*Sean's POV*
Anong nangyayari sa Best Friend ko. Dati matapang,masiyahin pero ngayon bakit parang hindi na siya. Bakit nasasaktan siya ng ganon. Kahit na ano kaya kong gawin maging masay ulit siya. Kailangan ko siyang sundan.
Tumakbo ako patungo sa direction ni Chloe. Bakit kasi umalis-alis ka pa Weizer. Ano bang ginawa upang maramdaman ng isang Chloe Sanchez lahat ng mga ito. Ganon ka ba niya kamahal. Ako best friend lang ako pero alam ko ang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Nakita ko siya papunta sa Cr.
Ang lakas ng kanyang iyak. At yung iyak na yun ay nakakaawa. At bigla siyang nagsalita.
"Weizer bakit mo ako iniwan" Bakit nga ba? Wala ka namang dahilang sinabi Weizer. "Weizer bakit ngayon pa?" Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. "Bakit linayo mo ang sarili mo ngayong close na tayo" Gusto kong sisihin si Weizer dahil sa nangyayari sa Best Friend ko. "Bakit umalis ka" Oo bakit siya umalis."Ang Tanga mo Chloe ang tanga-tanga mo. Di ka pumunta sa Airport ang akala mo kasi mas malilimutan mo siya pero hindi mas malala ang ginawa mo. Isa kang napakalaking tanga" Hindi ka tanga. Nasasaktan kalang dahil iniwan ka niya. "Di ka ba naaawa sa akin? Kung nakikita mo lang ako ngayon baka masasaktan ka rin" Sigurado yan. Ako din nasasaktan na para sayo. Oo isa akong bully pero hindi ako pusang bato. "Bakit ganon kung kailan tayo nagkakilala dun ka naman aalis. O sadyang universe ang umaayaw sa atin" Siguro kaya i-let go mo na siya. "Weizer bumalik kana please hindi ko kayang hindi makita" babalik din siya.
Hindi ko na kaya. Pinasok ko ang cr kahit ladies cr yun. Buti na lang talaga dumating ako kung hindi nakita ko na lang siyang nakhandusay sa floor ng cr.
Binuhat ko siya. Itinakbo ko siya sa clinic. Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko mapapatawad sarili ko kung may mangyari sa kanyang masama.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Teen FictionKatotohanan ba o Kabaliwan lang ang Paghanga mo sa kanya o di kaya nahuhulog kana?