CHAPTER 14.

20 2 1
                                    


"Sa susunod kasi, wag kayong mag-iinom kung hindi niyo kaya. Lalo kana anak, pinahirapan mo na naman si Tine kagabi." Rinig kong sabi ni Tita Karen pag baba namin nila Zoe. Naghahain na ito nang pag kain habang naka upo na sila Kaizer, Chase at Gavin.

Napa tingin naman sa'min si Tita Karen nang bumaba kami. "Oh, gising na pala kayo. Halina kayo, nag luto ako." Aya nito sa amin at inilagay ang adobo sa lamesa.

"Ay, hindi na po. Salamat nalang po. Uuwi na po ako," paalam naman ni Zoe. Lalabas na sana ito ngunit pinigilan siya ni Gavin.

"Kain ka muna, Zoe." Biglang sabi naman nito kaya napatigil si Zoe sa pinto at dahan dahang tumingin kay Gavin. Napangiwi ito nang malawak at napakamot sa ulo bago lumapit sa'min ni Gjael.

"Si gavin lang pala makakapigil sayo-" bulong naman ni gjael kaya kinurot siya ni Zoe sa tagiliran. "Good morning, Tine!" Bati naman sa'kin ni Kaizer pag upo ko sa tabi nito, inabutan pa niya'ko nang plato ngunit hindi ko pinansin ito. Tumayo ako at nakipag palit nang pwesto kay gjael, tumayo naman siya agad para maka pagpalit kami.

Napaawang naman ang labi ni Kaizer nang abutan ako ni Chase nang plato at nang tanggapin ko ito. Rinig ko naman ang pag pigil nang tawa ni Tita Karen pati nila Gavin at Chase.

"Tine, bakit hindi mo'ko pinapansin?" Nagtatakang tanong pa nito. "Kain na tayo, guys." Aya ko naman sa kanila at hindi pa rin pinapansin si Kaizer.

Tumawa naman nang bahagya si Tita Karen, at parang inaasar pa nito si Kaizer. "Ma, bakit hindi ako pinapansin ni Tine?" Tanong naman ni Kaizer at halatang paiyak na. Napangisi naman si Tita karen at kumuha nang kanin.

"Paano ba naman kasi, lasing na lasing kayong lahat. Si Tine lang ang nag asikaso sainyo. Lalo kana anak, sinukahan mo pa si Tine." Sagot naman ni Tita karen at napa iling pa.

Nagtawanan naman sila Gavin at sila gjael. Nanlaki naman ang mata ni Kaizer at napa tingin sa'kin. Kinalabit naman niya si gjael at sinabing magpalit daw sila nang puwesto. Pasimple ko namang kinurot si gjael sa kamay upang hindi siya pumayag pero wala na siyang nagawa at tumayo nalang dahil sa kulit ni Kaizer.

"Tine, sorry na.." sambit pa nito habang kinakalabit ang braso ko.Tumingin ako sa kanya at nakita kong ginagawa ang mukha na iyon, parang isang nagmamakaawang tuta. Inirapan ko naman siya at pinagpatuloy ang pag kain.

Napabuntong-hininga naman siya at napayuko. ''Wala talaga akong maalala kagabi, eh. Ang alam ko lang na nanaginip ako." Sambit niya pa habang nakayuko at parang batang nag papaliwanag.

"Ano naman ang napanaginipan mo, anak?" Curious na tanong naman ni Tita Karen habang kumakain. Napainom naman ako nang juice bago tumingin kay Kaizer.

"Medyo bastos, Ma. Pero ayun na nga, may humawak daw sa junjun ko." Sagot naman nito at sabay tawa.

Muntik ko nang mabuga yung juice na iniinom ko, dahil sa sobrang gulat kay Kaizer. Napatingin naman silang lahat sa akin at mukang nag aalala
maliban kay Chase dahil naka ngisi pa ito. "A-ayos kalang Tine?" Nag aalalang tanong ni Tita Karen. Napatayo pa ito.

Inabutan naman ako nang tissue ni Zoe. "O-okay lang po." Sagot ko naman. Nakahinga naman nang maluwag si Tita Karen at bumalik na sa pag kaka upo. "Grabe naman yang napanaginipan mo, Insan. Diba, Celestine?" Nagulat naman ako nang mapatingin sa'kin si Chase at nakangisi pa ito.

Napakunot naman ang noo ko at napahawak sa batok."H-ha?!" Patay malisya kong tanong dito. Nakita niya kaya yung nangyari kagabi? Wag naman sana. Nakakahiya, nagulat lang naman talaga ako.

Mas lalong lumawak naman ang pag kakangisi nito at tinaas-baba pa niya ang kilay niya. "Oo nga, eh. Ang cringe!" Sabat pa ni Kaizer at pinagpatuloy na ang pag kain.

Ended on Unexpected Terms.Where stories live. Discover now