Episode 9

818 95 208
                                    

Episode 9: Adventure

--
Don't forget to click the heart button to vote for the update, comment your thoughts, and share the story. I'm missing you all.

Baka, bukas ulit? 😂

Ps. Unedited. 🙏

----

Napapalingon ako sa waiting area. May susundo raw kasi sa akin sa airport according to the organizer. May dala raw itong banner na may pangalan ko kaya iyon ang hinahanap ko ngayon.

Agad akong napatingin sa phone ko and I am trying to contact the organizer to inform na nandito na ako sa arrival area at hinahanap siya o kung sino man ang may hawak ng pangalan ko and...

"Madam!" somehow shouted a bit loud, na agad akong napatingin, not only me, pero halos lahat ng mga nandito sa arrival.

Mary Divine Enrile, he was holding a banner, smiling widely and this guy right here is so familiar, it's Eero?!

"I—ikaw ang susundo sa akin? N—nandito ka rin?!" I asked nang makalapit ako sa kanya, hindi pa rin ako makapaniwala.

Ngumisi siya, "Nah! Sumama lang ako sa susundo sa 'yo! I got bored kaya heto, sinunsundo ko na lang ang uyab ko! Glad you joined us! Akala ko ako lang cute sa buong team, jeez." anito at ang dami niya nang sinabi.

I don't know what to feel exactly. Hindi ko kasi alam kung magandang ideya bang nandito si Eero at kasama ko siya sa medical mission na ito. Hindi ko naisip na maaaring nandito nga siya kasi sa family niya ang medical mission na ito! I was just so excited na makaalis sa bahay noong inoffer nila sa akin ito, hindi ko na naisip na maaaring nandito siya at nandito nga siya, unang bungad pa.

"Hoy, madam! Bakit hindi ka na naimik? Naexcite ka ba sa magiging adventure natin? Aw, don't be! Aakyat tayo ng bundok, it's going to be a tough job! I hope you are ready, mag-aalala lang ako!" aniya.

Hindi kasi ako maka-imik sa kanya. Sobrang energetic naman kasi nitong Eero na ito, parang nauubos ako sa kanya. Hindi ako makasabay sa kakulitan niya. Is this really the vacation I need?

I sighed. "I think I will be fine, don't worry!" sabi ko na lang.

Agad na ngumisi si Eero, I saw it but looked away immediately. "Good to know that! Osya, tara na! Let me carry that for you!" aniya and he meant my bags. May isang maleta akong dala at dalawang hand carry na bags. "Grabe naman, dalawang linggo lang tayo rito, pang dalawang taon ata dala mo ah! Hindi ka nga excited, madam!" kumento niya.

I'm really feeling uneasy about this whole idea! Tutuloy ba talaga ako?

"Salamat," sabi ko na lang nang maibigay ko sa kanya ang mga bitbit ko na agad niya rin inilagay sa compartment ng sasakyang ginamit nila sa pagsundo sa akin.

Pinagbuksan ako ni Eero ng pinto ng sasakyan. I appreciate the gesture, hindi mo rin talaga maaalis sa kanya na gentleman siya, sa pinapakita niya sa akin eversince, I can say.

"Salamat ulit," sabi ko and I smiled towards him.

He immediately smiled back at me, "No problem, my uyab!" aniya at napakindat siya at agad napasakay sa front seat katabi ng driver, na sa pagpapakilala sa akin ay isang driver ng LGU ng lungsod kung saan kami pupunta.

Oh right, hindi ko pa pala nakokorek  kay Eero ang tungkol sa tawag niyang uyab na iyan na sinabi kong ibig sabihin ay kaibigan pero hindi naman talaga! I mean, I thought hindi naman ito big deal pero it is now, lalo na at hindi ko inakalang even after 2 years, hindi pa rin siya nakalimot. He needs to know the real meaning about it kasi nakakaloka lang kung gaano siya ka-open sa pagtawag sa akin nito, I feel guilty and not really comfortable of it. Nakakahiya at baka ano pa isipin niya!

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon