Fantasy prevails,
Let me remind you that this is fiction, some place I stated aren't included in the place/country that I mentioned.Don't forget to vote :>
Lantis Point of View
''Anak may gusto kaming sabihin sayo."
Naalala ko na naman ang sinabi ng mga magulang ko sakin nung kinuwento ko ang naging karanasan ko lalo na nung sinabi ko na nabuntis si Totem.
Habang naglalakad sa Sahara desert ay nakatagpo ako ng isang photographer na malaki talaga tulong sakin. Kailangan kong makapunta sa tomb ng isang Pharaoh.
Pero ayoko namang pumunta sa libingan potsa, takot ako sa multo dahil hindi ko naman iyon masapak.
"Panget, panget come out wherever you are," pagtawag ko nung makarating ako doon. Nakarinig ako ng isang "wheew" o kung ano man yun basta tunog whistle na hangin na ewan! Basta iyon!
"Potsa walang takupan mga oldies, hindi ko kayo masapak huhu."
Nakadinig ako ng tawa sa kung saang parte man siya ng lugar. Nakaramdam ako ng isang hawak sa balikat at nanginig nalang talaga ang boung katawan ko dahil sa lamig ng kamay ng tao-tao ba talaga?
"S-sino k-ka?" Nangingig na tanong ko at dahan-dahang tinignan. "AAAAAAAAAAAH!" sigaw ko nung makita ko ang mukha nun.
"Pota ang pangit moooooooooo!" malakas na sigaw ko at sumama ang mukha ng nagsalita.
"Ansama mo naman," nakabusangot ang nangingitim nitong labi, ang maitim na mata at ang napakaputlang katawan. "Gwapo naman ako dati."
"Anong gwapo? Teka teka." Napatigil ako sa sinabi niya. "Dati? Teka ba't moko naiintindihan?" tanong ko pa sakanya.
"Hmm? Dati. Duhh, patay nako what do you expect?" Tinignan ako ng patay na daw na lalaki at tsaka umaksyon pa na isang bratinelang tao na parang sinasabihan ako na ambobo ko.
"Haluuuh? Z-zombie ka?" nagugulat na tanong ko habang lumalayo. "W-wala akong utak, h-hindi ako matalino." nanginginig kong sabi kaya tumawa na naman ang zombie.
"Relax!" natatawang aniya at tsaka winagayway ang kamay. "Hindi ako masa-hmm, siguro dati masama ako? Pero di nako bad. Pinarusahan nako kaya wala akong choice." pag-eexplain pa niya. Nagsimula siyang maglakad kaya sumabay ako.
"T-tae legit pala yung mga pakeng zombie." bulong ko sa hangin. Natulala pa ako niyan.
Tinignan niya ako at tsaka nagsalita, "Gulat na gulat ka sa zombie pero sa boyfriend mong nabuntis, hindi?" tanong niya kaya sumama ang mukha ko.
"Paano mo nalaman iyan?" tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin at sumama ang mukha ko dahil doon.
Pota wala siyang ngipin.
"Pft." nagpipigil tawa kong ani. "Ba't wala kang ngipin." natatawa kong tanong.
"Ah, sinanla ko sa teeth market. Hindi ko din naman kailangan kumain. Besides, hindi naman na ulit ako mamatay."
Parang wala lang sa kanya na wala siyang ngipin.
Tumigil kami sa paglalakad at napansin na nasa harapan kami ng isang pintuan. Binuksan niya iyon at pinatayo niya ako sa pinakagitna. "I looked into you're memories when I touched you. I can't look into sounds but only a picture of your memories."
"Base sa nakikita ko, nais mong pumunta sa Dome Fuji sa Antartica right? Pero base sa lugar na gusto mong puntahan mas maganda kung sa East Antartic Plateau ka, the friendliest creatures are there. You'll be safe." dagdag na aniya.
Nagsimulang umilaw ang mga linyang nakasulat doon kaya napapikit ako dahil sa liwanag. Pagkamulat ko ng mata ko ay napahawak ako sa boung katawan ko dahil sa lamig. Posang gala kota na ako sa init.
Mas hindi ko kaya yung lamig!
Ilang jacket na ata ang naisout ko pero sobra-sobra padin yung lamig na naramdaman ko parang ilang minuto ay banagsak na ako at tsaka mahimatay. Akmang matutumba na ako ng may mainit na balahibo ang yumakap sakin.
Napakurap ako sa doon at tinignan ang yumakap at mas gusto ko pang yakapin dahil doon.
Isang bear, mukhang polar bear yun basta ang cute!
Naglalakad ang creature na iyon at hindi man lang tinablan ng lamig, at ako din hindi tinablan. Dahil siguro sa makapal nitong balahibo kaya hindi madaling lamigin. Naglalakad lang ito at mabuti nalang meron akong baon na pagkain. Kakayanin ko pa naman siguro ang lamig hanggang sa mapunta sa destination.
Ata, pumunta ako dito na hindi ko alam ang safety ko. Malamang mamatay ako dito ng hindi man lang napupuntahan ang lugar na iyon.
Nakatulog ako habang naglalakad ang creature na ito at hindi ko alam kung ilang oras akong tulog. Basta ang alam ko pagkagising ko ay wala na ang lahat ng gamit ko.
Pagkain, tubig at mga baon ko ay wala na. Akala ko ba friendly creature to?! Baka gusto ng zombie na iyon na patayin ko ulit siya?! Pwede ko naman siguro siya patayin ulit diba?! Yawa siya, tangina siya. Isang pakening scammer!
Wala man akong choice kundi ang maglakad ng maglakad at alamin nalang kung saan ako aabot nito. Ilang oras na siguro akong naglalakad at hindi ko na alam ang estado ng katawan ko.
Baka mamaya ay mahimatay na ako dahil sa init at lamig dito dahil pagtapos ilang oras na paglalakad, merong ibang weather na naman pagkatapos.
Nauulanan, may snow din at meron ding parang desert. Anong klaseng lugar bato?
Nararamdaman ko na din na parang bibigay na ang katawan dahil sa gutom at uhaw ngunit wala akong choice kundi maglakad nalang talaga ng maglakad hanggang sa meron na akong nakitang isang napakalaking gold gate.
"F-finally" naiusal ko sa sobrang galak. Nung makita ko ang babae na papalapit saakin at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
***
Third Person POV
"M-ma?" nauutal na tanong ni Totem sa nanay ni Lantis. "A-asan po si Lantis?" Nasasaktang tanong niya ng makita na wala si Lantis sa kwarto nito maging ang ibang gamit ni Lantis ay wala nadin sa kwarto niya.
"T-totem anak, hindi namin gustong maglihim pero ang bilin kasi ni Lantis ay wag sabihin sayo."
"P-pero ma, sabi niya hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako iiwan. Natiis niya ako ng anim na taon sabi niya kaya bakit niya daw ako iiwan." Nakatulala lang si Totem at walang luha ang nais lumabas sa mata niya. Puro nalang siya iyak nung nagdaang araw especially by the death of his son.
"Sabi niya hindi niya ako iiwan." Nakatungo siya at tsaka nagpaalam sa magulang ni Lantis na aalis nalang muna.
I will find her, aniya sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
My Pregnant Boyfriend (Nimbus #1)
RomanceCompleted. 𝙉𝙄𝙈𝘽𝙐𝙎 𝙏𝙍𝙄𝙇𝙊𝙂𝙔: 1 "A-ano sabi mo?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at mukhang maiiyak pa ata siya. Ngumuso siya sakin na para bang pinipigilan ang iyak. Binigay niya saakin yung mga papeles na galing sa ospital. Tinigna...