Episode 56

1K 114 273
                                    

Episode 56: Forgiveness

ps: this is unedited, sorry for the errors in advance and thank you for being here, still.  :)

--

"Ate Debbie, Kuya Ee is here!" hinihingal na tugon ni Meredith nang mabuksan niya ang pintuan ng kuwartong nilalagian ko. "Opps, were you sleeping?"

Napabangon ako. "Not really, I'm actually waiting for your Kuya. Nagpapahinga lang," I answered and smiled after.

"Oh, alright. Bababa ka na po?"

Napatango ako habang nakangiti. "Okay," sabi ko.

Marahan akong umalis sa kama at mabilisan naman akong inalalayan ni Mere. Ganitong malaki na si Jamjam sa tiyan ko'y mediyo mahirap na kumilos at mabigat na rin ang tiyan ko.

"I can't believe I'll be having two pamangkins soon! Sobrang excited na ako!" saad nito at ramdam ko sa tonado ng boses niya ang kanyang pagkasabik.

"You will be a great tita to them, Mere. I feel it."

"Really? Aw, thank you! At first, mediyo nalungkot ako kasi hindi si Ate Irene ang makakatuluyan ni Kuya Eero. I mean, she's so cool, she's mabait, and really gets along well with me and the rest! I thought she's the only girl Kuya Ee will ever have, iyong seryoso? But you came and I found out that ikaw pala ang first love ni Kuya, he's inlove with you, and realized your situation then... sorry for judging you Ate. You're perfect for Kuya Eero just that... you should be tough though? Sobrang pasaway pa naman no'n! You should lock him up too, and never allow him to go to parties, marami siyang babae! Kuya EL and Kuya Eero are like that! Disgusting! Ang dami pa nagkakagusto sa kanila sa mga classmates ko and I can't understand them!"

Bahagya akong natawa sa mga rants ni Meredith bigla. She's cute and I think I can understand her. Mahirap nga naman sigurong magkaroon ng maraming Kuya at ikaw na nga ang bunso, nag-iisang anak na babae pa! For sure, protective ang lahat sa kanya kasi kay Eero pa lang, oa na sa higpit. Minsan nga, hindi ko mapigilang isipin kung paano maging Daddy si Eero kay Jamjam, e. I am looking forward.

Pababa pa lang kami ng hagdan ay natanaw ko na agad si Eero kasama ang dalawang Kuya niya at si Emeril, naroon din si Ate Mia.

"Madam!" si Eero at talagang ang lakas ng boses ng kanyang pagkakatawag.

Nagmadali siyang lapitan ako't nang marating ang kinaroroonan ko'y inaakay niya ako agad pababa ng hagdan. Mediyo nakakapagod nga naman pero sabi sa akin ni Tita Monique, magandang exercise naman daw ito para sa akin.

Napangiti ako. "I just came from a good rest." Sabi ko.

"Obvious nga, mabuti naman kung ganoon," he said.

"Oh, ayan, nakita mo na si Debbie! She's safe, puwede ka nang umuwi. Do it, habang tulog pa si Nanay," si Kuya JM at bahagya akong nagulat sa sinabi niya.

"P—Po?" tanong ko. I'm trying to make sure if what I heard from him was right.

"See, I told you. Sabi ni Nanay, once na magkita na kayo, you can go home! Debbie is staying for now."

"Si Debbie lang ba ang welcome?" si Ate Mia

Hindi ko ma-gets ang naririnig ko mula sa mga kapatid ni Eero.

"Bal, seryoso ba? Sabi mo, pinapapunta ako ni Nanay dito! Wala ka namang sinabi sa akin na para lang makita si Debbie!"

"Kuys, you should leave now, Nanay's awake and just fixing herself! Baka maging hysterical na naman siya! We don't want to send her again to the hospital at malamang ayaw mo rin iyong mangyari sa kanya, 'di ba?" si Emeril.

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon