(IARWMB)Chapter 0.3

138 5 1
                                    

Ang Nakaraan.........

"Hahahah! Nakakatawa yun mukha niya kanina.Parang bulkan na sasabog sa sobrang inis.hahahhaa!!".Bungisngis ni Bebang na rinig mula na apat na sulok ng canteen.

"Sinabi mo pa! Ikaw ba naman ang sabihan ng Janitor ng skul...Hindi ka ba naman magagalit? hahahha.Pero infairness ang galing mong umakting Bebang.Pang Teleserye lang ang Peg!.Kathryn lang.."

"Ako pa....Itong mukhang ito...Pang Movie awarding to..hahhaah.by the way nasaan pala si Jerson? Naku ang laking pasasalamat ko sa lalaking yun.kundi sa kanya naku yari talaga ako..Nasaan ba yun?"

"Ewan ko?Kanina lang kasi nandyan siya umiinom ng C2 baka naman nagcr lang...Pero ikwento mo nga sa aking kung sino ba talaga ang lalaking yun?"pag-uulit ni Jaharra sa kaibigan.

Kinuha muna ni Bebang ang juice na inorder nya at saka uminom.

Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Si Xerun Salmirro isang anak ng isang mayaman negosyante ng Papa ko.Isa sila sa kasosyo nang kompanya namin.Una kong nakilala si Xerun nang maimbitahan ng Papa ni Xerun na magdinner ang pamilya namin..Siguro nasa 15 years old palang ako noon at siya naman ay nasa 16 years old na.Nang una ko palang siyang nakita ay ang  kyute,kyute niya.Ang pogi-pogi niya noon.Pagkatapos noon naging magkaibigan na kami hanggang sa mainlove kami sa isa't isa.Niligawan niya ako for almost 3 months..Pagkatapos noon ay sinagot ko na rin siya kasi naman ang bait bait niya,tapos ang sweet niya.Lagi niya akong dinadalhan ng mga chocolate at mga bulaklak.Tumagal ang relasyon namin ng 4 na taon.Masaya na sana ang lahat kaso....."

Kinuha niya ulit ang juice sa misa at saka uminom..

"Pagkatapos anong nangyari?"usisa ni Jaharra.

Nagbuntong hininga siya.

"Pagkatapos noon nalaman ko na may iba siyang babae..At masakit pa noon.Araw pa birtday ko, sila nakita habang naghahalikan sa likod ng bahay namin.At hindi lang yun.Ang masaklap pa doon.

Unti-unti na nang pumatak ang kanyang mga luha nang maala-ala niya ang pangyayari.

"Ang matalik ko pang kaibigan ang kahalikan niya."muling tumulo ang mga luha niya.

2 minutes Later...

"Panyo oh?"abot nang isang lalaki mula sa likod niya.

Isang lalaki na nakangiti habang hawak ang isang bote ng C2.


Gumanti siya ng ngiti.

"Thank you,Jerson."

Lumapit ito sa kinatatayuan ni Bebang.

Unti-unti nitong nilapit ang mukha sa mukha ni Bebang...

Napatigil siya sa pag-iyak.

Nakatingin lang siya sa kaibigan.

Nagkatitigan sila.

dug.dug.dug.dug...

Tunog ng mabilis  na takbo ng puso ni Bebang habang papalapit ng papalapit ang mukha ni Jerson.

"Kain tayo sa KFC.Treat ko!"bulong nito sa  kanang tenga niya..

Napangiti siya sa sinabi nito..

Pinahid ang luha gamit ang panyo ng kaibigan.

Gumanti ito ng ngiti sa kaibigan.

"Sige ba!!"masayang tugon nito...

"Pano naman ako Jerson...Kayo lang dalawa ang magkasama..Pano naman ako?"nakabusangot na ani ni Jaharra.

"Syempre kasama ka.Tara na.."akit ni Jerson at saka sabay-sabay na lumabas sa exit ng canteen.

A/N:Hellow po sorry po kung maikli lang..Inuulit ko po short story lang po ito.Siguro po hanggang chapter 0.5-07 nalang ito...Thank you po sa mga nagbabasa at nagcocoment...Lalong-lalo na po sa mga nagvovote.Doomo Arigato guys,Kamsahamnida..Sana po suportahan nito ang kwento ni Bebang..

Isang Tagay na kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon