Year 2

47 1 0
                                    

Two years pero wla kapa rin.  Alam mo ba binasa ko yung mga sulat mo na binigay mo sakin twing monthsary natin. Kasi sabi mo ayaw mong magbigay ng material na bagay, gusto mo yung nag effort ka, kasi ibibigay mo yun sa pinaka mahal mo,. Ang sarap sa pakiramdam na lahat ng bagay na binigay mo sakin talagang lahat yun todo effort,  sabi mo pa kahit old style ang love letter mas effective kasi sabi mo mas kinikilig ako,  Pasensya kana ha! Sorry kasi hindi ako naging sweet sayo nung nasa tabi pa kita,  sabi ko kasi sa sarili ko mas masarap sa feeling yung na ako yung nilalambing,  Yung ako yung sinusuyo, sorry kung hindi ko naparamdam sayo yung mga ginawa mo sakin dati.

Bumalik parin ako sa mga lugar na madalas nating puntahan,  lalo na dun sa lugar kung san kita sinagot,. Ang sabi mo pa nun na lagi kang bablik sa lugar na yun kasi para maalala mo kung pano nabuo yung buhay mo nung sinagot kita,.  Ang sabi ko sayo nun ang korni mo,  pero ang sabi mo sakin "korni man sa yong paningin,  mahal na mahal ka naman" nung araw na yon nakita ko sa mukha mo kung gano ka kasaya,  kaya sabi ko sa sarili na kahit kailan hindi kita sasaktan at iiwan,  Pero di ko natupad yung pangako ko, kasi wala kana sakin.  Hindi ki man ginusto pero nawala kapa rin.

Nasan kana ba? Kelan kaba babalik o babalik kapa ba? Kasi maghihintay ako,  kahit di ko alam kung may hihintayin pa ko. Mahal na mahal kita alam kong alam mo yan,  wag mo namang akong pahirapan ng ganto,  kasi hindi ako susuko, gusto kitang makita,  gusto kitang makausap,  kahit isang oras lang o kaya kahit one minute lang,  hindi ako susuko hanggat hindi nanggaling sayo na ayaw mo na.  Miss na miss na talaga kita,  please bumalik kana sakin.

5 years(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon