CHAPTER 11.

22 7 0
                                    


Pag alis namin nang Drama club Room, dumiretso muna kami sa Canteen dahil nagugutom daw sila Zoe. Since 6:30 PM palang naman, at 7PM pa ang start nang kanta nila Kaizer ay sumama nalang ako. Wala nang masyadong tao sa Canteen pag dating namin dahil karamihan nandun sa sa Coverd Court, kung saan gaganapin ang pagkanta nila KJ.

"Graba nagulat ako kanina, yung iba na yung sinasabi ni Kaizer. Wala na sa script." Sabi ni Zoe habang naka pila kami sa may Counter. "Oo nga eh, pero okay lang kasi maganda naman kinalabasan!" Sagot naman ni gjael sabay tawa.

Nagulat din ako sa mga sinabi ni Kaizer kanina, pero hindi ko nalang yun pinansin dahil baka mapahiya lang kami. Maganda naman talaga ang kinalabasan nang play.

"Oo nga, eh. Sabi ko na nga ba makakaya ni Kaizer yun eh. Tsaka talagang bumagay kayo kanina." Dugtong pa nito  at napatingin sa akin. ''Kinabahan nga ako kanina nung hindi nag sasalita si Kaizer eh!" Sambit ko naman at natawa pa. Natawa nalang din sila gjael at Zoe at naglakad na papunta sa table na bakante.

"Kasama pala si Serene sa nag pe-perform, 'no?" Bigla namang tanong ni Gjael at napatingin pa kay Zoe. Napatango nalang si Zoe dahil puno pa ang laman ng bibig nito. "Nakita ko pala kanina yung Mama at Papa mo, Tine. Kasama yung Mama ni Kaizer." Sambit naman ni Zoe.

Bigla ko naman na alala sila Mama. Ang huling kita ko sa kanila kanina, yung nasa stage pa'ko. Hindi na'ko naka lapit sa kanila pag ka tapos nun dahil dumiretso na'ko sa Restroom. Agad akong napatayo at sinabit ang bag sa balikat. Napakunot naman ang noo nila Gjael at Zoe nang makitang tumayo ako.

Napa angat pa ang mga tingin nila dahil naka upo sila. "San ka pupunta?!" Nagtatakang tanong ni gjael. "Pupuntahan ko na sila Mama, mag kita nalang tayo doon." Paalam ko sa kanila at dire-diretso nang naglakad. Nasa unahan sila naka upo dahil sinabihan ko si Kaizer na darating sila kaya agad niya iyon pinareserve.

Nagmano agad ako kila Mama at Papa, bumeso naman ako kay Tita Karen. Nanlaki ang mata ko nang makitang kasama niya si Aloha. "Hi baby!" Sambit ko dito at pinisil pa ang pisngi. Kumaway naman siya at ngumiti. Two years old na si Aloha, kaya nagagawa na niyang kumaway. Minsan pa nga ay nagsasalita na siya nang 'Mama'.

May apat pang bakanteng upuan para sa amin nila gjael at Zoe. Kaya umupo muna ako sa tabi ni Mama. May mga ibang club pa ang nag pe-perform kaya mamaya-maya pa sila kaizer. Napatingin naman ako sa gawi nila kaizer sa backstage. Nakita kong inaayos niya yung buhok niya gamit ang mga daliri.

Katabi naman niya si Serene na ngayon ay nag aayos din nang buhok. Sila Gavin at Devon naman ay inaayos ang mga polo nila. Napakunot ang noo ko nang mapansing wala si Aiden. Nang mag uumpisa na ang performance nila, dumating na sila Zoe at gjael may dala pang lemonade, at inabot kila Mama at Papa, pati na din kay Tita Karen.

Napatingin naman sa gawi namin si Kaizer at kumaway pa ito, bago umakyat nang stage. Nginitian ko nalang siya at kinindatan.

"Ladies and gentlemen, let me present to you, the Music Club!"

Nag-sigawan naman ang mga estudyante nang umakyat sila Kaizer. "Bulong" by December Avenue ang tutugtugin nila. Pumwesto naman na sila Serene at sila Gavin. Si serene yung nasa gitna nila at kaswal na umupo. Si kaizer naman ang nasa tabi nito at may hawak na gitara. Sila Gavin at Devon yung nasa likod nila at naka upo, may mga hawak na drums sticks.

Inayos pa ni Serene yung microphone bago ginalaw ang mga daliri sa gitara. Hindi pa man din sila nag uumpisang kumanta, naghihiyawan na yung mga estudyante lalo na yung mga outsiders sa likod. Nag intro muna ito bago mag simula.

"Hindi masabi, ang nararamdaman... hindi makalapit,sadyang nanginginig na lang mga kamay na sabik sa piling mo....." Gumagalaw ang katawan niya kasabay ng musikang tinutugtog niya. Napaka ganda nang boses ni Serene, smooth lang din ang pag kanta niya, kaya maganda ang kinakalabasan.

Ended on Unexpected Terms.Where stories live. Discover now