C1: World War II

115 4 5
                                    

"Ayan na sila"

"OMG, si Sean ang gwapo niya"

"Ang sarap sigurong halikan ni Leigh noh"

"Bakit kaya di ako mapansin ni Nicuz"

"Hep! Pakilala moko sa kambal mong si Jared Diannah"

Ang gwapo naman ni Weizer

"OMG! Tama ba narinig namin sa isip mo Chloe" Anak ng Tipaklong narinig pa. Tapos tinulaktulak nila ako parang yung gulat na gulat talaga sila.

"Crush mo si Weizer?" Oo bakit my problema ka Allaina

"Kailan pa" Pagkatungtong ng 4th year Diannah

"Anong na-feel mo para magkagusto ka sa kanya" napanaginipan ko siya Sophia

"Eh bakit ngayon mo pa sinabi?" Syempre malihim ako Angelique.

My gosh sunod-sunod na tanong. Para silang bata. Psh!

"Alam niyo hayaan niyo na ako guyz,bakit bawal ba ma-INLOVE?" Talagang linakasan ko yung in love para makiramdam sila.

"Ah...eh... hindi naman" wow ha? Guyz talagang sabay-sabay kayo.

Ay oo nga pala nandito kami sa May canteen. Tambayan namin kasi always nasa field ang limang ugok. Sabi ni Diannah kinakahiya daw siya ng kambal niya. Ang sama naman ng ugali diba! Grr kung ako lang yun patay siya.

*boom*

Aray. Wahhh bola ng basketball binato nila sakin. Ang sakit ng ulo ko. Yung apat nakayuko lang. Pagdilat ko ng mata ko. Wahhhhhh yung-yung limang unggoy.

"Walang hiya kayong mga unggoy"

"Kami unggoy? Baka kayo ang unggoy" aba mayabang talaga 'to ah. Linapitan ko siya. Ayun tuloy pinagtitinginan na ako ng mga schoolmates ko.

"Hoy ikaw Sean ka na ubod ng yabang,akala mo hindi masakit yun? Bola yan hindi unan" Alla ang lakas nang loob kong sigawan siya wahhh lagot. Galit na siya nakakatakot mukha niya.

"Uy girl tama na yan" mukhang nag-aalala si Allaina

"Hayaan niyo ko guys,hindi ko papalagpasin 'tong ginawa ng unggoy na 'to" alla nangyayari sakin?

"Excuse me panget,don't try us ok" aba mayabang din 'tong Jared na 'to ha "Huy panget kong kambal pagsabihan mo 'tong kaibigan mo ha" Aba masakit yung sinabi niya para kay Diannah ah

"At ikaw naman Jared, bat ganyan mo trinatrato kambal mo ha? Baka mas panget ka pa eh" Buti nga sayo. Pero aakma sanang batukan ako pero pinigilan ni Weizer.

Thank you

"Your welcome" wahhhhh welcome sabi ni Weizer.

"Hoy panget,don't you dare to shout us? Di mo ba kami kilala? Kami ang DIRECTIONER" Aba naka emphasis talaga ang Directioner mayabang talaga nitong unggoy na 'to. Tumawa ako ng malakas ayan tuloy ang sasama na ng tingin nilang Lima tapos pati mga studyante sa may feild.

"Kalalake niyong tao maka-1D kayo haha mga sira-ulo" Psh! Napahiya sila. Eto na magulo na buhay namin dito! Kasalanan ng sira-ulong directioner na mga yan. WW2 na.

"Ano sabi mo Panget ka? Bakit eh kamukha naman namin sila" aba adik ba 'to tss! Unggoy nga kayo eh. Tapos nagpogi points pa sila. Pweee

"Saang banda unggoy?" Ang sarap pala nilang asarin ano? Pero natatakot ako 'no.

"Lahat" aba parang nagpapasexy ang unggoy

"Tama na sis,pinagtitinginan na tayo rito oh! Mahiya tayo sa kanila dahil sikat sila dito" Wag kang mag-alala Diannah.

"Teka muna may sasabihin lang ako sa kanila" Please help me na makaisip ahhh "Ikaw Sean, wag kang magmayabang ok! Kung hindi ka naman magaling wag ka na lang mag-aral, At ikaw naman Leigh ano alam mo gwapo ka hindi ano,feeling gwapo ka lang, ikaw naman Nicuz Bipolar ulol,At ikaw namang mukhang aswang na kambal ni Diannah don't you ever hurt my friend again and last Weizer,wag kang sumali sa kanila BI sila ok" Napabuntong hininga naman ang mga barkada ko. Anong sabi ng utak ko. Clap for Chloe

Tumalikod ako ng batuhin ako ng bola ni Sean. Masakit nga noh! Sira-ulo talaga sila tapos biglang tumakbo. Lol! Takot sila siguro. Eto na nga ba sinasabi ko.

Pagkaalis namin sa field pinauna ko sila sa room kasi may kukuhanin ako sa locker kasi yung notebook ko ng history nandon.

Naglalakad ako papuntang locker ayun ang sama na ng tingin nila sa akin. Ang sakit ng mga naririnig ko sa kanila.

"Feeling niya ano,pahiyain naman ang Directioner"

"Oo nga,hindi naman maganda feeling nga eh"

"Alam mo nagpapasikat lang yan kasi hindi kilala sa campus, ang epal"

Oo epal na ako! Epal na kung epal bakit ang sakit kayang mabato ng bola! Ikaw gusto mo ganon din. Haixt eto na naman andito ang mga naglalakihan ng mga ANO yung *toot* nila. Sikat sila at sila ang cheering squad sa school. Magaganda sila pero panget din ugali nila.

"Well,well ikaw pala ang nagpahiya sa dakila kong manliligaw" Aba abaniko? Manliligaw mo si Sean? In your dreams. Eh wait bat si Sean na isip ko eh Lahat naman sila. Psh! Erase.

"Sorry,Nakainom ba kayo ng Drugs di ko kasi alam sinasabi niyo eh" Tama naman diba. Di liligawan ni Sean niyan. Sheteng polboron bat lagi si Sean. Hmhmhm.

"Nagmamaang maangan kapa" Aba abaniko sinampal ako. Omegush ang lakas ng sampal niya. Sa tingin ko namumula na 'tong pisngi ko. Sa lakas ba naman ng sampal ng Isang Kristel Dolores. Plus tinulak pa ako ng mga Alipores niyang sina Hannah Bernardo at Katherine Acantilado

"Buti nga sayo,at kung malaman -laman ko lang na ipapahiya mo si Weizer na boyfriend ko di lang tulak at sampal ang aabutin mo kundi kalbo" Ano? Boyfriend niya ang crush ko? Huhu :'( no way ako lang ang mahal niya hindi ikaw. Ang OA pero masakit na malaman na may girlfriend na ang pinagmamasdan at pinagpapantasyahan kong lalake.

Anong nangyayari sa akin? Bakit ganon parang ayokong pumasok sa room dahil nasasaktan pa din ako. Kahit ni-hindi kami close ni Weizer masakit sa akin. Ang Zane ng buhay ko my Girl Friend na..

Oo parang World War II kasakit na malaman na my Girlfriend ang crush ko parang nabaril ako sa puso,parang sasabog na bomba at maraming kalaban. Huhuhu :'(

[Guys just leave your question and comments samahan niyo na din ng vote if nagustuhan niyo]

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon