. Tinawagan ko si Fatima, ang friend kong nang-iiwan sa ere.Tsk.
*Dialing Fatima*
Sinagot naman niya ang tawag ko.
"Babae!Nandito na ako. Saan ba ako pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Dito sa Municipal Hall." sabi niya sa kabilang linya.
*Toot toot*
Aba't! Binabaan ba naman ako. Paano ako makakapunta sa munisipyong sinasabi niya? Naglakad nalang ako at hinanap ang municipal hall na sinasabi niya.
5 minutes
10 minutes
30 minutes
Napaupo ako sa may bench na nasa gilid ko. Napagod ako sa paghahanap, nagtanong din naman ako pero hindi ko na alam kung nasaan ako. Bumili ako ng burger sa fast food chain. Binuksan ko iyon at kinain. Pagkatapos kong kumain, pinagpatuloy ko ang paghahanap. Medyo nagdidilim na rin ang langit kasi mag-a-alas kuwatro na ng hapon.
"Ahh nasaan ba iyon?!" maktol ko. Dinial ko ulit iyong number ni Fatima pero cannot be reached daw.
*Woooshhh* (May pasound effects pa)
Biglang bumuhos ang ulan kaya napatakbo ako sa bahay kung saan ako nakatapat. Shocks wala pa akong payong. Sumilong nalang ako doon sa labas ng bahay at mabuti nalang may shed. Almost 1 hour na ako dito sa pinagsisilungan ko at nanginginig na din ako sa lamig kasi sobrang malakas ba naman ang hangin. Ito, basang-basa pa ako, ang lakas kaya ng ulan. Nilalamig na talaga ako. Ba't ngayon pa? Saan na ako pupunta ngayon? Di ko pa ma-contact si Fatima.
May lumabas mula sa bahay loob ng bahay. Nanghihina ako kaya 'di ko masyadong maaninag ang mukha basta lalake. Nang makalapit na siya, tsaka ko lang nalaman na si Ken pala. Siya na naman? Ewan ko ba ba't ayoko sa lalakeng ito, naiinis ako 'pag nakikita ko siya!
"Miss, bakit ka nandito sa labas? Hindi ka nalang kumatok. Baka magkasakit ka pa niyan." sabi niya at itinayo ako kahit basang-basa ako. Nginig na nginig na ako.
"I-Ikaw. K-Ken l-layuan m-mo a-ako-- f-for your info-for-ma-mation, I-I'm y-your ba-basher, I h-hate S-Sb19 k-kaya la-layu-an m-mo--- " nanginginig na sabi ko pero unti-unting nanlalabo ang paningin ko and everything went black.
BINABASA MO ANG
This Time, I promise (SB19 Ken fanfic)
FanfictionKen Suson, a member of the boy group named "SB19" went to his hometown to have a vacation where he met Valeriana Morales an SB19 hater who have work to do in Cagayan De Oro. Unexpectedly, she fall for Ken but will he forgive her despite the bad thin...