Lantis Point of View
"Babeeee!" Tawag ng boyfriend kong kanina pa nanlalambing. Hindi ko siya pinansin at nanatili pading nagtingin-tingin. "Babeee kasi huhu." Tawag na naman niya.
"Ano ba?!" naiiritang angil ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero walang effect ata yung tingin ko kasi ngumiti lang ng matamis ang kumag.
"I love you," aniya.
May nadinig akong tili sa di ko alam kung saan kaya napatingin ako doon.
Hindi ako napansin nung mga babae na malapit lang samin dahil doon sila sa nakatingin sa boyfriend kong walang ibang ginawa kundi ay tawagin ako ng tawagin.
"Ang gwapo niya girl."
"Dae, kailangan ko ng belt."
"Aanhin mo yun gaga?"
"Parang mahuhulog ata panty ko sa ngiti niya."
"Sana ako din may poging jowa na clingy na sweet."
"Gaga! Hihingi ka niyan pero yung jowa mo dati napaka clingy. Iniwan mo!"
Napatawa ako. Sa inyo nalang itong jowa ko para kayo yung mamoblema kung paano siya nabuntis.
"Teka? Saan lalabas yung bata?" bulong ko kay Totem nung naisip ko ito. "Sa pwet ba?"
"Babe!" Sinamaan niya ako ng tingin sabay nandidilat ang mata.
Natawa ako habang naiimagine yung mangyayari. "Taena help. Sobrang dali siguro lalabas ng tae mo nan Totem HAHAHA" tawang-tawa ako habang siya naman ay namumula.
Aasarin kita hanggang sa mairita ka sakin at sasabihin mo din sakin kung anong klaseng sumpa yang nangyayari sayo.
Actually nasa mall kami ngayon at naghahanap ng mga gamit para sa anak namin. Namili lang ako ng mga damit na pwede para sa dalawang gender bilang paghanda.
Tinapon ko yung mga gamit na binigay ng kung sinong potanginang nagbigay kahapon. Alam kong makakatipid kami dahil meron ng gamit pero nairita ako nung merong pahabol na laro-an na hindi ko pwede sabihin dahil nab-bwisit na naman ako kapag naalala ko yun.
Ililibing ko talaga ng buhay kung sino man ang nagpadala nun.
"Babe, gutom nako" bulong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at tsaka namili lang.
"Bumili ka doon, alangan naman samahan kita kung alam mo naman kung nasaan?" kalmadong suhesyon ko. Naramdaman kong umalis si Totem para bumili.
Nang matapos ako sa pamimili ng gamit ay pumunta ako sa counter at nakita ko si Totem na nakaupo doon sa section ng mga sapatos at kumakain ng burger at na ang palaman ay spaghetti.
Sumama yung mukha ko sa ginagawa niya at mas lalong sumama yung mukha ko noong pinagtilian at pinagbulongan siya ng mga babae at sinabihan pa na ang cute niya.
Mga nilamon ng sistema! Tignan niyo nga ang kinakain ng damuhong iyan! Nakakadiri!
Kaso ayoko namang sumigaw. Baka imbes na ganun ang maisigaw ko ay 'Hoy! Buntis yan!' pa ang maisigaw ko.
Nilapitan ko si Totem at sinubuan ako ng french fries. Nagiisang matinong pagkain na magiliw kong kinain.
Mas mahal ko yung french fries kaysa sa boyfriend kong buntis.
"Sayang merong gilfriend si Kuya."
"Buntis ata yung girlfriend ni kuya tapos ayawa ng kumain kaya siya nalang tumapos."
"Kaya nga, kawawa naman."
"Pero gwapo niya padin ihhh."
Umikot ang mata ko sa narinig. Siya po yung buntis samin tapos ako po yung ama. Ponyeta.
Tumayo kami nung natapos ng kumain at tsaka naglakad-lakad para matunawan. At naalala ko na kaunti nalang pala yung stock ko sa bahay kaya sinama ko si Totem sa grocery section.
"Babe, alcohol," aniya tsaka nilagay yung alcohol sa cart. Umalis na naman siya at tsaka ilang minuto pa ay bumalik. "Babe, eto pulbo tsaka cotton buds."
"Para saan ang pulbo?" tanong ko. Nagtiningin-tingin siya ng shampoo at tsaka ako tinignan. "Sa kili-kili ko, namamawis kasi kapag nasa apartment mo lang ako."
"Edi wag kang tumambay sa apartment ko, nagsayang kapa ng pera," sabi ko pa sa kanya.
Ngumuso siya sakin kaya hinila ko yun. "Babe naman!" aniya at tsaka hinila yung buhok ko.
Gumanti ako sakanya kaya nagsabunotan kami. Natigil lang siguro nung merong matandang babae ang pumigil saamin.
"Hoy hoy! Mga kabataan naman oo!" aniya. Binatukan niya ako. Nagulat ako sa naging aksyon niya kaya napanguso ako.
"Manang, di ko po kayo kilala ba't niyoko binatukan," reklamo ko kaso sinamaan ako ng tingin kaya ngumuso ako.
"Abay, hijo" aniya at tsaka hinawakan sa kamay si Totem na walang ibang ginawa kundi ilabas yung dila saakin na parang inaasar ako.
"Pakyu!" sabi ko sakanya habang walang tinig na lumabas sa bibig ko para di ako makita ni Manang. Nilabas ko din yung middle finger ko at tsaka nag flip-hair dahil naasar ako sakanya.
"Nako hijo. Ilang buwan naba itong bata sa iyong sinapupunan?" Nagulat ako at mukhang mas nagulat si Totem dahil mas OA yung reaction niya saakin.
Bading talaga to. Isang mapangpanggap na lalaki.
"P-paano niyo po nasabi?" tanong nitong bading kong boyfriend na niyakap ang sarili.
Akala mo naman marerape ng matanda.
"I'P AN Hermes." sabi ng matanda. Napakunot ang noo ko. Ano daw sabi?
Hermes lang ang naiintindihan ko.
"Ohh." bulalas ni Totem na naiintindihan yung matanda. Tinignan ko siya para sabihan ako kaso ang magaling ay kunwaring nag zip ng bibig.
Walangya talaga. Parang gusto kong pumatay ng lalaki.
''Ah ganun po ba," sabi ni Totem na mas gumalang kaya nairita ako at lumayas dun. Nabangga ako ng kung sino mang demonyo dahil sa sobrang tigas ng dibdib.
Tinignan ko iyon at nakita ko ang nag-iisang lalaki bago si Totem na pumasok sa buhay ko.
Atleast si Totem, mahal na mahal ako. Kaso itong lalaking nasa harapan ko ay mas mahal yung sarili.
"Lantis," tawag niya sa akin at tsaka ako niyakap. Tinulak ko siya at tsaka sinapak sa mukha. Dahil alam kong walang epekto yung sampal sa tigas ng mukha nito.
"Ba't ka nangyayakap? Jowa kita? Jowa?!" reklamo kong tanong sakanya at akmang sasapakin na sana kasi mukhang yayakap na naman.
"Na-miss kita." aniya. Kaya sumama na talaga ang mukha ko at gusto na siyang gilitan sa leeg.
"Pwet mo miss." sabi ko sa kanya kaya mukhang natawa siya. Parang wala lang sakanya yung suntok ko. Sanay na ata. "Tinatawa mo?" tanong ko habang nakakunot ang noo.
Umiling siya saakin at umalis.
Hindi ko siya sinundan ng tingin kasi naalala ko yung ginawa niya dati.
Kung yung boyfriend kong si Totem bading ay buntis. Ito namang ex-boyfriend ko ay talagang bading na nagpasex-change para mabuntis.
Kaso mas macho pa ata siya kaysa kay Totem. Napaka sayang ng pera niya. Sana binigay nalang niya sakin.
BINABASA MO ANG
My Pregnant Boyfriend (Nimbus #1)
RomantikCompleted. 𝙉𝙄𝙈𝘽𝙐𝙎 𝙏𝙍𝙄𝙇𝙊𝙂𝙔: 1 "A-ano sabi mo?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at mukhang maiiyak pa ata siya. Ngumuso siya sakin na para bang pinipigilan ang iyak. Binigay niya saakin yung mga papeles na galing sa ospital. Tinigna...