Lantis Point of View
"Hey! Don't touch me!" iritadong reklamo ni Totem dito sa cafeteria. Madaming malalanding higad na nakapalibot sakanya. Inis na inis siya sa mga babaeng napaligid sakanya to the point na nanghihingi na siya ng tulong sakin.
Manigas ka bro. Hindi kita tutulungan.
"Lantis, babe. Help!" hinging tulong niya sa akin kaya napatigil sa tangkang halik yung mga babae na tila tinurukan ata ng sampung lason sa katawan.
"B-babe?" tanong nila kay Totem na nakatingin padin sakin at nanghihingi ng tulong. Umismid ako dahil wala naman akong balak na ipagsabi sa iba kaso ang kumag ay gumaganito pa. "Magjowa kayo?" dagdag nilang tanong kaya kumain nalang ako habang si Totem ang sumagot.
"Yes!" confident pa siya sa sinabi niya. "So stay away from me you ugly endangered creatures" dagdag na sambit niya at t'saka nandidiring pinagpagan ang damit niya na pinaglingkisan ng mga babae.
Apaka arte naman nito.
"Bakit hindi moko tinulungan,"parang batang tanong niya sa akin at t'saka kinukuha ang ulam ko. Tinampal ko siya dahil gutom ako at nangunguha ito.
Kaso sobrang tigas ata ng mukha nito dahil binukas niya ang bibig niya na parang nagpapasubo. Masama man sa loob ko pero sinubuan ko nalang siya kahit na ayoko talagang bigyan siya ng makakain.
"Ipapatapon talaga kita sa pinakamalamig na lugar. Napaka tigas ng bungo mong gawin akong gilfriend." Nakakunot ang noo ko habang kumakain at sinusubuan ang makapal na mukhang lalaki ito.
"Believe me, I already traveled a cold mountain and hottest dessert," aniya noong biglang kinilabutan dahil merong naalala. Napakunot ang noo ko at nais sanang magtanong kaso pinigilan ko nalang ang sarili ko.
*
"Babee!" pasigaw na tawag ni Totem nung naglalakad ako papuntang library. Napatingin naman yung mga tao sa hallway na nakatambay at nagsimula na namang magbulungan.
"Andaya naman"
"Madaya nga, nung una si Fafi Eric tapos si Papa Totem naman huhu."
"You're not my daughter. Scram witch-face" tinignan ni Totem ang babaeng nagsabi ng 'papa' sakanya at nilait. Walanjo, ang talas ng bibig nito.
"Sorry Prince," paumanhin nong babae na mukhang naiiyak pa. Kaso binara na naman siya ni Totem at sinabihang hindi daw sila magkapatid para tawaging prince. Bobo ba daw siya para tawaging prince kung hindi nama siya royalty.
Hindi na siguro kinaya ni ateng yung pang bubuska netong si Totem kaya tumakbo ito at umiiyak.
"Hoy" natatawang hinampas ko si Totem. "Ansama mo sa tao." angil ko pa kaya sumimangot siya sakin.
"Ikaw hindi?" Balik niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Break na tayo. Bye." sabi ko sakanya at t'saka umalis kaso mabilis na nakahabol sakin at tsaka ako yinakap habang nakatalikod ako sakanya. Sari-saring bulungan na naman ang narinig ko kaso wala akong pake.
Mainggit kayo.
*
Ambilis ng panahon at maga-anim na taon na kami nitong si Totem. Nakagradute nadin kami ng college.
Kaya ayun, tinakwil na ako ng mga magulang ko. Graduate nadaw ako kaya ako naman daw bubuhay ng sarili ko. Sabi nila ako na daw hahanap ng pagkain at matutuluyan ko pero parehas naman naiiyak.
Sabi sabi pa sila ng mga ganiyan pero sila mismo ang namili ng apartment na titirahan ko at nung nakita ko yung ref ay meron ng maraming pagkain. Kada buwan din silang nagbibigay ng pera para pambili ko daw ng grocery. Kaso inipon ko lang yung mga binibigay nila at isinauli dahil kaya ko naman ang sarili ko.
Mga magulang ko talaga, di ko alam kung tinatakwil bako o pinapalipat lang ako ng bahay.
"Babe." tawag sa akin ni Totem na nakatambay dito sa apartment ko. Nainggit kasi ang kumag at lumipat din ng apartment at doon napiling lumipat katabi lang ng saakin.
Nag rent pa siya ng apartment eh halos dito na siya matulog kasi tambay ng tambay.
"Bakit?" Tinignan ko siya at nakanguso na naman na mukhang nanghihingi ata ng kiss kaya hinalikan ko siya sa labi.
Pagkatapos nun ay bumalik nako sa panonood ng horror movie. Sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho dahil day-off ko hanggang bukas at itong si Totem ay day-off bukas at kakauwi lang niya galing sa trabaho.
Mabuti nalang daw at kinuha ng kasama niya sa trabaho ang work nung isang architect kaya meron siyang break. Nung una akala ko nagbibiro lang siya sakin nung sinabi niya sakin na kukuha siya ng kursong engineer.
Akala ko bobo to sa math dahil hindi naman halata sakanya na matalino to. Sabagay, hindi ko naman siya nakitang walang sagot sa math nung senior high kami. Ako naman ay kumuha ng course na related sa writing.
Hindi man halata pero mahilig akong magsulat. Naging movie nga yung isa sa mga naisulat ko kaya itong si Totem ay nag leave pa talaga sa trabaho para lang panoorin yung sinulat ko.
"Totem." tawag ko sakanya habang nakatingin padin pinapanood namin. Yumakap siya sakin habang nakatalikod ako at sumagot, "Hmm?" tanong niya.
Kinagat ko ang labi ko at tsaka bumuntong hininga. "I-i love you," nahihiyang sabi ko sakanya. Sa loob ng anim na taon. Bihira ko lang talaga sabihin ang salitang iyon sakanya. "H-hindi ko man palaging sinasabi pero naiparamdam ko naman diba? Kahit hindi ganun kahalata." Napalunok kong sabi sakanya.
Nanahimik lang siya at hindi ako sinagot kaya humarap ako sakanya. "Totem, mahal kita." sinserong sambit ko sa kanya at nakita ko ang mukha niyang nakangiti at mukhang iiyak na.
Napangiti ako. Kahit ang tagal na namin sobrang pa-baby padin niya sakin at emotional. "Lantis, I love you." Yumakap na naman siya saakin. "I really really love you. Kahit hindi ka showy I know you do. Pinipilit mong maging sweet but you always failed kasi lumalabas yung ugali mo." Tsaka siya natawa at hinalikan ako sa labi. "Don't leave me." pagsusumamong aniya sa akin.
"Ba't kita iiwan? Natiis kita ng anim na taon. Bakit ngayon pa kita iiwan?" tanong ko sa kanya at ako na ang humalik sakanya na agaran niyang tinugon.
Kinarga niya ako papunta sa kama at tsaka tumingin sakin na tila gusto pa akong halikan.
"A-are you sure? It's our first," bulong niya sa tenga ko pagkatapos ay hinahalikan ang labi. Tumango ako.
*
"Babe goodmorning." Nakangiting bati sa akin ni Totem na nakahiga padin sa kama at tsaka ako tinignan na para bang natupad ang pangarap niya.
"Hmm. Morning," bati ko din sa kanya at tsaka tumayo. Hindi nako nag-abala pang takpan ang sarili ko dahil nakita nadin naman iyon kagabi.
Kaso ang adik ay namula pa nga at tinakpan ng unan ang ibabang bahagi ng katawan niya. Kaya tumaas ang kilay ko. "Hiyang hiya pato. Jusmeyo." pang-aasar ko at t'saka ika-ikang naglakad papuntang banyo.
Pagkalabas ko ay nakabihis na si Totem at mukhang doon naligo sa apartment niya. Nakangiti niya akong sinalubong at tsaka hinalikan sa noo at naghahanda ng makakain. "I love you." ganti ko.
AN: Back na sa present time ang next hihe.
BINABASA MO ANG
My Pregnant Boyfriend (Nimbus #1)
RomanceCompleted. 𝙉𝙄𝙈𝘽𝙐𝙎 𝙏𝙍𝙄𝙇𝙊𝙂𝙔: 1 "A-ano sabi mo?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at mukhang maiiyak pa ata siya. Ngumuso siya sakin na para bang pinipigilan ang iyak. Binigay niya saakin yung mga papeles na galing sa ospital. Tinigna...