"Ano palang nangyari? P-paano ako napunta dito?" tanong niya.
*Flashback*
"Ken, hindi kita pipilitin ngayon pero hinding-hindi ako susuko gaya ng sinabi ko. Hindi ako magsasawa. Sabihin mo kung handa ka nang pakinggan ang paliwanag ko. Alis na ako.'' rinig kong sabi ni Yana sa pintuan ng kwarto ko. Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina dahil nauuhaw ako. Nakita ko 'yong box ng cupcake na dinala ni Yana kanina dito. Hindi nga siya nagsasawang hingin ang kapatawaran ko at never siya sumuko. Masyado na ba akong dedma? Masyado na ba akong nagpapabulag sa galit?
Binuksan ko 'yon at may nakita akong sticky note at binasa ang nakasulat.
-Sana mapatawad mo ako mahal ko. Alam kong hindi ganun kadali pero sana maappreciate mo ang effort ko. Nagbake ulit ako ng cupcakes para sa'yo, sana matikman mo
Yana-
"Nagbake ulit?" tanong ko sa sarili ko. Ibig sabihin, siya pala ang nagbabake sa mga cupcakes na dinadala niya dito? Hindi ko alam kase ngayon lang siya naglagay ng sulat. Nasabi ba niyang binake niya ito? Hmm di ko maalala kase nga hindi ko pinapakinggan ang mga sinasabi niya except yung kanina. Ang alam ko lang, lagi siyang pumupunta dito,may dalang cupcakes at pinapatikim sa akin. Pumunta ako sa fridge at tumingin ng pagkain pero wala akong makita. Di pa ako nag-groceries. Napatingin ulit ako sa box ng cupcake at dahil gutom ako, kumuha na ako. Gusto ko rin naman ulit matikman. Honestly, natikman ko naman yung dinala niya pero wala sa isip ko na siya pala ang may gawa.
Napag-isipan ko rin naman na dapat ko naman siyang patawarin kase ngayon nakita ko ang efforts niya at kung gaano siya katotoo at kung gaano siya nagsisisi. Isa pa, hindi pwedeng ganito nalang kami habang buhay. Tama, kailangan ko siyang kausapin.
Naligo na ako at lahat lahat tapos lumabas para hanapin si Yana. Baka pumunta siya sa ShowBt kaya pumunta na ako doon. Nang makarating ako doon, saktong pagpasok ko ay ang pagtayo ni Kuya Stell na may pag-aalala sa mukha.
"Guys, Yana's in trouble!" sabi niya kaya automatic na tumayo silang lahat.
"Anong nangyari kay Yana?" tanong ko kaya napalingon silang lahat sa akin.
"Inaaway sa park diyan sa kabila. Tara na." sabi niya kaya agad akong tumakbo. Mas nauna akong pumunta doon. Nakita ko si Yana na sinasabunutan at pagkaraa'y tinulak. Nakita ko kung paano siya nauntog sa bato. Tumakbo naman ang babaeng nang-away sa kanya at nakita kong tatayo sana si Yana pero natumba ulit.
"Yana!" sigaw ko at agad tumakbo palapit sa kanya. Binuhat ko siya at kita ko ang pag-agos ng maraming dugo sa mukha niya.
"Y-Yana, dadalhin kita sa ospital, 'wag kang sumuko mahal" sabi ko habang nagpipigil ng luha. Kailangan kong magpakatatag. Nakita ko ang anim at agad namang tumakbo si kuya Josh kase alam na niya ang nangyari.
*End of Flashback*
"Ilang araw ako dito?" tanong ni Yana.
"Mahigit isang linggo na." sabi ko
"Ha? Ganun ba kalala ang pagkauntog ko?" tanong niya. Naalala ko ang sinabi ng doctor sa akin.
"Oo, nagkafracture ang ulo mo pero 'wag kang mag-alala dahil safe ang condition mo at sa ngayon kailangan mong magpahinga." Sabi ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang buong detalye sa kanya. Nagpapagaling pa siya, baka magpanic siya. Ang totoo niyan, ang lawak ng sugat sa ulo niya kase tumama siya sa matulis na bahagi ng bato kaya ganun ang sugat niya pero wala namang napuruhan. Buti nga't hindi siya nagka-amnesia or brain tumor dahil hindi ko kaya kapag nakalimutan niya ako pero ang importante ngayon ay ligtas na siya.
"OMG Yana! Buti naman at nagising ka na. "
"Yana T_T"
Dumating sina Fatima, Charlotte, at ang apat. Tumabi muna ako at hinayaan ang dalawang yakapin si Yana.
"Yana pinapatawad ka na naming anim at sana mapatawad mo din kami ni Charlotte dahil hindi ka naming pinakinggan T_T" sabi ni Fatima habang umiiyak.
"Matagal ko na kayong pinatawad kase BFF naman tayo." sagot ni Yana at nagyakapan sila.
"Pero teka, ang naaalala ko, wala akong sinabi sa inyo. Hindi pa naman ako nagpapaliwanag." sabi ni Yana habang nagtataka. Ngumiti naman ako at ipinakita sa kanya ang diary niya na ikinagulat niya.
"K-Ken, binasa mo ba lahat?" tanong niya kaya tumango ako. Nagblush naman siya kaya ngumiti ako.
"Ang cute mo talaga ^_^" sabi ko at ngayon, tinakpan na niya ang mukha niya kaya tumawa kaming lahat. I-aabot ko sana kay Yana ang diary niya pero may nahulog doon na isang picture kaya pinulot ko at napatitig doon. Nasa gilid siya ng dagat tapos may ginawa siyang sand castle.
"Ikaw ba ito mahal?" tanong ko kaya tumango naman siya.
"You look familiar. Hmm I think I had seen you before?" nag-aalanganing sabi ko. Napatawa naman siya sa sinabi ko. May sinabi ba akong mali?
"Of course I look familiar at syempre nakita mo nga at nakakasama mo ako before hahaha." Sabi niya habang humahagikhik.
"No. I mean nung bata pa ako." sabi ko habang nag-iisip. Napatitig ako sa background ng pic.
"Hmm. Wait, saang beach ito?" tanong ko ulit.
"Hindi ko maalala kung saan basta ang tanging naaalala ko sa beach na 'yan, muntik akong malunod diyan pero may batang lalake na tumulong sa akin." Paliwanag niya habang ako, nag-isip pa. Bumukas ang pinto kaya napalingon kaming lahat doon. May chinitong lalake ang nagbukas doon.
"My Princess! Are you okay?" tanong ng lalakeng pumasok. Anong sabi?
"My Princess?" kunot-noong tanong ko kay Yana. Bahagya naman silang napatawa. Lahat sila sa room at ako lang ang hindi. May alam ba sila na hindi ko alam?
"Hahaha teka nagseselos ka ba? Hahahaha." tanong ni Yana habang tumatawa. Umiling naman ako at nag-iwas ng tingin.
"Yiiee deny pa hahaha. Kapatid ko 'yan mahal hahaha." Sabi ni Yana. Naramdaman ko namang namula ang tenga ko dahil ang init. Pahiya ka Ken. Nahihiya akong lumingon at nahihiyang ngumiti sa kapatid ni Yana. Hindi ko alam na ito pala ang kapatid niya.
"Bayaw? O, ikaw pala 'yan! Madalas kang ikwento ni Yana sa video call. Sabi niya pa 'Kyaa kuya ang gwapo niya talaga. Mahal na mahal ko talaga---"
"KUYA NAMAN EH!" pagpipigil ni Yana sa kuya niya at napatakip sa mukha niya. So kuya niya pala.
"Grabe bayaw! Kilig na kilig talaga 'yan kapag nag-uusap kami sa VC haha. Nice to meet you bayaw, tawagin mo nalang akong kuya Carl." sabi niya at nakipag-shake hands.
"Nice to meet you din po kuya Carl, my name's Felip Jhon Suson, Ken for short." pagpapakilala ko.
"Hanep ka Yana, ang swerte mo, nakabingwit ka ng poging dancer, singer, at composer pa!" sabi ni kuya kay Yana at nakita kong kumindat. Pulang-pula naman si Yana. Haha ang cute talaga ng mahal ko.
"Alagaan mo siya at huwag na huwag mong sasaktan Ken." seryosong sabi niya sa akin. Medyo kinabahan ako sa aura ni kuya.
"Opo kuya, aalagaan ko po siya at hindi sasaktan, pinapangako ko." sabi ko.
"VERY GOOD BAYAW!" sigaw niya.
"Kuya naman eh! Kanina ka pa bayaw ng bayaw!" sigaw ni Yana habang nakapout. Hindi nalang siya pinansin ni kuya bagkus lumapit sa akin at may ibinulong.
"So kailan ang kasal bayaw?" pabulong niyang tanong. Napangiti naman ako sa tanong niya. Magkakasundo kami ni kuya nito.
BINABASA MO ANG
This Time, I promise (SB19 Ken fanfic)
FanfictionKen Suson, a member of the boy group named "SB19" went to his hometown to have a vacation where he met Valeriana Morales an SB19 hater who have work to do in Cagayan De Oro. Unexpectedly, she fall for Ken but will he forgive her despite the bad thin...