CHAPTER 10.

23 7 0
                                    

Lumipas pa ang mga araw, parang bumalik na sa normal ang mga buhay namin. Si kaizer, magaling na. Kaya nakakapag practice na ulit siya sa Music club. Maayos na din ang buhay nila, pero wala na talaga si Tito Steven, hindi na talaga sila nag kabalikan ni Tita Karen. Okay na din naman na si Tita Karen, pero paminsan minsan. Umiiyak pa din ito.

"Manunuod ako ng play mo ah!" Sambit sa akin ni Kaizer at nilapag ang tray sa table. Inabot niya sa akin yung siomai rice pati yung chocolate milkshake. "Wag na, baka pag tawanan mo lang ako, eh! Mag practice ka nalang." Sambit ko naman sabay simsim ng milkshake. Nandito kami sa canteen ngayon, dahil may 30 minutes break kami. Hindi na rin kasi ako nakapag almusal kanina dahil sa sobrang kaba sa mangyayari. Sinabihan kona din sila Mama at Papa na pumunta mamaya sa Play,

Live play yun,kaya open para sa lahat. May mga taga ibang school din ang pupunta. Mga outsiders kaya pwede ka rin mag invite ng magulang.

"Tapos na ang practice namin, tutugtog na din kami mamaya. Di nga namin alam na may contest eh. Hindi kami sinabihan nung leader nung club." Sambit pa nito at kumain. Napatingin naman ako dito at napataas ng kilay. "Lalaban kayo mamaya?!" Nagtatakang tanong ko dito.

Tumango naman siya at pinunasan ang baba dahil natapunan ng shake. "Oo, pag nakapasa daw kami ngayon, ilalaban na ulit kami. Pero sa ibang school naman. Ibang mga teachers ang mag ju-judge mamaya, kaya mas lalong nakakaba." Paliwanag pa niya.

Sa tingin ko, hindi naman niya kailangan kabahan kasi magaling talaga siyang kumanta. Lalo na nung pinarinig niya sa akin yung kakantahin nila mamaya. "Bakit kapa kinakabahan, eh, ang galing mo na nga." Sabi ko naman dito. Ngunit inirapan niya lang ako.

"Wag ka nang mangbola, Celestine." Sabi pa nito sabay ngisi. Hinampas ko naman ang braso nito. "Arte mo!" Sambit ko naman habang pinagpapatuloy ang pag kain. "Mapanakit ka!" Reklamo naman niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pag kain.

"Tine! Kanina pa kita hinahanap! Tara na, aayusan kana ni Vanitee." Bungad ni Zoe nang makita ako. Binilisan ko nalang ang pag kain, para maka alis na. 6 PM pa ang start nung play, 12 PM palang kaya may konting oras pa para, mag practice. Gabi talaga gaganapin ang play dahil sabi nung principal, mas magiging masaya daw pag gabi. Pag tapos kasi namin, tutugtog na sila Kaizer.

"Huy, Shawn! Okay kalang?!" Sambit ko dito, dahil kanina pa siya nakatulala at parang wala sa sarili. "Oo, ayos lang. Kinakabahan lang siguro." Sagot naman niya at napaiwas ng tingin. "Kinakabahan ka ba?!" Tanong naman ni gjael at pinaupo na ako dahil siya ang taga ayos ng mga buhok namin. "Medyo." Maikling sagot ko naman.

At habang inaayusan niya ako, ay naka pikit lang ako dahil sinasaulo ko lahat ang sasabihin ko. Nung isang araw ko pa naman kabisado. Halos isang buong gabi ako noon na walang tulog dahil lang sa kaka-kabisado. Natatakot lang talaga akong magkamali,dahil ito ang unang beses na mag pe-perform ako ng live. Hindi kasi ako sanay.

Nang matapos na sa buhok, pumunta naman ako sa gawi ni Vanitee para mag pa ayos. "Grabe buhok palang na aayos sayo pero ang ganda mo na!" Sambit naman niya habang nilalabas ang mga make-up sa isang maliit na bag. Napangisi naman ako at umupo na."Ayan ha, nambola pa!" Sabi ko naman, Natawa naman siya at pinagpa tuloy na ang paglalabas nang make-up.

Hinila niya ng konti yung upuan para mas magkalapit ang mga mukha namin at para maayusan niya ako nang maayos. Medyo naiirita pa din ako sa mga nilalagay niya sa mukha ko, dahil hindi naman kasi talaga ako sanay sa mga ganito. Hindi nalang ako nag reklamo dahil kailangan naman ito.

"Pikit ka muna." Utos niya at kinuha yung palette ng eyeshadow. "Ayan,okay na. Lipstick nalang ang kulang." Sabi naman ni Vanitee kaya napa dilat na ako. Nang matapos na kami sa pag aayos, inabutan na niya ako ng salamin para makita ang itsura ko. "Simpleng make-up lang ang ginawa ko sayo, pero sobrang ganda mo!" Sambit niya pa. Napangiti nalang ako at hindi na nagsalita. Kanina niya pa pinupuna yung kagandahan ko, kaya hindi nalang ako nag salita pa.

Ended on Unexpected Terms.Where stories live. Discover now