Episode 43

767 117 142
                                    

Episode 43: Meeting

---
Maraming salamat sa pagtatyaga niyo sa akin at sa istoryang ito. 😊 Sana naeenjoy niyo pa rin and still love DebRo, regardless. Nawa'y nakakatulong pa ri ang istoryang ito na mapagaan ang bawat araw niyo. Happy reading! You may vote, comment, and share the story. ❤️ Maraming salamat.

Unedited.

----

Naging busy ang mga sumunod kong araw. Maaga akong nagigising para mag trabaho. Pagkatapos ng duty ko ay agad naman akong umuuwi o 'di kaya tumatambay saglit sa isang malapit na book store para magbasa. May free reading corner kasi ang book store na malapit sa condo building kaya nagpapalipas ako ng oras doon para pagka-uwi ko, nag didinner na lang ako't natutulog na.


It has become my daily habit now and everything seems fine. Eero, despite not being able to see him for a few days now ay hindi naman niya nakakaligtaan na itext ako o tawagan at madalas din niya akong pinapadalhan ng pagkain tuwing dinner time kaya hindi na ako nag-aalala sa kakainin ko. He said he's quite busy these past few days lalo na at magsisimula na raw ang sports festival ng school nila at ang kanila basketball season. He can't miss practices for now and aside from those concerns, may klase rin siya.



I miss him, I really miss him. Ewan ko ba sa sarili ko pero pansin kong mas nagiging clingy ako sa kanya these days. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa halos dalawang taon naming hiwalayan ay hindi pa sapat sa akin ang mga araw na magkasama kami para punan ang mga iyon o... I'm not sure! I'm not really good as him when it comes to being transparent with their emotions basta ang alam ko lang ay namimiss ko siya at gusto ko siyang makita ang kaso hindi ko masabi sa kanya ng mas maayos dahil nakikita kong busy nga siya, ramdam ko rin 'yon.



"Te, okay ka lang? Ang tahimik mo ata? Well, lagi ka namang tahimik pero iba ang awra mo, parang malungkot... anong meron? Byernes ngayon at kadalasan sa mga part-timer na katulad mo na nakilala ko ay excited at masaya kapag byernes na dahil wala silang pasok sa weekend! Anong pinagdadaanan mo? P'wede ka mag share baka makatulong ako..." si Joy.



Lunch time na namin ngayon at tama nga naman si Joy, nakakaramdam nga naman ako ng lungkot.


Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Eero kaninang umaga na baka hindi rin kami magkita mamayang gabi and even this weekend kasi may game siya sa sabado at mayroon daw siyang family affair sa linggo na hindi niya puwedeng balewalain and that—wala naman siyang sinabi patungkol sa naging usapan namin na ipapakilala niya ako sa pamilya niya... we haven't really talk about that idea since then and I can't even bring myself to initiate such topic first dahil nahihiya ako.

"W—Wala naman, mediyo napapaisip lang ako ng mga dapat kong gawin bukas! Mag-isa lang kasi ako sa condo kaya mediyo nakakalungkot lang," sabi ko sabay subo ko ng tortang talong na ulam ko for today. Because of Eero, naging paborito ko na rin talaga ang ulam na 'to at isa pa, may dala rin akong menudo na pinadala sa akin ni Nana kagabi, sobrang sarap din.


"Ay ganun? Ang laki ng problema, te!" bahagya itong natawa, "Pero, sabagay! Problema nga naman iyon ganitong ikaw lang mag-isa rito! Pero, 'di ba nga may jowa ka? Mag date na lang kayo! Enjoy life ganern!" dagdag niya

Naikuwento ko na rin kay Joy ang tungkol kay Eero. I mean, naikuwento ko lang na mayroon akong boyfriend. Madalas kasing tumawag si Eero during break time ko sa trabaho at nagkakatext din kami kaya nagtanong siya at naikuwento ko naman.


"He's busy," sabi ko at bahagyang napangiti.

"Ay! May ibang pinagkaka-busyhan? Weekend naman, anong meron?"

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon