Year 3

59 1 0
                                    

3 years na mahal,  pero hanggang ngayon wala kapa rin,  alam mo ba habang nasa taxi ako kanina narinig ko sa radyo yung kantang madalas mong kinakanta sakin,  bigla nalang tumulo yung hula ko,  tatlong taon na rin pero yung mga masasayang pinagdaanan natin hanggang ngayon naaalala ko pa,  pati yung sakit na pang iiwan sakin hindi parin nababawasan,

Hindi pa naman ako pagod sa paghihintay sayo,. Alam ko balang araw babalik ka,  babalikan mo ko,  pero sana,  sana lang talaga na balikan mo pa ko,  kahit ano pang rason mo kahit ano pang dahilan mo kung bakit mo ko iniwan tatanggapin ko,  kasi sobrang mahal kita,  kaya sana bumalik kapa kasi naghihintay ako,

Nakahiga ako ngayon sa kama, Anong ginagawa ko?  Wala eto hawak ko yung last picture natin na magkasama,  alam mo mahal,  ang saya saya sa picture na to! Kahit ako nakasimangot,  kasi naman nilagyan mo ng ice cream yung ilong ko tapos sabay click mo ng camera sa cellphone mo,  ayan tuloy ang pangit ko sa picture natin,  pero ngayon ko lang napagtanto ang cute pala natin dati,  Ganto pala tayong maglambingan,  sabi nga nila exotic lovers daw tayo eh! Kasi daw ang lambingan natin e ung sakitan pero hindi nag aaway,  sana ganto parin tayo tulad ng picture na to,  masaya, nagmamahalan at kuntento kung anong meron tayong dalawa, ang sarap balikan ng nakaraan,  sana merong time travel para kahit ano mang oras gusto kong balikan ang nakaraan natin mababalikan ko,  pero wala naman non,  si doraemon lang ang meron non,  nakakainis kasi masasayang alaala naman yung binabalikan ko pero umiiyak ako,  siguro kasi alam kong wala ka sa tabi ko at hindi na natin magawa kung mga bagay na dati nating ginagawa,  mahal na mahal kita walang mag babago dun,  hanggang sa muli mong pag balik mahal parin kita,  ikaw lang mahal,  kahit abutin ako ng pagputi ng buhok ko maghihintay ako at mamahalin parin kita,

Mahal,  mahal na mahal kita

Miss na miss na kita mahal ko,

Bumalik kana mahal please

5 years(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon