Year 5

57 0 0
                                    

5 years na. Five years na ang nakalipas.. Minsan, ay hindi pala minsan, madalas pala iniisip ko na sumuko na sa paghihintay sayo. Kasi minsan pumasok sa isip ko kung talagang babalik ka di sana una palang diba.

Pero kahit ganon, hindi naman ako sumuko diba! Eto parin ako, nanatiling loyal sayo. Mas ok na ko ngayon kesa nung mga nakaraang taon, Mas nakakangiti narin ako ngayon, pag binabalikan ko yung alaala at lugar kung saan tayo madalas, kung dati umiiyak ako, ngayon hindi na! Nakangiti ako habang inaalala yung mga happy memories natin na ang sarap balik balikan.

May mga mangilan din akong manliligaw ngayon., pero sinasabi ko agad sa kanila na hindi ako pwede kasi may hinhintay akong tao na bumalik, na hinihintay kitang bumalik, alam ko naman sa sarili ko na medyo malabo kanang bumalik sakin, pero hindi naman ako pinanghihinaan ng loob.

Ano kayang itsura mo na ngayon. Ganun pa din kaya ang itsura mo makalipas ang limang taon? Ako? Sabi nila medyo nag iba na daw ako, medyo pumayat at hindi ganong kafasionista katulad ng nagdaang limang taon. Pero para sakin wala namang nagbago, ito parin ako, ganto parin ako. Isa lang naman ang nag bago eh! Yun yung iniwan mo ko.

Paalis na ko ngayon papuntang work ko. Pero dadaan muna ko ng simbahan,. Gusto kong magdasal na sana bumalik kana, wala namang ng bago, dahil iyon naman ang laging kong pinagdadasal. Anniversary natin ngayon diba, malay mo naman na pagbigyan na ni god yung hinling ko na bumalik ka at makita ka. Sobrang miss na kita. Sana ikaw din ganon

Nung nasa loob na ko ng simbahan, ngayon ko lang napansin na may ikakasal pala, ang daming puti at pulang bulaklak, napaka ganda ng ayos ng loob ng simbahan, dun ko lang din napansin na mag sisimula na pala yung kasal. dun ako umupo malapit sa dulo, kasi baka akalin ng iba invited din ako sa kasal nato.

Hindi muna ko umalis kasi gusto ko rin manuod ng kasa, kahit alam kong malalate ako sa trabaho ko, hindi ko alam ko pero ayaw ng paa ko na umalis sa loob ng simbahan pagkatapos kong magdasal.

Maya maya lang narinig ko na yung march ng kasal, biglang tumunog yung cellphone ko kaya pinatay ko muna, hindi ko na tuloy nakita yung itsura nung groom.

Ilang sandali lang lumakad na rin yung bride, sobrang ganda nya sa gown nya. Kitang kita sa mga mata nya yung saya,. Bigla tuloy kitang naisip, kung hindi mo kaya ako iniwan, ikinasal na rin kaya tayo? May pamilya na kaya tayo ngayon? Hayyy puro tanong wala namang kasagutan.. Naputol ang pag iisip ko nung maring ko ang pamilyar na boses. Hindi ko alam pero lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ako sigurado kung boses mo ba talaga yun o nababaliw na ko dahil sa sobrang pag kamiss sayo.

Pero hindi eh! Nung nagsasalita ng vows, talagang boses mo o kaboses mo. Kaya naman lumakad ako palapit sa may altar. Dun ako dumaan sa gilid, habang papalapit ako, sobrang kaba ang nararamdaman ko, feeling any moment lalabas yung puso ko, huminto na ko sa paglalakad dun sa pwesto kung san pwede kong makita ang mukha ng groom. Nakatalikod kasi, sobrang kaba ang nararamdaman ko habang tinignan yung likod nung groom, napahawak na nga ako sa dibdib ko kasi talagang feeling lalabas yung puso ko.

Ilang sandali ang nakalipas "You may kiss the bride" na. Eto na yun! Makikita ko na yung mukha nung groom,. Nag kiss na sila pero hindi ko ganong nakita yung mukha then after that 10 second kiss nagpalakpakan yung mga tao kaya naki palakpak din ako, pero nung humarap ang bride and groom,. Dun parang huminto ang mundo ko. Ni hindi ko na namalayan na umiiyak na ko. Nakatingin lang ako sa mukha mo na masayang masaya. Bakit parang pati pag hinga nakalimutan ko,. Pababa na kayo ng altar nakikipag kamayan kayo sa mga tao. Ako? Hindi matanggal ang tingin ko sayo. Ang sakit pala no! Sobrang sakit pala na makita na masaya ka sa iba, na yung dating parangap natin tinupad mo sa iba. Parang bumalik lahat ng sakit simula nung unang araw na iniwan mo ko.

Habang abala ka sa mga taong nag cocongratulate sayo bigla dumako ang mata mo sakin, halata sa mukha mo ang pagkagulat. Habang ako umiiyak lang, umiwas ka ng tingin sakin at lumakad na kasabay ang asawa mo.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, nagtatakbo ko palabas ng simbahan, wala na kong paki elam kung may makabunggo ako. Basta ang alam hindi ko na kaya kung mas magtatagal pa ko dun sa loob ng simbahan habang pinapanood ka kung gano kana kasaya ngayon.

Bakit kahit sa limang taon natin hiwalay gano parin katindi yung sakit na naramdaman ko.? Siguro dahil kahit wala tayo ng limang taon sayo ko parin ginugol yung sarili ko,, ikaw lang ang minahal ko. Siguro kasalanan ko din kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Kasi umasa ko na babalik ka sakin. Umasa ko na ako parin yung mahal mo. Umasa ko na pwede pang maging tayo. Ang sakit lang kasi tanda mo anniversary natin ngayon, nag dasal ako ngayon kasi baka makita na kita at bak bumalik sa sakin, pero ang masakit bumalik ka nga, nakita nga kita, sa araw naman ng kasal mo. Sa araw ng anniversary natin na lagi mong sinasabi na magiging wedding date din natin. Pero bakit sa kanya mo tinupad, bakit hindi sakin.

Mahal na Mahal kita. Alam kong masaya ka sa kanya kaya hahayaan na kita. Hindi ko na rin naman siguro kaylangan ng closure kasi halata naman na masaya kana sa kanya,

Ganun pala ang pag mamahal noh! Pag binabalewala nawawala. Hindi pala porket mahal na mahal ka ng isang tao hindi kana kayang iwan, Kung alam ko lang ba magiging ganto tayo, sana palang nung una inalagaan at minahal kita katulad ng ginagawa mo sakin, pero huli na kasi sya na ang may kayang gawin ng mga bagay na hindi ko nagawa.

Sa 5 years ang dami kong natutunan. Na hindi pala porket mahal nyo ang isa't isa hindi na kayo nag kakasakitan, Na kahit pala mahal na mahal mo ang isang tao kailangan mo syang palayain, hindi dahil hindi mo na sya mahal. Kundi dahil alam mong mas dun sya magiging masaya.

5 years(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon