Yana's POV
Sabado na ngayon at two days na ako dito sa Cagayan. Nandito ako sa apartment kung saan kami titira pansamantala at nagcecellphone lang ako dito sa sofa kase holiday naman ngayon.
"Ken Suson, a member of the famous International Philippine Boy Group, SB19, is spotted helping in a car accident and it's trending online." dinig ko sa TV na in-on ni Fatima.
"Wow, am I seeing this right?" manghang sabi ni Fatima. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagfe-facebook. Wala naman akong pake sa mga yun e.
"Wait, isn't that you Yana?" tanong ni Charlotte kaya napatingin ako sa TV.
"Ako nga? Teka, iyan yung araw na nakabiyahe ako papunta dito ah." sabi ko.
"As we can see in the video uploaded on the internet, the young man bows and seems to be praying. Then, he helped on storing the two cars. The event is popular online. More and more fans got--"
Edi wow, weh totoo? Well that won't get me and I don't care.
Ken's POV
Katatapos ko lang maligo kaya bumaba ako sa kusina. Nakita ko si Stell na nagluluto.
"Anong niluluto mo? Bango ah." tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya.
"Oh ikaw pala Ken. My sinigang recipe, halika dito tikman mo." sabi niya kaya lumapit ako at kumuha ng kutsara. Tinikman ko yung sabaw.
"Ang asim." sabi ko.
"Hahaha malamang, may matamis ba na sinigang Ken? Buang ka talaga." sabi niya at napailing.
"Oh siya tawagin mo yung tatlo." sabi niya kaya pumunta ako sa sala. Naabutan ko silang nanonood.
"Uy Ken, trending ka sa news ah, ginawa mo ba talaga iyon?" tanong ni Sejun habang nakatingin parin sa TV. Tumingin ako sa TV at nakita ko yung sarili kong nagtutulak ng sasakyan.
"Ah yan ba? Oo. Nagsalpukan kasi yung dalawang sasakyan kaya tumulong ako. May nagvideo pala sa akin?" sabi ko.
"Kaya nga nasa news ka diba? Malamang may nagvideo sa'yo hahaha"sabi ni Jah.
"Ke-aga aga Jah. Magtigil ka nga." sabi ni Josh.
"Ken bakit ba ang tagal niyo?" sulpot ni Stell.
"Trending siya haha." sabi ni Jah.
"Oo na, nakita ko sa net kanina lang bago ako magluto. Halina kayo at kakain na tayo." sabi ni Stell kaya pumunta na kami sa kusina.
***
"Uy Ken, may gf ka pala ah hindi mo sinasabi sa amin, sa kanya ito?" tanong ni Sejun. Napatingin ako sa hawak niyang kwintas. Nangunot naman ang noo ko.
"Wala akong gf, saan mo nakita iyan?" tanong ko sa kanya.
Yana's POV
Hinahalungkat ko ang bag ko. Naiinis na ako dito, ba't wala yung hinahanap ko?
"Yana, bakit hindi ka ba mapakali diyan ha? Kanina ka pa." tanong ni Fatima.
"Eh kasi naman, halika nga tumulong ka sa paghahanap ng kwintas ko. Iyon lang ang natitirang ala-ala ni mama sa akin eh." sabi ko kaya nakihanap din siya. Mga 15 minutes na akong naghahanap dito pero wala.
*Phone vibrate*
Napatingin ako sa cp ko at kinuha iyon. May nagchat sa messenger ko kaya binasa ko yung pangalan at Ken Suson ang nakasulat. I clicked his chat at binasa ang message.
*Chat head*
Ken Suson: Valeriana? Ikaw po ba yung babae, the past 2 days?
Valeriana Morales: Oo, bakit? Ano na naman ba kailangan mo ha?
BINABASA MO ANG
This Time, I promise (SB19 Ken fanfic)
FanfictionKen Suson, a member of the boy group named "SB19" went to his hometown to have a vacation where he met Valeriana Morales an SB19 hater who have work to do in Cagayan De Oro. Unexpectedly, she fall for Ken but will he forgive her despite the bad thin...