CHAPTER 12.

17 8 0
                                    


Naging busy ako for the past few weeks at halos lahat nagpaplano na kung saan sila pupunta ng Undas Break. Napag-usapan na rin namin nila Zoe na pupunta kami sa birthday party ni Aloha. Sinabi na din kasi sa'kin ni Kaizer na mag papa-party daw talaga si Tita Karen. Dahil darating daw yung iba nilang mga kamag-anak.

Hindi pa ulit kami nagkikita ni Kaizer, since nung hinatid niya'ko sa bahay pag ka tapos nang play. Naging busy din kasi kami parehas, lagi na kasing nag papractice si Kaizer para sa susunod na laban nila sa ibang school. Ako naman sa mga school works naging busy kaya hindi na din niya'ko na susundo at nahahatid minsan.

Nandito kami ni Zoe ngayon,sa  Milktea shop sa isang Mall. Inaya niya'ko para mag libot-libot daw. Since, sabado naman ngayon at wala din akong gagawin, sumama nalang din ako.

"Tine, pa-picture naman! Pang instagram lang." Sambit nito at inabot sa'kin yung phone niya. Napairap nalang ako at kinuha iyon.

Nagpeace sign naman siya habang hawak yung Milktea niya. Naka ilang shots din ako bago inabot ang phone sa kaniya.

"Thankyou." Sabi pa nito. "Halika, picturan din kita! Ang ganda ng OOTD mo ngayon!"

Naka Black Side String dress si Zoe. Ako naman, Gingham Spaghetti Mini Dress.

Napasinghal nalang ako at sumunod. Nag peace sign nalang din ako at ngumiti nang bahagya. ilang shots din ang mga nakuha niya bago pinasa sa'kin ang mga picture. Minsan ko lang buksan ang instagram account ko dahil hindi naman ako mahilig mag social Media.

Seventeen notification ang bumungad sa'kin. Finollow na pala ako  nila Devon at Gavin. Chineck ko ang instagram ni Gavin. Napaawang ang labi ko nang makita ang mga followers niya.

@ash_gavin

37 posts - 15k followers - 15 following

Asher Gavin Tuazon

Where words fail, music speaks

Halos puro music quote lang ang mga posts niya. Siguro mga 15 lang ang pictures niya roon. Chineck ko naman ang kay Devon at halos parehas lang sila ni Gavin.

@devon_sy.

35 posts - 16k followers - 25 following

Devon Symeon Salvador

Sometimes,music speak what you feel inside.

Tinignan ko ang latest post niya. Napakunot ang noo ko nang makitang babae yun na naka side-view at nakatingin sa libro. Medyo malabo ang pag kaka-kuha nito kaya hindi ko alam kung sino yung babae pero may maliit itong scar sa bandang leeg. Napaisip naman ako dahil parang pamilyar yung scar na yun. Hindi ko lang alam kung kanino ko nakita iyon.

May caption pa itong 'My everything'.

Hindi ko alam kung girlfriend niya yun, o isa sa mga babae niya.

"Ano bayan! Ang tanga tanga mo!"

Napatingin agad kami sa may Counter ng shop at nakita si Megan na may kasamang dalawang babae. Sinisigawan niya yung babaeng nasa harap niya dahil natapunan ata ito nang milktea. "Ang bobo mo naman!  Mas mahal pa tong dress ko, kesa sa buhay mo! Letche ka!" Sigaw pa nito habang pinupunasan ang nabasang damit.

"Gaga talaga tong babaeng to, eh!" Malditang sabi ni Zoe habang naka tingin sa gawi nila Megan. "Oo nga, pati inosenteng tao pinag mamalditahan!" Iritang sabi ko naman. Hinampas naman ni Zoe yung table namin bago tumayo at lumakad pa punta kila Megan. Tumayo din ako at agad sinundan si Zoe.

"Hoy." Maangas na sabi nito at hinawakan ang braso ni Megan para humarap ito. Napataas naman nang kilay ni Megan nang makita kami. "What?!" Iritang tanong nito. "Pati ba naman dito, dinadala mo yang basurang ugali mo, ha!" Malditang sabi naman ni Zoe.

Ended on Unexpected Terms.Where stories live. Discover now