(IARWMB)Chapter 0.2

145 5 6
                                    

Chapter 0.2

6:28 P.M.

Gabi na pero naglalakad pa rin si Bebang sa kahabaan ng highway papunta sa village nila.

Papitik-pitik pa siya sa hangin habang nakikinig ng musika mula sa touch Screen na cellphone niya.Ramdam na ramdam niya ang simoy ng hangin na nagmumula sa paligid.

December 06 na kasi ngayon kaya naman hindi na siya nagtataka sa mahangin ang panahon.

Napatigil siya sa paglalakad ng mapansin niya ang isang bata na lumapit sa kanya.

May dala itong isang bugkos ng kumpol-kumpol na bulaklak.

"Ate para sayo po oh?"ani ng isang batang lalake habang inaabot ang mga bulaklak.

"Salamat.Sino nagbigay nito otoy?"tanong niya.

"Yun mama po dun sa may puno..Sige po mauna na po ako sa inyo.Magsasaing pa po kasi ako..Binulabog lang ako ng mamang yun para gawin ito..Kung hindi lang ako binigyan ng 100 pesos, hindi ko sana gagawin ito..Hmm!!"ani ng bata at saka lumakad  palayo sa kanya.

Napakunot ang noo niya sa sinabi ng bata.

Tumingin ulit siya sa mga bulaklak.

Napansin niyang American Roses ang mga bulaklak na iyon.

Dahan-dahan siyang tumingin sa direksyun na tinuro ng bata.

Unti-unti niyang tiningnan ang direksyon kung saan andun ang sinasabing mamang nagbigay ng mga bulaklak.

Kitang-kita niya ang isang lalaki na andun.Nasandal ito sa puno habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa.Nakangiti lang ito sa kanya.May hawak rin itong isang kumpol ng American Roses sa kanan kamay.Kilala niya ang lalaking yun.

Hindig-hindi siya magkakamaling si Xerun nga ito.

Unti-unti itong lumapit sa kinatatayuan niya.

Medyo kinilig si Bebang sa ginawa nito.Pero nagbago ang mood niya nang maisip ang mga ginawa ng lalaking yun sa kanya.

Nakapolo ito kulay blue at nakajeans.

Amoy na amoy niya ang mabangong pabango nito.Napaka-pogi nito sa suot nitong damit..

Tamang-tama sa katawan niya at saktong-sakto sa taste ni Bebang.

"For you."sabay bigay nito nang mga bulaklak na hawak.

"Nagustuhan mo ba?"tanong ni Xerun.

Napangiwi lang si Bebang.

Maya-maya ay napansin ni Bebang na may dumaan na matanda sa harap nila.

Sa tingin niya ay nasa sisinta anyos na ang matanda.

"Nanay sandali lang."pigil ni Bebang sa matanda.

Tumigil naman ito at saka humarap sa dalaga.

"Para sa inyo po? Galing po sa kanya?"sabay turo ni Bebang kay Xerun na nakatayo.

Napatingin lang ang binata sa matanda.

n__n-->MATANDA

^_^--->Xerun.

"Ay,salamat otoy.Ang dami naman nito.Salamat..tlga."sabay amoy sa mga bulaklak na hawak.

Nagnod lang si Xerun habang nakangiti.

Tumingin ito kay Bebang.

Ngumiti lang si Bebang habang napapabungisngis ng tawa.

AHAHHAH.Tabla na tayo..hihihi.Kulang pa yan sa mga ginawa mo sa akin..

Isang Tagay na kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon