CHAPTER 09.

23 9 0
                                    


"Jusko, anong nangyari kay Kaizer?!" Nag aalalang tanong ni Tita Karen, Nang ihatid kami ni Aiden sa bahay nila KJ. Agad namang inupo ni Devon at Aiden si KJ sa Sofa. "Lasing na lasing po siya Tita, Ayaw niya po mag pa awat sa pag inom." Sambit naman ni Devon at pinunasan ang noo dahil sa pawis.

Umupo naman si Tita Karen sa tabi ni KJ at hinawakan ang pisngi nito. "Jusko, Anak." Bulong pa nito. Tumayo naman ito at pumunta sa kusina
para kumuha ng mainit na tubig para ipunas kay Kaizer. Inakyat muna siya nila Devon at Aiden sa kwarto niya bago tuluyang mag paalam na aalis.

"Tine, tara hatid ka na namin. Baka wala ka nang masakyan, anong oras na din eh. Tsaka delikado na." Pag presinta naman ni Aiden. Napailing naman ako at umupo sa tabi ni Kaizer. "Hindi na, baka dito nalang ako matulog. Para maalagan ko si Kaizer." Sagot ko naman.

"Sorry nga pala, ah! Hindi namin sinabi agad na kasama namin si Kaizer, ayaw niya kasing ipasabi. Ayaw niyang mag alala kayo." Paliwanag naman ni Aiden napatango nalang ako at napabuntong-hininga.

Umakyat naman si Tita Karen at may dalang maligam-gam na tubig na nasa planggana at maliit na bimpo. "Tita, ako na pong bahala kay Kaizer, magpahinga na po kayo." Prisinta ko naman. Dahil halatang may sakit din si Tita Karen, at halatang wala pang tulog.

Inilapag naman niya yung palanggana sa maliit na lamesa na nasa tabi ng kama ni Kaizer. "Sigurado kaba Tine? Dito kana ba matutulog?" Tanong pa nito. "Opo Tita, para mas mabantayan ko si Kaizer. Maaga naman po ako aalis bukas para pumasok. Ite-text ko nalang din po si Mama." Paliwanag ko naman. Tumango naman siya. "Sige, ipapahanda ko nalang ang higaan mo ah." Sambit pa nito.

"Wag na po Tita, okay lang po ako. Dito nalang po ako sa sofa ni Kaizer, kasya naman po ako. Mag pahinga napo kayo." Sambit ko naman. Napabuntong-hininga naman siya at napatango. "Sige, ikaw bahala. Salamat Tine." Sambit pa nito bago tuluyang lumabas ng Kwarto.

Kinuha ko naman yung palanggana at inilapag sa tabi ko. Dahan-dahan kong pinunasan si Kaizer, mahimbing pa din ang tulog nito dahil sa sobrang kalasingan. Nanibago talaga ako sa kaniya, hindi naman kasi nagpapakalasing ng sobra si Kaizer. Unti-unti kong tinanggal ang polo ni Kaizer, dahil basa ito ng pawis.

Hindi na ako nagulat nang makita ang katawan ni Kaizer dahil sanay naman na ako dito. Dahil pag dito ako natutulog sa kanila lagi ko siyang nakikitang naka hubad dahil hindi daw siya komportableng matulog pag naka damit. Hindi naman na ako naiilang doon. Tatayo na sana ako pero bigla akong hinatak ni Kaizer kaya natumba ako sa taas niya. Halos nanlamig ang buong katawan ko, nang mapagtantong magkapatong kami. "W-wag m-mo kong iwan. Tine." Bulong ni Kaizer at halatang na nanaginip ito.

Agad akong napatayo sa sobrang gulat at kaba sa nangyari. Dali-dali akong nagpunta sa cabinet ni Kaizer para kumuha ng damit. Nanginginig ang buong kamay ko ng kumuha ako nang damit. Agad ko itong sinuot kay kaizer, at inayos ang unan nito, para makahiga siya ng maayos.

Kinuha ko naman ang phone ko sa sofa ni Kaizer at tinext si Mama. Hindi na kasi ako nakapag pa alam sa kaniya kanina dahil sa sobrang pag aalala kay kaizer.

To: Mama

"Ma, andito po ako kila Kaizer, sorry po kung hindi na'ko naka pag paalam. Lasing na lasing po kasi si Kaizer"

Inilapag kona ang phone ko sa tabi ko at nag alarm nalang ako ng 5 AM para maaga akong magising at makapasok din ako. Pakiramdam ko ay sobrang napagod ako sa daming nangyari ngayong araw. Kaya naman agad din akong naka tulog.

Nagising nalang ako dahil sa Alarm ng phone ko. Dali-dali akong tumayo at nag ayos ng sarili. Pumasok ako ng banyo upang mag hilamos. Pag labas ko naman, naabutan kong mahimbing pa din ang tulog ni Kaizer.

Ended on Unexpected Terms.Where stories live. Discover now