Chapter 7

153 21 13
                                    


Chapter-7

~Bianca

Krooo... Kroo..

Ughhh. Ang sakit ng ulo ko. Alas tres ng madaling araw na kasi ako nakauwi kanina. Napatingin ako sa sarili ko...

Ni hindi na pala ako nakapagpalit ng damit. Nakauniform parin ako.

Tumayo ako at inayos yung hinihigaan ko. Ang tahimik. Sabagay, sanay naman na ako. Ako lang naman mag-isa dito eh.

Chineck ko yung phone ko. Nanlaki naman ang mga mata ko!

106 new messages?!

Ang dami naman!!!!!!!!

Puro kay Kikay galing. Flinood text ako.

Binuksan ko yung last na text niya.

Biancx, Why r u absent?

O________O

ASDFGGJJKKLLL!!

Anong absent?!

Agad kong inexit papuntang home yung phone ko at nanlaki ang mata ko dahil tumataginting na 11:45AM ang nasilayan ko T0T

Eh 11AM yung klase namin ngayon kay Pervert Boy! Huhuhuhuhu. Patay na! Baka pag-initan ako nun! Papasok ba o papasok?!

Para makasigurado, papasok nalang ako!

+++++

Kahit na naligo na ako sa bahay ay naliligo naman ako ulit....sa pawis! Tinakbo ko ang hagdanan hanggang makarating ako sa fourth floor na siyang room namin ngayon. Tumutulo na yung pawis ko sa noo!

Amoy pawis na ako, kaliligo ko palang! Haynako.

Nang nasa tapat na ako ng room, naririnig ko na yung bunganga ni Pervert Boy na nagtuturo ng lesson. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto.

Ilang sandali pa, binuksan na niya yung pinto at nakapoker face siyang tumingin sa akin.

"You are late." tumingin siya sa wristwatch niya. "So, so late." umiling-iling pa.

Inirapan ko nga! Eh kung papasukin na kaya niya ako 'no! Sayang ang oras!

"Puyat. Late ng gising." kako tapos nilagpasan ko na siya sa pinto. Pumasok na ako at umupo sa pwesto ko.

Agad naman akong sinitsitan ni Kikay. Sumenyas siya kung bakit daw ba ako late. Tapos tinuro ko nalang yung eyebags kong pwede na yatang kiluhin sa laki. Napatango nalang siya. I swear, nagets na niya yon agad.

Nagpatuloy lang sa pagtuturo si Pervert guy. Infairness ha!

Naiintindihan ko talaga yung turo niya. Pero hindi parin magbabago ang tingin ko sa lalaking yan. He's always the pervert and the maniac sa buhay ko!

"Biancx! Gising na oy!"

"Uuurrghh..." tinabig ko yung kamay ng yumuyugyog sa balikat ko. Istorbo!

"Kakain na tayo, Biancx! Lunchtime na!"

"Ikaw nalang, Kiks. 'Naantok talaga ako.." isa pa, ayokong gumastos ng pangkain ngayon. Nanghihinayang ako sa gagastusin ko!

"Eeeeehhh!! Biancx naman e!"

"Kiks, ikaw na lang talaga! Kumain naman ako sa bahay e." pagsisinungaling ko.

Hindi naman yan papayag kapag hindi pa ako nagsinungaling.

"Pero Biancx naman, kahit samahan mo nalang sana-ay sige. Babush na pala! Hehehehehehe."

At mabilis siyang lumabas ng room. Anyare dun? Pero okay na din.

Shut up just kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon