Aba ang Mommy ko kailan kaya siya magbabago natutulog pa ang tao eh! Sa lahat ba ng Nanay siya lang ang my PLUSS.
"Mommy PLUSS ka talaga,Pretty,Loving,Understanding,Sweet and Sexy" Sa buhaghag kong buhok ginulo pa niya!
"Bola ka talaga pero thank you anak ha" Si Mommy talaga oh. "Oh bumangon ka na jan at magbihis kasi Anjan na ang mga kaibigan mo" Kaibigan? Sina Allaina anjan.
"Mommy imposible naman ang sinasabi mo eh ang lalayo kaya ng mga Bahay ng mga yun" Imposible talaga. Kumbaga mas malapit ang bahay nila sa school kesa sa akin.
"Anak One of The Boys ka na pala kailan pa?" One Of the boys? "Pero infairness ang gwa-gwapo nila" Posible kaya na ang Directioner? No! No!
"Sige mommy magbibihis na ako" Nakapagtataka talaga!
Binilisan ko ng magbihis pati yung sabon sa ulo ko na nailagay. Binilisan ko talaga as fast as I Can! After 5 minutes yan tapos na ako!
Bumababa ako para tignan ang mga kaibigan na sinasabi nila Mommy. Nang buksan ko ang gate Oh My Gush ang Directioner nga. Ano kayang gagawin nila sa akin.
"Anong ginagawa niyo dito mga unggoy,at paano niyo naman nalaman nag bahay namin hah?" Tinaasan ko sila ng kilay.
"Sinusundo ka namin bilang sorry namin sayo" Ha-hah Sorry? Sure ka Jared? Oo si Jared ang kaharap ko at mukhang Sincere. Tinignan ko si Weizer tahimik parin. Si Nicuz naman naka-ngiti lang. Si Leigh naman busy sa katext at si Sean ayun naka-andag lang sa Pader.
"Ah papatawarin ko kayo sa isang condition" Haha Tama?
"Ano yun" Sabay-sabay talaga sila ha!
"Aminin muna kasi ni Sean na siya humalik sa akin" What? Bat yun.
"Sinabi ko na kasi sayo nga hindi ako,di ako hahalik sa isang manang manamit katulad" Ouch !
"Eh ikaw lang naman nakita ko na lumalakad sa malapit sa Old Cr pasway-sway pa." Papanindigan ko 'to.
"Sigurado ka ba?"
"Oo sigurado ako" Di talaga ako pwedeng magkamali.
"Hindi nga ako manang" Umuusok na ang tenga niya. Galit na yan!
"Uiiii" sigaw ng Apat. Wahhhh! Magkalapit na pala mukha namin wahhhh! Nakakahiya wahhh! "Ang cute niyong tignan" Aba ng iinsulto ka pa Jared!
"Lumayo ka nga sa akin" itinulak ko siya paano muntik na naman kaming nag-kiss! "Tayo na nga" Wow! Kaninong kotse kaya 'to.
"Sakay na kayo sa kotse ko" Ah si-si Weizer nag-salita? Oh My Gush ang soft ng Voice niya nakakainlove!
Sumakay kami sa kotse ni Weizer. Amoy pa lang weizer na weizer na. Pero tatlo 4 kami dito katabi ko si Jared at si Sean na bwiset! Si Leigh naman naka headphone! Yan na siguro daily routine niya ano. Si nicuz naman naglalaro Hmmm Finger. Tapos si Jared nakatingin lang sa labas ano kaya problema nito. Si bwiset na Sean naman Naglalaro din ng Stick Hero.
Tahimik gustong-gusto kong basagin pero biglang nagpreno si Weizer at ng bigla akong mapayakap kay Se-sean! Nagkatinginan kami. Maganda ang kanyang mata nakakaakit. Yung labi niya ang pula-pula tapos ang pilik mata niya mahaba at ilong niya matangos talagang complete package na!
"Ehem" Napabalikwas naman kami pareho ni Sean. "Ano yung moment na yun ha? Kayo Luma-Love na"
"Luma-Love ka jan" sabay talaga kami ni Sean ah.
"Tumigil ka nga Jared,sadyang may gusto sa akin si Manang nahihiya lang niyang sabihin" Yuck! Kadiri!
"Over my sexy ang beautiful body" HAHA
"What? Sexy body eh ang panget" Sabay namang tumawa. Hinampas-hampas ko siya. Pero habang tumatagal parang ako ang nasasaktan hindi siya.
"Ahhhh,Ang Switch naman" So Swowtime host na peg niyo ngayon hindi 1D.
"Anong Sweet" Sabay na naman kami. Sabay nagtawanan silang lahat!
"Anong nakakatawa" Bakit kung anong naiisip ko naiisip din niya!
"Eh kasi sabi namin Switch hindi Sweet" talagang ang lakas ng tawa ni Jared ano talagang nakahawak sa tiyan niya. At bigla naman binatukan ni Sean. Buti nga sayo. Binelatan ko nalang.
Ng makarating kami sa School talagang naghihiyawan na ang mga babae pero nung ako yung lumabas tahimik na sila. Ng dumaan kami sa Cat Walk o Hall way ang dami akong naririnig
"Bakit kasama nila yang panget na yan"
"Ang epal niya talaga kahit kailan"
"Hindi naman kagandahan,flat chested pa"
Kasalanan ko lahat 'to eh bat sumama-sama pa ako sa mga naglalakihang unggoy na mga 'to.
"Wag mo na lang silang pansinin ha inggit lang sila kasi ikaw kasama namin" Bulong pa-more Jared. Close ba tayo ha? Ok na rin yun. Nag-smile na lang ako sa kanya. Tignan ko si Sean eh mukhang abot langit ang ngiti. Bakit kaya? Hindi na ata unggoy naging Abnormal na unggoy na!
"Sige una na ako hah,kitakits nalang" Sabay nagsmile naman lahat sila.
Papunta ako sa Locker ko para kunin ang Gamit ko! Habang kinukuha ko nakangiti ako. Kasi isa lang ako sa mga No Body dito sa school tapos ngayon usap-usapan na ako. Pero masasakit lang yung sinasabi nila.
Palakad ako sa may hagdan ng may biglang humarang sa akin. Anjan na naman ang mga Witches ko. Daig ko nga pa si Snow White eh siya isa lang ako Tatlo oh diba kulang na lang ang Prince Charming ko.
"Ah oo nga pala Chloe tayo pala ang Representative sa section natin para sa Ms. Campus." What totoo ba 'to No. "Pero nagtataka kami kung bakit ikaw pa,pero ako naman mananalo dun eh" Haixt na ko Kristel oo ikaw na "At may surprise pala kami sayo. Tinalikuran ko na lang sila at nagpatuloy na umakyat. At may nabasa ako sa may pader na
C-heap
H-aliparot
L-ampa
O-nggoy
E-pal"Nagustuhan mo ba ang surprise namin" Sige magtawanan pa kayo. Aakmang sasampalin ako ni Kristel pero may biglang may pumigil sa kanya na isang lalake. Oh my gush perfect cast na kasi andito na ang prince charming ko.
"Sige saktan niyo siya" Familiar ang boses niya ha. "Sino nagdikit nito?" Walang sumasagot pero ako nakapikit parin ako. At naramdaman kong umalis na ang mga Witches ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at nagulat ako sa Prince Charming ko. Yung-yung totoo.
Itutuloy
--------
Nabitin ba kayo? Talagang binitin ko kayo.Hulaan niyo kung sino si Prince Charming :) comment niyo ko. If You want to ask Question I will answer it :)--Ceecubeare23
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Teen FictionKatotohanan ba o Kabaliwan lang ang Paghanga mo sa kanya o di kaya nahuhulog kana?