Chapter 6

203 24 7
                                    

Chapter-6

~Bianca

Pauwi na ako nang may mapansin akong babaeng umiiyak doon sa swing sa park na nadaraanan ko pauwi. Gabi na din ngayon. Mga 10PM na nga yata eh. Bakit kaya nandito pa siya?

Medyo nakaramdam naman ako ng concern kahit na hindi ko naman siya kakilala. Hmm... Malapitan nga.

"*Huk* Walang *huk* hiya siyaaa. Huhuhuhuhu. Man *huk* manloloko *huk* kay -- huhuhuhuhu."

"Miss kailangan mo yata to?"

Inabot ko sa kanya yung panyo. Kawawa kasi yung panyo niya. Sobrang lukot na lukot na dahil sa higpit ng hawak niya tapos basang basa na din ng luha... siguro pati sipon. Malamang. Umiiyak eh. =_=

Medyo nagulat naman siya pero kinuha na din niya.

"Uwaaaaaaaa! Huhuhuhuhu. Miss... Alam mo ba niloko ako ng boy friend ko. Huhuhuhuhu. Wala siyang puso! Bwiset siyaaa. Huhuhuhuhu."

Sabi niya tapos siningahan niya yung panyo ko. Waaaa! Hindi ko na nga lang kukunin! Tigsasampong piso lang naman yon sa Palengke. >з<

"Halata naman na niloko ka niya. At saka isa pa, narinig ko talaga. He-he."

"Waaaaa! Narinig mo?! Hindi ako baliw ah! Broken hearted lang talaga. Huhuhuhu. Ang sakit!"

"Panong paraan ka ba nya niloko?" tanong ko. Inuusig na naman kasi ako ng pagkachismosa kong pagkatao. Di ko na kasalanan yon nuh! Siya kaya unang nag-open. >з<

"Niloko nila ako. Niloko nila ako nung isang bestfriend ko. Mga walanghiya sila! Magmemake-out na nga lang sa condo ko pa! Uwaaaaa! I hate them! I really hate them. Akala ko mapagkakatiwalaan ko sila. Ako pa mandin nanligaw dun! Yun pala binababoy nila ang lugar ko! Niloloko nila ako dun mismo sa teritoryo ko! Mga manggagamit lang sila. Huhuhuhu. Ang sakit talaga miss. Promise!"

Hinaplos-haplos ko yung likod niya. Grabe pala nangyari sa kanya! Ang sama naman ng boy friend saka bestfriend niya!

"Sorry ha. Wala akong masabi. Hindi ako magaling pagdating sa mga advice-advice na yan pero ang masasabi ko lang, wag kang magtatanim ng sama ng loob mo sa kanila. Kahit pa ganon kagrabe yung ginawa nila sayo. Kasi kapag nakain ka ng galit mo, ikaw din ang matatalo."

Napatingin naman siya sakin ng nagtataka.

"Kung sayo kaya mangyari to... Mahirap yang sinasabi mo nuh. Mahirap iwasang magalit sa kahayupang ginawa nila sakin." Kunot na ang noo niya.

"Hindi ko naman sinabing wag kang magalit sa kanila kasi in the first place, hindi naman talaga yun maiiwasan. What I am saying is ... wag mong kimkimin ng matagal ang galit na yan. Instead, dapat gawin mong inspiration yan para matulungan pa na lalong maimprove ang sarili mo to the point na pagsisisihan nila ang ginawa nila sayong mali. Show them your worth and let them regret that they waste someone essential like you."

Nagpilit siya ng ngiti at saka ako nagulat nung yumakap siya sakin.

Shut up just kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon