Chapter 8
++++++++++++++++++
"Bakit nandito tayo? Pinakaayaw kong lugar ito eh!" reklamo ko pagkababa ko sa motor ng mahal na prinsipe.
Leche siya! Hindi ko alam na may motor pala siya. May sakit ako tapos papasakayin niya ako sa motor niyang kulang nalang eh lumipad na kanina! May sama yata talaga ng loob 'to saken eh.
Pakiramdam ko nga tumaas ang altapresyon ko dahil sa bilis niyang magdrive. Parang nakikipagkarera! Kung gusto niyang magpakamatay, aba huwag siyang mandamay ng maganda!
Kawawa ang Pilipinas kapag nawala ako. Mababawasan ng maganda sa mundo! Okay sana kung siya eh, atleast mababawasan ang mga manyak!
At hulaan nyo kung nasaan kami ngayon!
Nandito lang naman kami sa park! Lintek na yan! Eh ang dami-daming mga lovebirds dito eh! Broken pa nga ako kay ex kong si Mike, kailangan ko munang mag move-on!!!
"Choosy ka pa. Akala mo naman dadalhin kita sa restaurant? Nagtitipid ako ngayon."
Nilingon ko ang hampas-lupang nagsabi non.
"Dapat kasi, hinayaan mo nalang akong magtrabaho! Kung bakit ba kasi bigla-bigla ka nalang sumusulpot eh!"
"Tss... It's just a favor of my sister."
"Sister?"
Akalain mo yon! May kapatid pala siya?
Tumingin siya sa akin na para bang ako na ang pinakatangang tao sa balat ng tinalupan. At swear, parang ang sarap niyang sapakin. -__-#
"You sure you don't know who my sister is?"
Inirapan ko nga. Ayun! Sumakit na naman ang ulo ko. Huhuhuhuhu.
"Tatanungin ko ba kung alam ko? Common sense naman!"
Naglakad ako papunta dun sa isang wooden bench.
Hinawakan ko yung sintido ko kasi lumakas yung hangin, pakiramdam ko bigla akong lumutang. Minamaligno na yata ako eh! Pati maligno nainlove na saken. Tsk tsk iba na talaga ang kamandag ng alindog ko!
"Kaya mo pa ba?"
O! Sumunod pala si pervert boy.
"Kapag ako nawalan ng malay dito, ikaw na bahala ah?" sabi ko sa napakahinang boses.
Bakit ganun? Kapag magsasalita ako parang tinutusok yung ulo ko! Ang sakit!
Parang mas gusto ko nalang na mabrokenhearted ako ng tuluyan kesa madama ko yung sakit ng letchugas na ulong ito eh!
BINABASA MO ANG
Shut up just kiss me
Teen FictionAko ay isang simppleng babae lang. ++++++++++++++++++++++++++++++ Simpleng buhay, maayos na araw-araw at masayang buhay-estudyante. ++++++++++++++++++++++++++++++++ Pero dati yon. Nagkandaleche leche na lahat nung nawala yung virginity.... NG LABI...