Chapter-1
~Bianca Grethel Paterno
"Whoo! Out ko na din sa wakas."
Nagbubunyi akong lumabas ng Franco's Restaurant.
Grabe! Nakakapagod...
Parang gusto kong humilata magdamag sa higaan ko. Closing na naman kasi ako ngayon. So it means madaling araw na ngayon. 2am to be exact. Ito lang ang alam kong restaurant na inaabot hanggang madaling araw.
"Uuwe ka na?" Tanong ni Cass. (Short for Cassandra)
Isa siya sa mga ka-close ko dito sa trabaho.
Mabait siya saka magaling magpayo..
Mas matanda siya sakin ng isang buwan, sayang nga lang at tumigil na siya sa pag-aaral. Schoolmate sana kami kung nagkataon.
"Ah oo. Sobrang inaantok na kasi ako eh. Saka maaga pasok ko bukas sa school. Bangag na naman ako neto."
"Haha! Goodluck sa pasok mo bukas. Sana may maisagot kang matino sa prof mo."
"Naman! Lahat kaya isinasagot ko dun sa professor kong panot." Sabi ko tapos tumawa siya.
Alam na niya ang tinutukoy ko..
Kung ano kasi ang trip kong isagot, iyon yung sinasabi ko. Kaya nga madalas, nasa DO ako. (_ _")>
"Osya. Sige na, alam ko namang yakang-yaka mo yan eh. Ingat ka ha!"
"Osige sige, mag-iingat talaga ako. Hinahanap pa ako ng prince charming ko nuh! Haha"
Naglakad ako hanggang sa kabilang kanto para sumakay ng dyip. Sa tapat kasi ng restaurant na yun, puro taxi at mga kotse ang nagdaraan.
Eh saktong 8.50 pesos lang naman ang nasa bulsa ko pampamasahe sa dyip. The rest is nasa Jansport na bag ko na, (yung tig-dadal'wang daan na nabibili sa may palengke.) mabuti na lang pinasweldo na kami kanina.
Puno na naman tuloy ang bulsa ko neto..
"Manong paraaaa!!" Sigaw ko habang kinakaway ko ang kanang kamay ko sa mga dyip na dumadaan. Antok na antok na talaga ako.
Nakakainis yung ibang mga driver, napaka-snob.
Mukha ba akong tambay lang sa kalye ng ganitong oras? >__<
Yung iba naman hinihintuan ako pero punong-puno naman na sa loob.
May nakasabit na din sa pintuan. Anong gusto niya sumabit ako sa bintana? Inaantok na nga ako, nababadtrip pa tuloy ako sa kanila.
"Hays! Nakakaasar naman tung mga driver na 'to. Kapag ako nakita ng mga rugby boys dito at na-rape ako saka ako pinatay, mumultuhin ko lahat ng mga jeepney drivers dito sa pilipinas!" Yamot kong sabi sabay kamot ng matindi sa bunbunan ko.
Ilang minuto pa akong matiyagang naghintay, at SA WAKAS! May huminto na ding jeep na medyo maluwag sa loob kumpara doon sa mga nauna kanina.
Pumasok ako at pagkaupong-pagkaupo ko ay nagbayad na ko.
"Bayad pooo!" Sigaw ko sa katabi ko na wala yatang balak abutin yung bayad ko.
Pasimple lang siyang yumuko tsaka nagtulog-tulugan.
Aba! HIndi pupwede yan.
"Makikiabot pooo!!"
wala parin..
"Hoy mamang may hikaw! Bayad po sabi!"
Parang wala siyang narirrinig.
Ano ba namang tao ito! (>__<")
BINABASA MO ANG
Shut up just kiss me
Novela JuvenilAko ay isang simppleng babae lang. ++++++++++++++++++++++++++++++ Simpleng buhay, maayos na araw-araw at masayang buhay-estudyante. ++++++++++++++++++++++++++++++++ Pero dati yon. Nagkandaleche leche na lahat nung nawala yung virginity.... NG LABI...