Ken's POV
Nandito ako sa mall kasama si Rizzy.
"Oh my gee!"
"Siya 'yan diba?"
"Seriously?"
"Mas maganda pa ako diyan eh."
"I'm so disappointed with him."
Maraming nagbubulungan dito habang nakatingin sa akin, sa amin. Anong nangyayari?
"Oy tignan mo oh!"
"Sila nga! Hanep trending!"
"Nung isang araw pa siyang trending, tapos ngayon ulit!"
"Break na tayo Ken!"
Bulungan nila habang nakatingin sa akin. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at nagtwitter tapos nakita ko na ang dahilan ng bulungan ng mga tao. May nakita akong picture namin ni Rizzy habang niyayakap niya ako sa clothing area, tapos nung hinagod ko ang likod niya nang mabilaukan siya kanina.
"Ouch!" daing ni Rizzy kaya napalingon ako at nakita kong binato siya ng kutsara. Agad akong tumayo at hinila siya palabas. Lalabas na sana kami sa main door pero maraming tao rin sa labas at may mga reporter.
"Lagot na tayo. Tara sa likod Riz." Sabi ko kaya tumango naman siya. Hindi ako papayag na pati si Rizzy madamay sa media. She's just an ordinary girl at ayaw ko mapahamak siya. Pagkarating namin sa likod, sakto walang tao pero walang daanan, bakod ang meron dito.
"No choice tayo Riz, against the bakod nalang tayo." sabi ko.
"P-pero ang taas niyan Felip." sabi niya.
"It's okay, ako na ang bahala. Just don't panic okay? Trust me." Sabi ko kaya tumango naman siya.
Yana's POV
Nandito ako sa kwarto ko at nanonood ng Lakorn. I love Urassaya's lakorn, she's really my idol. Ang galing niya lalo na sa action. Nagulat nalang ako ng may tumanggal sa headset ko kaya na-pause ko na rin ang video.
"Ikaw ba ang may gawa nito huh?" tanong ni Fatima at pinakita ang news sa youtube. Nakita ko naman ang mga pictures ni Ken kasama ang babae na nakita ko kanina sa mall.
"Ano naman? He deserves it." I said and smirked. Nakita kong napapasabunot nalang si Fatima sa buhok niya.
"Ano nga ba'ng gagawin ko sa'yo Yana? Sa tingin mo maganda itong ginagawa mo?" tanong niya. Hindi nalang ako sumagot bagkus tumayo ako at pumunta sa kusina.
"Aba't! Yana!" dinig ko pang sigaw niya pero 'di ko nalang pinansin. Kumuha ako ng tubig at uminom tapos kinuha na ang bag ko at lumabas. Kakaligo ko lang naman kanina eh at nakabihis ako. Pumunta na ako sa office at gumawa ng report ko para mamaya.
*1 hour*
*2 hours*
*3 hours*
"Finally!" sabi ko at nag-inat.
"Tara na kumain Yana." sabi ni Charlotte kaya tumayo na ako at kinuha ang wallet at phone ko.
*Phone ringing*
'Di ko 'yon ringtone.
"Hello Cullen?" dinig ko. Si Fatima iyong may katawag sa phone.
"Okay sige! OTW!" sabi niya.
"Sorry guys 'di muna ako makakasabay sa inyo." Sabi ni Fatima.
"At bakit naman aber?" tanong ko.
"May date sila ni Josh kaya tara na Yana." Sabi ni Charlotte sa akin.
"Ano?! Kailan pa naging kayo?" hindi makapaniwala na tanong ko.
"Kahapon. Sige na mauna na ako guys." sabi niya at umalis na kaya natameme lang ako doon.
"Seriously Char?" tanong ko kay Charlotte.
"Seriously." Sabi niya at hinila na ako palabas. Napatingin siya sa cellphone niya nang may nagtext.
