Chapter 4

202 15 11
                                        

Chapter-4

 ~Bianca

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kikay. 

"Hahahaha ikaw talaga. Hindi na kelangan. Hindi ko rin naman hinihiling na makita sila ulit eh. Sila na ang kusang lumayo, iniwan nga nila ako diba. Kaya bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong iniyawan na ako dati pa."

"AHUHUHU :((" 

"Oh baket?"

"Ngayon ko lang na-realize, bagay pala sayong mag-artista!"

=____=

Sira-ulong babae to ha. Sa pagkakatanda ko, matino ang kwentuhan namin ngayon eh. 

"Baliw!"

"Pero Biancx, hindi ka man lang ba naku-curious kung ano ang dahilan kung bakit ka nila nagawang iwanan? Malay mo, they are just stucked in a difficult situation and their only choice is to give you up even if they didn't want that to happen."

"Tss. Naisip ko na din yan noon. Kaso, wala talaga akong maisip na matinong dahilan para iwanan nila ako."

"Malay mo, baka hindi ka nila kayang buhayin kaya pinamigay ka nila. It's for your own sake naman eh."

"Naisip ko din yan nuh! Kaso, kung yan talaga ang case, na gusto lang nila akong mabigyan ng isang magandang buhay kahit hindi sa piling nila ako lumaki, bakit dun pa ako iniwanan sa pamilyang wala man lang nagmamalasakit sakin ni isa? Edi sana kung inisip nila ang kinabukasan ko, iniwan nila ako sa isang mabait na pamilya. Yung magsisilbing pamilya ko talaga, hindi yung aalilain lang ako hanggang malagutan na ko ng hininga." 

T'wing naaalala ko talaga lahat ng pag-hihirap ko sa buhay, hindi ko maiwasang hindi sila sisihin. Naiinis ako. Pakiramdam ko pinanganak ako in a wrong place, in a wrong time kaya wala halos tumanggap saken.

Naramdaman ko ang paghagod ni Kikay sa likod ko. Umiiyak na pala ako. Hindi ko talaga maiwasang maging iyakin pag naaalala ko ang pamilya ko, este ang pamilyang pinanggalingan ko.

"Biancx, kahit ako naiiyak na. Ang galing mo talaga. Try mo nga kasi mag-artista, promise sisikat ka agad!"

*PAK*

"Aray naman *pouts*, Minsan talaga may pagkasadista ka eh."

"Baliw ka kasi! Ang seryoso ng usapan tapos bigla mo nalang ipupush yang pag-aartista ekek na yan. Tara na nga!"

++++

"Waaaaa! Malapit nang paskoooooo!!"

Nag-inat na ako saka ako nag-jogging. Yung tipo ng jogging na hindi umaalis sa pwesto. Dito lang kasi ako sa apartment ko eh.

Naghilamos muna ako saka nagtoothbrush. Mamaya na ako maliligo. 

Mamaya pa naman pasok ko sa school,

at saka isa pa, ang lamig ng tubig! Kakatamad maligo kapag ganun.

Feeling ko nasa ice bucket challenge lang ako eh. 

Pumunta na ako sa kusina,. Magpiprito nalang ako ng maling. 

Yon ang almusal ko. Tapos saka ako magtitipla ng kape.. Ipapalaman ko yung maling sa pandesal. Naubusan kasi ako ng bigas eh. Hahaha!

Binuhat ko si Pinky bank ko. Sinimulan kong hulugan 'to nung pangalawang beses kong sumweldo. Medyo mabigat-bigat na din siya, panong hindi magiging mabigat eh puro barya lang naman hinuhulog ko dito! hahaha.

Dejk. May mga tigsisingkwenta naman minsan.

Pinag-iipunan ko yung gitara na nakita ko sa SM. Grabe, ang ganda nun! Kulay black siya tapos may apoy-apoy na design sa gilid. Pangarap ko talagang magkaron ng sariling gitara. Konting tiis nalang, makukuha ko na iyon! Iyon ang panreregalo ko sa sarili ko ngayong darating na pasko! ^____^

Shut up just kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon