Episode 55

1.1K 130 222
                                    

Episode 55: Hopeful

----

DEBBIE's P.O.V

"Tita?" pagsagot ko ng tawag ni Tita Monique.

"Where are you? Nasa condo ka ba ngayon?"

"Opo, tita. Nasa condo lang po ako the whole day... as in, as usual." sagot ko at napangiti pa ako kahit na hindi naman ako makikita ni Tita.

"Ganun ba? Well, are you busy today? Okay lang ba kung sunduin kita and head to the mall after? Bilhin na natin iyong mga kulang na gamit ni Jamjam." she said.

Bahagya akong nagulat. Hindi ko inaasahang tatawag si Tita Monique para sa bagay na ito.

"T-Talaga po? Ngayon na po? P--Pero nasa trabaho pa po pala si Eero, paano po 'yan?"

"Don't mind anything about, Eero! Magpaalam ka na lang sa kanya na aalis tayo and let me know kung ready ka na, okay? Susunduin kita. Girl's bonding na rin kaya don't bring him with you." aniya.

Kinakabahan ako ngayon but at the same time, gusto ko ang ideyang ito. Gusto kong maka-bonding si Tita Monique lalo na at namimiss ko si Mommy kahit na halos araw-araw naman kaming magkausap via facetime. Tsaka, marami rin akong gustong sabihin kay Tita at siguro nga'y ito na ang pagkakataon kong makausap siya.

Pagkatapos ng naging tawag ni Tita Monique ay agad kong tinawagan si Eero. As much as possible hindi ako tumatawag sa kanya kapag nasa trabaho siya't text lang ang ginagawa ko. Now is an exception, it's an urgent matter.

"Madam, napatawag ka?" he immediately asked as he answered.

"Busy ka ba?" tanong ko.

"Hindi naman masyado! May mga tinatapos lang akong CAD works! Anong meron? May problema ba?"

Bago ako makasagot ay huminga na muna ako nang malalim. "Puwede ba akong lumabas ngayon? Halos tapos na ako sa mga schoolworks ko kaya wala na rin akong masyadong pinagkakaabalahan. Pupunta sana ako ng mall?"

"Mall? Bakit? Kasama mo ba si Joy?" tanong niya.

"A—Ako lang sana mag-isa't may inaasikaso pa si Joy sa online job niya—"

"Ikaw lang mag-isa? Joker ka, madam!" tapos natawa siya.

Agad akong napairap sa sinabi niya. Hindi pa nga ako natatapos sa sasabihin ko! Hay naku!

"Let me finish talking, okay? May kasama ako—"

"I'll excuse from work today, samahan na lang kita! Hindi ba, may bibilhin din tayong mga gamit for Jamjam last time? Iyong crib! We have the money, ngayon na natin bilhin! Tsaka, hindi ako pumapayag na mag-isa ka lang! Ano, baka umire ka na lang bigla sa mall! Sinasabi mo, madam—"

Hindi napigilan ng dalawang kilay ko ang magsalubong, "Eero, nakakapikon ka, ha! Patapusin mo na muna ako sa sasabihin ko, puwede ba?!" singhal ko. Minsan talaga may ugali itong Eero na 'to na madalas kong kinaiinisan. I mean, I know him as a super annoying, persistent guy that he is pero, as time goes by na nakakasama ko siya, aside sa mga nadidiskubre namin sa isa't-isa'y napagtanto ko na mas may ikukulit pa pala talaga ang Eero na 'to! Hindi ko nga malaman kung nangaasar lang siya sa akin, e!

I heard him sighed. "Okay, fine! Sige, sabihin mo sa akin!" anito

I sighed in return too. "Kasama ko si Tita Monique, okay? Sabi niya sa akin, susunduin niya ako rito sa condo! Pupunta raw kami sa mall sabi niya," there, I said it.

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon