Year 4

41 0 0
                                    

Apat na taon na,  Ang tulin naman ng panahon, parang kaylan lang mula nung iwan mo ko. 

Kamusta kana kaya? Iniisip mo rin kaya ako? Mahal mo pa kaya ako? Ako? Eto mahal kapa rin at awa ng dyos nakakayanan ko naman kahit wala ka,  yun nga lang ang hirap.  Ang dami kong tanong sa isip ko,  pero wala naman makasagot kasi ikaw lang naman ang taong kayang makasagot sa lahat ng tanong ko.

Nga pala nagtatrabaho na ulit ako,  sabi kasi sakin nila karen kaylangan ko magtrabaho para naman mas malibang ko yung sarili ko,  sabi nila ilet go na kita, move on na.  Ang daling sabihin hindi ba? Pero sa katulad ko na nararanasan ang lahat ng to! Hindi madali,  mahirap,  at kahit gusto ko,  ayoko,. Alam mo kung bakit ayoko? Kasi diba hindi naman tayo nag break,  baka kasi may emergency kang pinuntahan kaya ang tagal mong bumalik,  baka kasi kung kelan handa na kong i-let go ka tsaka ka naman bumalik,  ayoko naman na bumalik ka pero wala ka namang babalikan,.  Kaya kahit sabihin nilang katangahan ang ginawa kong paghihintay at patuloy na pagmamahal sayo,  wala akong pakielam,.

Wala akong paki elam sa mga taong hindi ako naiintindihan,  sayo lang ako may paki elam,  alam darating yung araw na babalik ka,. Hindi man siguro maging katulad tayo ng dati, ayos lang.  Basta alam kong ok ka lang.  Basta alam kong masaya ka,  pero sana sa pagbalik mo ako parin yung mahal mo.  Sana ako parin yung gusto mo,  kasi ako hindi ako nagbago,  Mahal kita noon at Mahal parin kita ngayon, 

Sa apat na taon na naghihintay sayo hindi ako sumuko kahit hindi ako sigurado kung ikaw ba hindi ako sinukuan,  ihahanda ko nalang siguro yung araw na yon! Yung araw na pag sinabi mo sakin na " ayoko na".  Sana lang mahanda ko yung sarili ko,. Pero aasa at aasa parin ako na ako lang Mahal,  ako lang ang mahal mo..

Miss na miss na kita mahal. 

Maghihintay parin ako

5 years(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon