Episode 52

899 122 329
                                    

Episode 52: A final decision

(ps. sorry na agad sa errors.)

-------

"P—Pasok po muna kayo Kuya EL..." si Debbie as she breaks her silence.

Tahimik kasi kaming lahat na nandirito sa labas ng condo unit namin. I've calmed down and had let go from the tight hug I gave my brother earlier. Yeah, it just sunk into me na totoo nga, narito ang Kuya kong si EL.

"Nevermind, Deb! Hindi naman ako magtatagal! Gusto ko lang makausap si Eero sana at kung puwede kami lang." anito nang mahinahon.

Napatingin ako kay Debbie. Bakas sa kanya ang pag-aalala't hindi siya nakasagot agad. Gayun pa man, nakita kong napatango naman siya. "Ah...S—Sige po," anito na lamang at napatalikod na matapos din mapasulyap sa akin na may halong pag-aalala ang paningin.

"Ah, wait..." si Kuys EL.

"I bought this for you, I hope it helps! P—Para na rin sa baby mo," sabi ni Kuys EL at may inabot siyang isang paper bag kay Debbie. "Don't worry, okay? Mag-uusap lang talaga kami!" dagdag nito at kalmado naman talaga ang tanado niya.

Napangiti si Debbie. "S—Sige po! Salamat po rito," anito na lamang at kinuha niya ang paper bag na alok sa kanya at tsaka pumasok sa loob ng condo unit kasama si Joy na nagtataka sa mga nangyari.

"Mga par, mag-uusap lang, ah?! Sinasabi ko sa inyo! Tsaka, k—kung kailangan niyo ng referee este paliwanag ko sa mga nangyari, isama niyo na ako sa usapan! Hear me ou, EL! I have my reasons!" si Kyle na halatang nagulantang sa nangyayari.

I don't know what really happened pero obviously, hind niya alam kung paanong nakarating si Kuys EL dito. Siguro nga nasundan siya.

Napaismid ito. "Forget it, Kyle! Pumasok ka na sa loob habang kinakaya ko pang magtimpi sa 'yo!" singhal ni EL at mukhang nagsungit bigla nang si Kyle na ang kausap niya. "I want to talk to Eero privately! Isa pa, ano pa bang hindi mo alam, Kyle? Nagmukha ka pa ngang kapatid nito sa dami mong alam sa mga nangyari, e! Ikaw pala talaga ang kambal nitong loko na 'to! Hanep!" bahagya man siyang natawa, alam kong sarkastiko lang ang mga pahayag niya.


"T—teka, bakit parang kasalanan ko?" si Kyle na tila pumalapag sa sinabi ni Kuys EL. "Look, I have all my reasons kung bakit ako humantong sa ganoong desisyon! Isipin niyo rin ang kalagayan—naipit ako!"

"Kalma, pre! Hindi mo kasalanan, okay? M—Mag-uusap muna kami ni Kuys EL, mag-usap tayo mamaya! Tsaka, nasa loob sila Irene, please, samahan mo na muna sila! Don't worry..." saad ko at pilit kong kinakalma ang sarili ko kahit na kinakabahan ako. Kung ako lang, gusto kong manatili si Kyle kahit na lumayo lang siya ng kaunti sa amin para magsilbing lookout just in case mabugbog ako ng Kuya kong 'to kaso syempre, hindi naman puwede 'yon! Kung masasapak man ako, tatanggapin ko na lang.

Napabuntong hininga si Kyle. "Osya, sige! EL, peace on earth, okay?" pahabol na tugon nito pero napaismid lang si EL bilang tugon. Ang init ng ulo niya ulit.

Umalis na si Kyle kaya heto, naiwan kami ni Kuys EL sa hallways. Kinakabahan na naman ako pero alam kong kailangan din talagang dumating ang sandali na 'to para masimulan kong ayusin ang gusot na meron sa pamilya namin dahil na rin sa akin. It's about time.

"May sasabihin ka?" he asked coldly.

Kanina pa kasi ako nakayuko at naghihintay sa sasabihin niya. Ramdam ko ang pagtatampo, galit, at inis niya sa akin kaya mediyo naka-distansya ako sa kanya. I know him too well. Kahit pa siguro napakabait ni Kuys EL, anak pa rin siya ng NayTay kaya mapanakit din 'to.

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon