Lantis Point of View
"Babe, punta tayong mall." Pag-aaya sa akin ni Totem na para bang hindi namatay ang anak namin.
Nilibing namin siya dahil sa tulong nadin ni Wolfram at agarang tinulungan kami pagkatapos malaman na namatay si Fenris.
Ilang araw ko nading hindi kinikibo si Totem na parang wala lang ang inasta.
"Kung buhay si Fenris baka pumayag pa ako," mapait na saad ko sa kanya. Natigilan siya at tsaka humiwalay ng tingin sa akin.
Bumulong siya sa hindi ko na na naman maintindihan na wika kaya sumabog na ako.
"Tangina mo Totem, alam mo? Anim na taon kong tiniis at inintindi ang ugali mo na pati pagka mysterioso mo inintindi ko hanggang sa masanay na ako."
"Sa loob ng anim na taon, wala akong alam sayo bukod sa pangalan at napakaweirdong pananalita na hindi ko alam kung nasaan galing!"
"Ni hindi ko man lang nakilala ang magulang mo! Totem, ikaw mismo ang pumasok sa buhay ko. Wala akong reklamo sa pinaggagawa mo."
"D-Dahil akala ko, balang-araw, balang-araw! Sasabihin mo sakin kung ano ka! Sino ka! Kasi sa totoo lang. Hindi kita kilala. Akala mo wala akong napapansin sayo? Akala mo hindi ko napapansin yung secreto na pinagsasabi niyo ni Wolfram. "
"Nagsasalita kayo sa wikang hindi ko alam para hindi ko malaman! Ritual? Anong ritual? Sabihin mo, pinatay mo ba ang anak natin para sa ritwal na yan?" Mahaba at nasasaktang lintaya at tanong ko sa kanya kaso tahimik lang siya at hindi nagsasalita.
"Sumagot ka! Tangina sagutin mo ang tinatanong ko!"
Nakatungo lang siya sa akin habang pumapatak din ang luha. "I didn't kill him, I can't. I will never kill him."
Napabuga ako ng hangin at tsaka nag-impake. Nagulat siyang tumingin saakin at akmang pipigilan ako kaso tinulak ko siya. "W-wag! W-wag mokong lalapitan!"
Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot ito ngunit hindi ko siya pinahalata kay Totem.
"Lantis, babe. Please,'' nagsusumamong kausap niya sa akin ngunit mas gusto munang umiwas at sa kanya kaya ang pag-alis dito ang naisip kong solusyon.
"Paalisin moko Totem," Nagsusumamong ani ko din habang nakaharang siya sa pinatuan.
"Please? Kailangan ko lang mag-isip dahil habang nakikita kita, hindi ko mapigilan na sisihin ka kasi ikaw lang ang kasama ni Fenris bago siya mamatay."Wala na siyang magawa at tumabi habang umiiyak. Nakita ko siyang napauop habang nakatungo padin bago ko sinara ang pinto.
*
"Lantis anak kong magandaa wel-" natigil si mama sa pagbati sakin nung makita niya akong umiiyak. Tinext ko sila ni mama na doon muna ako sakanila matutulog.Sumeryoso si mama at tsaka nagtanong, "Anong nangyari?"
Humawak ako sa dibdib ko na parang nasasaktan dahil kanina pa akong umiiyak. "Ma," tawag ko sa kanya at tsaka suminghot.
"Ma ang sakit" turo ko sa puso ko habang umiiyak. "Sobrang sakit dito ma." Putol-putol kong sabi habang hinahabol ang hininga ko at nakahawak padin sa dibdib ko.
"L-lantis" natatarantang tawag niya sa akin. "Please calm down."
"Carlito! Carlito! Carlito" pagtawag niya kay papa kaso hindi siya madinig nito. Umiiyak padin akong napapikit dahil masakit na talaga ang dibdib.
Mabigat, sobrang mabigat sa pakiramdam.
"ISA CARLITO KAPAG HINDI KA BABA DIYAN PUPUTULIN KO KALIGAYAN MO!" sigaw ni Mama.
Narinig ko ang nagmamadaling takbo ni papa kaso hindi ko na siya nakita dahil nagdidilim na ang paningin ko.
"Lantis? Anak! Lantis!" Nadinig ko tawag ni mama bago ako mawalan ng malay.
( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀)
"Ano ba ang nangyari?" tanong ni mama nung magising ako. "Alam mong umaatake iyang hika mo kapag umiiyak ka."Nanatili akong tahimik at nakatulala. "Anak,hindi ako sanay kapag tahimik kalang. Nangyari nato sayo nung bata kapa. Ayaw naming maulit na naman ang nangyayari kanina," Sabi pa niya.
"Kota na kami sa hika mo anak, wag kang magpastress. Alam mo din na baka namana mo ang sakit sa puso ng mama mo."
"Hindi niyo din maiintindihan kapag sasabihin ko ma," pagsalaysay ko pa habang nakatulala na naman.
Umayos nadin ang pakiramdam ko at napag-isip isip ko na ang kilos ni Totem. Alam kong ginagawa niya lang iyon para hindi ako malungkot ng sobra at pinapagaan niya lang ang loob ko.
Sobrang kitid ng utak ko at napagbuntongan ko pa siya ng sakit na nararamdaman ko.
"Subukan mong sabihin samin, anak," sabi pa ni papa. "Magulang mo kami, at alam namin na hindi kapa nagsinungaling samin."
"Ma, may anak na kami ni Totem," sabi ko pa kaya nagulat sila maka at akmang tatanungin sana ako kaso inunahan ko na siya. "N-namatay siya ma, last-last week lang. Ngayon ko lang talaga nalabas yung sakit sa puso ko."
"H-hindi ako nagbuntis. Maniwala kayo sakin pero si Totem ang nabuntis at nanganak," tulalang sabi ko pa habang hinawakan naman nila ang kamay ko at mukhang nagulat pero agaran din nakabawi.
"A-anak, may sasabihin kami sayo."
*
"Totem," tawag ko sa kanya nung nasa pintuan lang siya ng kwarto ko at walang balak na lumapit saakin. Pagkatapos namin magusap nila mama ay sinabihan nila akong nasa labas si Totem at natatakot na lumapit.
"Lapit ka dito," mahinang utos ko sa kanya. Tumalima siya saakin at pumasok. Sinarado niya ang pintuan at tsaka ako niyakap.
"I-its not me, hindi ko ginawa iyon," aniya tinignan ko siya ng walang halong galit.
"T-totem alam ko," pikit matang sabi ko sankanya. "Pero habang nakikita kita, nasasaktan ako. Ayoko kitang sisihin pero kusa ko lang kasing nagagawa. Wala akong magawa, yung. Yung isa isip-isip ko kasi meron kang ginawa na kasalanan mo."
"Na nangpapanggap kalang na hindi mo alam para pagtakpan iyong ginagawa mo." Tumingala ako para pigilan ang luha ko habang siya ay namumula ang mata akong tinignan. "S-sorry. Hindi ko mapigilan."
"I know, I know shh." Niyakap na niya ako ulit at naramdaman ko ang patak ng luha niya. "I understand. I'll stay away until you manage to sort out your mind okay? I-I don't want to see you suffer while looking at me."
"K-kaya kong tiisin Lantis, so please. We are not breaking up. Hmm? Hindi tayo maghihiwalay. We're just staying away from each other for the time being. Okay? Hindi tayo maghihiwalay." Tsaka niya hinalikan ang noo ko at umalis ng kwarto.
Pinunasan ko ang luha ko at masama ang tingin sa bintana. Kinuha ko ang bag ko sa ilalim ng higaan ko at hinintay na umalis si Totem.
-
BOOK 1 ENDED
BINABASA MO ANG
My Pregnant Boyfriend (Nimbus #1)
RomanceCompleted. 𝙉𝙄𝙈𝘽𝙐𝙎 𝙏𝙍𝙄𝙇𝙊𝙂𝙔: 1 "A-ano sabi mo?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at mukhang maiiyak pa ata siya. Ngumuso siya sakin na para bang pinipigilan ang iyak. Binigay niya saakin yung mga papeles na galing sa ospital. Tinigna...