Maalala Mo Sana by Silent Sanctuary.

212 6 4
                                    

Malala mo Sana by Slent Sanctuary

Panu kung ang taong magmamahal sa'yo ng lubos at taong inuuna ang kapakanan mo ay biglang mawala sa tabi mo?Hindi mo ba susuklian ang pagmamahal niya? Niminsan ba hindi mo naisip na ang buhay ng tao ay limited lang? Ito ang storya ng pag-ibig ni Warren Nude kay Yumi Soju na naghintay kahit sa huling hininga ng buhay niya?

Kung May 24 Hours Pa akong Natitira Para Mabuhay..23 Hours uubusin ko Para Sayo..And The Last Hour, Alam mo kung San Ko Gagamitin?----Sasamahan Kitang Hanapin Yung Taong Hihigit Sakin Na Makakasama Mo Pag Wala Na Ko...:'(
--Warren Nude---

Kung totoong walang Taong marunong Maghintay.Para saan pa ang Waiting Shed sa Bawat Bgry.?Di ba ? 0.^
--Yumi Soju--

Author's Note: Ito po yun kwento ng Wasted love inilagay ko lang po siya dito sa Short/One Shot Gallery para magin compilation at di po kayo malito ng paghahanap sa mga love story na ginagawa ko.At saka po pala binago ko na rin yun pamagat niya at ginagawa ko nalang pong Maalala mo Sana by Silent Sanctuary.Siguro yun iba po dito ay nabasa na po ang kwentong ito.Pero sa ikalawang pagkakataon ay sana po mabasa niyo ang kwentong ito.Sana po magustuhan niyo siya.Hindi po kasi ito nakakakilig tulad ng iba kung kwento pero masasabi ko po na sana matuwa kayo sa ipinaparating ng kwentong ito.Salamat po ulit.

Warren's Pov

Heto ako ngayon hawak ang digital camera ko at sa isang kamay naman ay hawak ko ang isang pinggang na may lagay na pagkain.Ganito ako lagi, gustong videohan at alagaan ang taong pinakakamahal ko? Pero ang tanong?

MAHAL DIN BA NIYA AKO? O AKO LANG NAGSASABI NA MAHAL NIYA AKO?

"Yumi!!Yumi!!Gising na.Heto na Almusal mo oh?" inilapag ko ang pinggang sa tabi ng table niya.

"Ano ba!! Natutulog pa ang tao oh?" kinusot niya ang mata niya at saka inunat ang katawan."Ano ba nasisilaw ako!! tanggalin mo nga 'yan camera na 'yan or else ibabato ko 'yan sa mukha mo!" galit niyang sabi sa akin. Araw-araw kaming ganito pagkagising niya.Para akong batang pinagsasabihan. Hindi ko magawang sumagot pa sa sinabi niya dahil siguro sa napakamahal ko siya kaya hindi ko magawang ipaglaban ang sarili ko.

Ibinaba ko ang digital camera ko at inilagay 'yon sa tabi ng kama niya.

"Kumain kana oh? Malalate na tayo sa school 7:35 na." mahina kong sabi habang inaayos ang pinagtulugan niya.

"Paki ko kung malate tayo!! At ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo akong gigising kapag tulog pa ako. Hindi na ako bata!" mataray niyang sagot habang nakapamaywang.

"Concern lang naman ako.Ka----"hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita, ganyan lagi siya sa tuwing magsasalita ako hindi na niya pinatatapos pa.

"Concern!! Hoy!! Warren hindi kita Dad para utusan o sirmunan ako. At lalong hindi naman kita katipan. Ano ba kita ha!! Ano ba 'tong dala mo ang Cheap naman niyan! Hindi ako nakain niyan." sabay sagi niya sa baso at pinggang na dala ko . Nahulog 'yon sa sahig at nagkapira-piraso.

Napatigil ako sa pagaayos ng higaan niya at saka hinarap siya.

"Alam mo, ako na nga 'tong concern sa'yo.Tapos ako pa 'tong masama. Alam mo Yumi, kung hindi lang kita tlaga mahal hinding-hindi ako magtitiis sa'yo."mariin kong sabi pero may diin.

"Hoy!!!" sabay turo niya ng hintuturo niya sa mukha ko.

"Hoy!! Warren Nude, Sino bang may sabi na mahalin mo ako ha!!! Di ba,wala naman at saka hindi ko naman sinabi na mahalin mo ako!! Bakit! Pera lang siguro ang gusto mo sa akin no? Umimik ka!! Pera lang ba!!" kinuha niya ang bag niya at saka dumukot ng 10k sa wallet niya.

Isang Tagay na kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon