C4: Prince Charming

48 4 5
  • Dedicated kay Vejane Daludado
                                    

Hindi talaga ako makapaniwala na siya ang bubuo ng Cast ko. Siya ang Prince Charming ko si-si Weizer? Isang Weizer Drew Zamora. At teka akala ko ba girl friend niya si Hannah? So it means hindi totoo mga sinasabi ni Hannah! Yehey! Magsaya ka Chloe yan naman gusto mo diba!

"Ok ka lang ba" Oh Chloe Sanchez ok ka lang daw ba kung ok ka lang sagutin mo.

"Ah...eh...Yeah salamat ha" Yan nahihiya ka naman pala.

"Alam mo maganda ka sana" Ano? Ano sabi niya?

"Hah?" Sige Chloe Magmaang-maangan ka pa.

"Sabi ko maganda ka sana kung di ka lang bingi tayo na nga" Ayun. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinawakan niya yung kamay ko. Nararamdaman kong nag-iinit ako sa kilig at sana hindi niya mapansin yun kasi nakakahiya! Nagsalita pa siya at doon ako namula lalo. "May nanliligaw na ba sayo?" Wala pa. Sana ikaw. Tumingin siya. At tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak at nataranta siya "Chloe ok ka lang ba? Namumula ka oh? May sakit ka ba?" Talagang hinawakan niya yung leeg ko pati sa noo. Cool pala siya 'noh kung OA siya.

"Ano kaba" Ang OA ko naman sobra na ba akong ka-pula para maging OA siya ng ganon. "Ok lang ako so easy lang best" Halla? Best talaga?

"Aba bume-BEST kana ngayon ha" Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Infairness ang cute niya. "Tayo na nga baka pumula ka na naman jan"

Pumunta na kami sa room. Section A kasi kaming lima pero sila B kaya magtatabi lang rooms namin kaya inihatid ako. Oh ang sama na ng tingin sa akin lalo na yung mga bruhang mangkukulam ko. Yumuko na lang ako pero bigla akong hinarang ng mga mangkukulam.

"Talagang malandi kang babae ka" Ayun. Nakahiga na ako sa sahig. Sa lakas naman ng tulak ni Hannah sa akin.

Agad naman akong pinatayo ni Se-sean? What? Bat niya ako tinutulungan diba enemy kami? At anong ginagawa niya rito diba sa kabila siya?

((Now Playing: Night Changes by One Direction))

"Ok ka lang?" Ha? Ano sabi ok lang ako? Himala? Siguro natamaan ng kidlat kaya nagbago! "Magsorry kayo sa kanya"

"Pero babe" What? Babe? Weh?

"Anong babe,matagal na tayong tapos diba?" Ah ex-girlfriend niya pala. "At isa pa kung nakikita ko kayong inaapi niyo siya ako makakalaban niyo understood?" Nakakatakot talaga siya. Alam na alam ko galet siya.

"Ok" Bigla namang tumalikod ang tatlo at sabay-sabay silang tumingin sa akin na may pahiwatig na 'Di pa kami tapos' buti na lang. "Ok ba manang?" Nag like sign pa talaga ah. Nginitian ko na lang siya. "Wala bang pasalamat jan"

"Salamat po" Nagbow naman ako. Ngumiti man siya sa akin. "Friends?" Inabot ko sa kanya yung kamay ko tanda ng pagkikipagkaibigan.

"Hindi" Ha? Bakit? Eh tinulungan niya man ako. Abnormal talaga 'tong malaking unggoy na 'to. Tumlikod ako. Bigla niya akong hinarap. "Best! Best Friends"

"Ano?" Sige mag patay malisya ka Chloe.

"Sabi ko Best Friend" Talaga? Haha nakakanibago.

"Sige" Sana nga di na ako awayin.

"Pero gusto kitang asarin araw-araw" Mokong talaga 'to kahit kailan. Ok!

"Ehem" tumingin kami sa likod kung saan nang gagaling ang mga ubo. Paglingon namin ang Apat!

"Napaubo talaga kayo o sinadya niyo" At binatukan ni Sean sila isa-isa.

"Teka,di lang kayo mahihiya nasa classroom kayo ng section A." Ay oo nga pala. Lupa eat me now please. At nagiinit na ang mga Pisngi ko.

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon