CHAPTER 17.

14 2 0
                                    

"Kamusta exams?"

Bungad agad sa amin ni gjael nang makarating kami sa Canteen ni Zoe. Umupo ako sa tabi nito at umupo naman si Zoe sa tabi ni Serene. "Okay pa ba kayo?" Tanong pa ni gjael.

"Sakto lang." Sagot ko naman at idinukdok ang mukha sa lamesa. Nakaramdam ako nang antok ngayon dahil yung mga nakaraang araw, lagi akong puyat o kung minsan naman lagi akong maagang nagigising. Kaya pakiramdam ko antok na antok ako.

Naramdaman ko naman na tumayo si gjael. "Oorder na ako. Ano sa inyo?"

"Siomai rice, tapos chocolate milkshake." Sagot ni Zoe.

"Lemonade lang ako." Sagot naman ni Serene.

"Sayo tine?!" Umangat agad ang tingin ko kay gjael at umiling. "Busog pa ako." Bored na sagot ko.

"Kumain ka na ba?" Nagtatakang tanong ni Zoe. Tumango nalang ako. "Saan? Kailan?" Tanong pa nito.

"Kanina." Pagsisinungaling ko. Natawa naman siya nang bahagya at hinablot pa ng mahina yung buhok ko. "Wag nga ako! Sabi mo kanina, maaga kang umalis sainyo kaya hindi kana naka kain."

Mukang wala na talaga akong kawala kay Zoe kaya napabuntong-hininga nalang ako at tumango. "Halaka! Anong oras na hindi ka pa pala kumakain!" Sabi naman ni gjael.

"Wala akong gana, eh." Sabi ko naman. Hindi kasi talaga ako nakakaramdam nang gutom ngayon. Hindi ko din alam kung bakit. Ilang araw na din akong ganito kahit nasa bahay din ako, minsan nga hindi na ako kumakain at natutulog nalang.

"Hindi pwede yan. Mag kakasakit ka niyan, eh." Sabi naman ni serene. "Ako na nga bahala. Libre nalang kita nang burger." Prisinta naman ni gjael pero umiling ako.

"Wag na. Hindi naman ako nagugutom. Mamaya nalang ako kakain."

Hinablot naman ni gjael nang mahina yung buhok ko kaya sinamaam ko siya nang tingin. Mannerism niya na ata ang pang hahablot nang buhok dahil kanina pa niya hinahablot ang buhok ko.

"Gaga! Hindi pwede yun. Mag kakasakit ka niyan. Tingnan mo nga yang mukha mo, ang putla mo na." Saad pa nito.

"Maputi lang ako." Pag papalusot ko pa.

"Shunga! Iba yung maputi sa wala nang dugo! Gaga to!" Sambit pa niya sabay hablot niya na naman yung buhok ko.

"Mauubos na buhok ko sa kakahablot mo!" Sambit ko dito at sinamaan siya nang tingin.

Nginisian niya nalang ako at nag peace sign pa bago nag lakad papuntang Counter.

"Baka mapudpod na yang daliri mo sa kakadutdut nang cellphone mo." Saway naman ni Zoe kay Serene na tutok na tutok sa pag ce-cellphone.

Mula kasi ng dumating kami, hindi pa rin kami pinapansin ni Serene dahil mukang busy-ing busy sa pag ce-cellphone.

"Hindi naman siguro." Pamimilosopo naman ni Serene kaya natawa nalang ako. Hinampas naman siya nang malakas ni Zoe sa braso kaya napasigaw ito.

"Aray ko! Inaano ka ba?!" Inis na sabi nito habang hawak-hawak ang braso niya. "Pilosopo kang hayop ka!"

Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil para silang mga batang nagbabangayan. "Wag mo na kasi akong kausapin kung ayaw mong masagot!" Inis na sabi ni serene bago inirapan si Zoe. "C.R. nga muna ako." Dagdag pa niya bago tumayo at inurong yung upuan niya. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.

"Wazzap, every people!"


Napa angat ang tingin namin ni Zoe nang biglang dumating si Devon kasama si Aiden. "Ginagawa mo dito?!" Mataray na tanong nito kay devon.

Ended on Unexpected Terms.Where stories live. Discover now