"Hala Yana, tawag muna daw ako ni boss. Sorry." Sabi niya at iniwan ako. Now what? Mag-isa kong kakain. Pumunta ako sa restaurant nang nakabusangot ang mukha.
"Miss pwedeng makiupo? Wala na kasing bakante."
Napatingin ako sa nagsalita, si Ken. Napalingon naman ako sa paligid at puno na nga. Tumango nalang ako. Wala ako sa mood para gumawa ulit ng eksena, 'di maganda ang pakiramdam ko.
"Oh ikaw pala 'yan Yana!" sabi niya. Tamad nalang akong tumango. Kumain na kami ng sabay, walang nagsasalita.
"Uhm Yana pwede bang manligaw?" tanong niya kaya bigla akong nabilaukan.
"Ha?! Bakit?" tanong ko pabalik.
"Actually crush kita noong highschool pa tayo, mas gusto kita ngayon. Ano? Pwede ba?" tanong niya.
"Hmm bahala ka." hindi ko alam kung bakit ganun ang sagot ko. Utak-sabaw ako ngayon eh. Kumakain lang kami nang may biglang tumawag sa akin.
*Tita Veron calling*
"Hello tita? May problema ba?" tanong ko kay tita na matamlay ang boses. May narinig din ako na kumakanta sa kabilang linya.
"T-tita ba't may kumakanta?" kabado kong tanong. Napabuntong-hininga muna siya bago magsalita.
"Hija
.
.
.
.
.
.
.
.
.
wala na ang papa mo " sabi ni tita sa kabilang linya na nagpatigil sa mundo ko. Nabitawan ko rin ang cellphone ko sa pagkabigla.
"May problema ba Yana?" tanong ni Ken pero hindi ko sinagot.
"N-no P-pa h-hindi pwede" tanging sambit ko at napaluha na. Nataranta naman si Ken at tumayo. Tumabi siya sa akin.
"Anong problema?" tanong ulit niya.
"W-wala na ang p-papa ko." Sabi ko.
"Ha? Saang ospital siya? Samahan na kita." sabi ni Ken at bigla akong hinila.
"No. Nasa bahay na siya at p-pinaglalamayan *sob*" sabi ko. Ipinasok niya ako sa sasakyan niya at nagdrive na siya.
***
"P-p-papa huhuhu." Sabi ko habang umiiyak sa harap ng kabaong niya at napayakap doon. Naramdaman ko namang may humahagod sa likod ko at si Ken iyon. Pumunta na kami sa upuan at hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak.
Ken's POV
Napatingin ako sa orasan at mag-a-alas nuwebe na ng gabi. Lagot kailangan ko nang umuwi. Tumayo na ako at nagpaalam muna sa tita ni Yana.
"Tita, mauna po muna ako babalik ako bukas." Sabi ko sa tita ni Yana.
"Hijo dito ka muna delikado sa labas. Bukas ka nalang umuwi." Sabi ni tita. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Yana
"K-Ken dito ka muna." Sabi niya kaya tumango nalang ako.
"O sige hija, magpahinga ka muna. Ken hijo, pwede pakisamahan mo muna siya?" sabi ni tita kaya sinamahan ko si Yana sa kwarto niya. Umupo siya sa kama at ako din. Nataranta nalang ako ng bigla na naman siyang umiyak.
"Shhh tahan na" sabi ko at hinagod ang likod niya.
"Tahan----"
"PAANO AKO TATAHAN?! HA?! SABIHIN MO NGA?! NAWALAN AKO! KAYA PAANO AKO TATAHAN?!" sigaw niya na siyang ikinagulat ko.
"Sorry" sabi ko. Napayakap nalang siya bigla sa akin at umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
This Time, I promise (SB19 Ken fanfic)
FanfictionKen Suson, a member of the boy group named "SB19" went to his hometown to have a vacation where he met Valeriana Morales an SB19 hater who have work to do in Cagayan De Oro. Unexpectedly, she fall for Ken but will he forgive her despite the bad thin...