1

466 11 7
                                    

Ang hirap talagang magmahal noh?Bukod sa hindi mo na matanggihan,hindi mo pa matakasan.Ang mas masaklap pa, kahit alam mong masasaktan ka lang sa huli...ay sisige ka pa rin.
-Bebang's Line-

Kagulat-gulat ang magandang ngiti ni Bebang nang pumasok siya ng classroom nila.

Kitang-kita ng mga kaklase niya kung pano ikending ng dalaga ang baywang nito.

Si Bebang......Isang babaing maganda,sexy,matalino pero may pagkasungit at may konting sayad ang utak...Kilala bilang.Supra(Hindi Sobra ha) Supra Talent...Akalain mo...Magaling siya sa pambobola,panggagaya,pag-aakit,at pagpapanggap..yan Si bebang...Matalino pero mautak..Siya ang babaing gagamit ng kaibigan para makaganti at mapabalik ang katipan na si Xerun Salmirro..Hindi pala ang babaeng gagamit ng kaibigan para iwasan siya ng taong nanggugulo sa kanya...At yun ay si Xerun Salmirro.

Xerun Salmirro.Gwapo.Malakas ang appeal..Maputi.....(Maputi ang ngipin).Ang lalaking magpapaikot sa buhay ni Bebang para saktan.Ang lalaking ng nagsasabi ng mga katagang."Ang pag-ibig ko sayo ay parang talaba kahit patay ay nakadikit pa."

Jerson Magallanes...Ang lalaking Nerd.Lalaking Gagamitin ni Bebang para masaktan ang lalaking iniibig niya.At higit sa lahat ang magtuturo sa kanya kung pano ba ang maging masaya sa feeling ng isang kaibigan...Ang magbabago sa mataray at mautak na si Bebang.

*Back to Reality*

Napangisi siya ng mapansin niya tatlong red roses na nakapatong sa ibabaw ng desk niya.Malalaki ang mga bulaklak nito na papapabuka pa lamang.Sa pagkakaalam niya ay American Rose ang tawag sa mga ito.

Tumingin siya palidniya pero sa tingin niya'y wala ni isa doon ang pweding maglagay nun.

Mabilis niyang hinawakan ang tatlong bulaklak sa mesa at walang panghihinayang niyang itinapon ang mga ito sa basurahan.

Pabalik na sana siya nang upuan niya nang makita niya ang isang maliit na piraso ng papel na sa sahig. Yumuko siya at dinampot ito.

For my love:

Hi! Good morning....Smile...^_^

Pakiraamdam niya pumunta ang lahat ng dugo niya sa mas kha niya. Para siyang bulkan na gustong pumutok sa sobrang inis.

Tumingin ulit siya sa paligid.

Kitang-kita niya kung paano magtago ang isang lalaking nakasilip sa bintana ng classroom nila.

Ginayumos niya ang papel at dali-daling tinungo ang kinatstsyusn ng binata.

Bwiset na lalaki yun..Tatago ka pa ha!Yari ka sa akin!Kakalbuhin kita!

Ibinato niya ng malakas ang hawak niyang papel papunta sa lalaki. Tinamaan ito sa mukha.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na tigilan mo na ang kakalagay ng mga bulaklak sa mesa ko.Hindi ka ba nakakatindi ng tagalog?"bulyaw niya.

Isang Tagay na kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon