Yana's POV
"Oh my gee! Charlotte nandun si bebeloves kong si Josh!" sabi ni Fatima, sapat na para marinig naming tatlo.
Walang iba kundi SB19, na naman! Anong ginagawa nila dito?
"Hala gorl, nandito sila!" sabi din ni Charlotte sabay apir kay Fatima. I just rolled my eyes, tsk, are these two blind? C'mon, wala namang maganda diyan sa SB19 na 'yan.
"Fatima! Nandito din kayo!" sabi nung Josh ata basta yung nadatnan namin sa bahay nung Ken last week.
"Ay hindi, hindi. Nandoon kami. Seriously?" sabi ko. Kitang-kita nga na nandito kami!
"Don't mind her Josh, tinotopak na naman hahah!" sabi ni Fatima kaya napatingin ako sa kanya ng masama.
"Oh siya, dito na kami uupo sa table niyo, malawak naman." sabi nung wavy hair na iyon at agad umupo. Napalayo naman ako nung tumabi yung Ken.
"Tsk, umusog ka nga doon, eww!" sabi ko. Parang ang sarap insultuhin hahaha! Brilliant Idea!
Dumating na ang order naming nila Fatima. Bakla kaya itong Ken? Sakto, mapagtripan nga siya. Testing lang hahaha! Tutal mga gaya-gaya at mayabang din sila eh.
"Hoy paabot nga ng ketchup." sabi ko.
"Ako?" tanong ng katabi ko.
"Malamang."
Habang tumatalikod siya para kunin iyong ketchup, sinadya kong itapon sa damit ko ang iced tea nang walang nakakapansin.
"Oh my gosh!" sabi ko kaya napalingon kaagad yung Ken which is katabi ko. This is just a simple acting! Tignan ko nga, bakla ata ito eh atsaka may mga tao din dito kaya magandang gumawa ng eksena.
"Ano ba'ng ginagawa mo ha? Tignan mo o! Basa na damit ko! Erkkk!" kunwari galit na saad ko.
"I'm sorry 'di ko sinasadya." Saad niya at may narinig akong bulongan.
"Are you stupid? Gosh!" sabi ko tapos nagwalk out. Kelangan kong magpalit.
***
"Yana! Why did you do that to Ken?"
"Anong kalokohan yung ginawa mo Yana?"
"Ganun mo ba ka-hate ang SB19? Lalo na si Ken?"
"Yana! I saw you! Go apologize to Ken!"
Ayan ang bungad sa akin nina Fatima at Charlotte. Napairap naman ako at nagsalita.
"What? So pinagkakaisahan niyo ako?" tanong ko.
"Hindi sa ganun Yana pero 'di mo sana pinahiya si Ken ng ganun sa harap ng maraming tao! Napahiya siya at nakita ko kung ano ang kalokohang ginawa mo!" sabi ni Fatima.
"Ah ganun? Wala akong pakialam, makaalis na nga." Sabi ko at umalis.
"Yana! Bumalik ka dito!"
Fatima's short POV
"Yana!" I shouted at her pero nagpatuloy parin siya sa pag-alis. Yana is our bestfriend for 8 years already at sanay na sanay na kami sa ugali niya.
"Ang tigas talaga ng ulo niya. Charlotte, ano'ng gagawin natin?" tanong ko kay Charlotte pero nagkibit-balikat lang siya.
"Hala Fatima, OMG si Ken, nasa internet!" sabi ni Charlotte kaya agad akong lumapit at tinignan ang phone niya.
"Naku, na-issue si Ken, pati rin si Yana. Ano ba yan! Sabi ko na ng aba eh!" sabi ko at napahawak sa ulo. She's such a troublemaker. Once na kasali siya sa mga issues online, mapapahamak lang siya.
Agad ko siyang minessage.
To: Yana
Yana, don't be hardheaded. Go apologize to Ken now. Pinag-uusapan na kayo online.
*Message sent*
Yana's POV
Nandito ako sa condo at nakahiga ako sa kama. Nagring naman ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.
*1 message received*
From: Fatima
Yana, don't be hardheaded. Go apologize to Ken now. Pinag-uusapan na kayo online.
Edi wow, I don't care so 'di ko siya nireplyan.
I don't care kung pinag-uusapan siya ngayon. Bahala siya diyan, I have nothing to do with it.
*Ding Dong*
Napalingon ako sa pintuan ng condo ko dahil sa nagdoor-bell. Sino na naman ba ito? Inis akong pumunta sa pintuan at ibinungad nito si Fatima at Charlotte.
"C'mon Yana, he's a celebrity and a professional, 'di mo ba alam na sinisira mo ang career niya?" tanong ni Fatima. I just rolled my eyes at her. Sinisira ang career niya? Edi mas maganda! Wala nang sagabal dito sa buhay ko! 'Di ko nalang siya pinansin at kinuha ang phone ko atsaka umalis. Sumisigaw pa sila pero 'di ko nalang pinansin. Pumunta ako sa isang park dito para magpahangin.
"Hey." May tumapik sa akin kaya napalingon ako. I rolled my eyes on him. Yes! HIM! As in Ken! Siya na naman! Tumayo ako at aalis n asana nang hawakan niya ang wrist ko.
"Ano na naman ang kailangan mo?!" pasigaw kong tanong. Naiinis ako sa pagmumukha ng lalaking ito.
"Gusto ko sana ulit magsorry." sabi niya.
"K" sabi ko nalang at aalis n asana ulit pero hinawakan na naman niya ako.
"ANO NA NAMAN BA?! PWEDE BA UMALIS KA NALANG?! ANG KULIT MO!"
Argggg! Naiinis ako! Naiinis ako!! Napadaan siya sa harapan ko at nagtaxi. Pumara na din ako ng taxi para pumunta sa mall. Gagala ako mag-isa. Pagkarating ko sa mall, dumeretso na ako sa loob at naglibot-libot. Pumasok ako sa may clothings area pero agad napakunot ang noo ko. Seriously? Bakit nandito na naman ang lalaking ito? Nawala ang pagkakunot ng noo ko at napalitan ng ngisi nang may babaeng lumapit sa kanya. I have an idea!
Pagkatapos ko sa clothings area, pumunta na ako sa restaurant para kumain tapos nandito na naman sila. Napakibit-balikat nalang ako atsaka kumain tapos umuwi na ako sa condo nang nakangisi.
BINABASA MO ANG
This Time, I promise (SB19 Ken fanfic)
FanfictionKen Suson, a member of the boy group named "SB19" went to his hometown to have a vacation where he met Valeriana Morales an SB19 hater who have work to do in Cagayan De Oro. Unexpectedly, she fall for Ken but will he forgive her despite the bad thin...