Pakibulong, Please!

79 2 0
                                    

Pakibulong, Please!



"Whispering is the best way to express your feelings"



"Anu ba Lorenzo kanina mo pa ako kinukulit ha!Bibingo kana sa akin makikita mo!"naiirita kong banta sa kanya.

Ako nga pala si Mikay Bagong Gahasa.14 years old. 2ND Year High School sa Palalenian National High School dito sa Tayabas Quezon.I'm Cute but not sexy

"May sasabihin nga kasi ako sayo. Bakit ayaw mo akong pakinggan, Mikay?"tugon niya sa akin habang pablink blink pa nang mata.


Tusukin ko mata mo nakita mo,Lorenzo!



Siya nga pala si Lorenzo Smith.14 years old.Ang kaklase kong Heartrob daw? At lalaking kinaiinisan ko.Pano ba naman ang lagi niya akong kinukulit at iniinis. Bet na bet niya siguro akong lukuhin.


"Eh kung ayoko ko ngang pakinggang ang sasabihin mo! Kilala na kita Lorenzo.Type na type mo akong lukohin at inisin. Kaya bakit pa ba, kita papakinggan?"sakradong sagot ko sa kanya habang nakatarak ang aking mga mata.

Iimik pa sana siya sa'kin kaso tumayo na ako sa akin upuan at saka lumabas ng claaroom para magcr.Nakita ko napakmot nalang siya sa ulo niya.


Sa Comfort Room.

"Arggggggghhhh,Ang kulit niya.! Nakakainis ang mokong na iyon. Makikita niya kapag ako napikon sa kanya. Babawi ako.Isusubsub ko ang mukha niya sa semento ng paulit-ulit hanggang sa maging scatch bright ang mukha niya para naman may pakinabang.Gagawin ko siyang panghugas sa Maitim ng kawali.Makikita niya!"paghihimutok ko sa loob ng Cr,habang kinakausap ko ang sarili ko sa tapat ng salamin.

Napatigil ako sa paghihimutok ng biglang may dumating na dalwang babae.

"Oh My God! Narinig mo ba iyon balita ngayon, Bes?"tanong nun babaeng kapapasok lang dun sa babaeng kasama niya

"Ang alin?"nagtataka nitong sagot.

"Na ang ariel powder ay 7.50 nalang.Di ba ang mura na.Joke lang.Ano kasi....Si Lorenzo Smith.Yun heartrob sa kabilang seksyon.Nabalitaan ko kasi na aaminim na siya dun sa babaeng nagugustuhan niya.And do you know what is the exciting scene? Ngayon araw na siya aaminim dun sa girl.Di ba ang sweet? Sino kaya ang babaeng 'yon at ang swerte niya kasi."ani nito habang naglalagay sa mukha ng mga pampaganda.

"What!!!Really?"irit na tanong nito sa babaeng nagbalita.

"Bakit ka ba irit ng irit jan ,bes? Ano meron?"



"Ano kasi,ako kasi yun sinasabi mong babae na gusto ni Lorenzo."nakangiti nitong sabi.At talagang f na f niya yun pagkakasabi niya.



Napangiti ako nang biglang hampasin ng bag nun babaeng kasama niya yun babaeng irit ng irit.



"Arouchhh! Maseket yun bes ha!"reklamo nito.



"Assuming ka kasi. Tara na nga sa next class natin baka malate pa tayo kahibangan mo."sabay sakbit nito ng bag sa balikat bago umalis ng Cr.

Napaisip tuloy ako.Siguro kawawa yun babae kapag naging sila ni Lorenzo.Alam niyo kung bakit?Pano kasi kasi araw-araw silang mag aaway dahil sa mga kalokohan pinaggagawa ni Lorenzo.Hmm..bahala siya sa buhay niya,Basta ako walang pakialam sa lalaking iyon.Ay hindi pala may pakialam din pala ako.Pano medyo crush ko din si Lorenzo kaso slight lang hihihi.



Napatingin ako sa relo ko.

"Schockss!!Malapit na palang magtime."sabi ko sa sarili ko habang nagbilis bilis akong magretouch ng mukha ko.Pagkatpos kong mag ayos ng sarili ay inalagay ko na muli ang gamit ko sa bag bago lumabas ng Cr.






Isang Tagay na kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon