Episode 54

796 126 283
                                    

Episode 54: Heal

---


Naging mahirap emotionally ang bawat araw na nagdaan simula noong magharap kami ni Nanay. Everything feels hurt, na animo'y binugbog ako nang malala noong araw na iyon. Sobrang nahihiya ako sa mga kapatid ko dahil na rin sa nagawa ko pero salamat kay Kuys EL and sure, kay Kuya JM din na palagi akong kinukumusta and that they said they are trying their best to talk to Nanay and maybe convince her to understand me and forgive me.

Gusto ko man ang ideya na iyon, pakiramdam ko, hindi rin iyon nararapat lalo na't parang inaako na naman ng mga kuya ko ang kasalanan na nagawa ko. Nakakahiya lalo.


Syempre, ikinuwento ko kay Debbie ang buong nangyari sa pagtatagpo namin ni Nanay. She was sad and for sure, hurting about it na naisip niya mismong kausapin si Nanay at humingi ng tawad dahil na rin sa nangyari, na maiiwasan sana kung hindi dahil sa kanyang ama. She felt guilty that NayTay had to go through all that emotions because of us, because of her and her dad that, of course, are all invalid to me.

Hindi ko nagustuhan ang naging pag-iisip ni Debbie patungkol doon kasi paniwala ko'y sa sitwasyon na iyon, we had a choice and NayTay and my whole family is the choice. Kung siguro'y hindi ako natakot at mas nanindigan ako, malamang hindi ko gaanong nasaktan ang NayTay. There were choices but I a made bad decision, that was the story.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang tagpong iyon pero heto, lutang pa rin ako't inaalala ko kung paano ko nga ba aayusin ang problemang ito, kung paano ako mag-iipon ulit ng lakas para kitain ulit si Nanay, tanggapin ang mga salita niya, at humingi ng tawad. I don't mind doing it over and over again pero syempre, as much as possible, I want to give time for myself to heal kasi hindi ko lubos maisip na darating ang araw na masusuntok ako ng Nanay ko. Okay na ako sa palo o 'di kaya sa kurot, sa masasamang words—sa suntok... nagulat ako. Mukhang hindi nga ako ang favorite ni Nanay!

Jeez!

Napailing ako. May gana pa talaga akong mag-isip patungkol sa paborito-paborito na 'yan! Walang' ya! Makapagtrabaho na nga!

Sumapit ang hapon ay patapos na rin ako sa trabaho ko. Mabuti na lang malapit na bakasyon kaya hindi rin ako ngarag sa klase ko. Katatapos lang kasi ng ranking exam and well, about that, ilang araw na lang pala, result na.

I don't know. Masasabi kong okay naman ang exam para sa akin, nakasagot naman ako at hindi naman ako nangarag sa oras kahit na minus-30 minutes ang oras ng mga nasa online program. It was okay and I'm actually and all honesty expecting for a better rank this time kasi nakapag-adjust naman na ako sa sitwasyon. Sana nga. Malaki rin talaga matitipid na pera kapag nakuha ko ang full scholarship tsaka pinag-iisipan ko pa ang tungkol sa varsity status ko. Manganganak na si Debbie soon at ayaw ko naman na magkulang ang oras ko sa mag-ina ko. I know, I really need to give up one thing.

Osya, heto, nag-aabang na ako ng bus na sasakyan ko pauwi. Mediyo agawan ang ganap pero okay lang, sanay na rin naman ako at isa pa, malaki natitipid ko. Yup, natuto na rin talaga akong magtipid ngayon. Hindi naman sa gastador ako noon pero yeah, malaki na talaga pinagbago ko pagdating sa pera—well, not the extent naman na tinitipid ko ang mag-ina ko, sa sarili ko puwede pa, sa kanila hindi. Siguro nga, kapag nasa isang sitwasyon ka na, marerealize mo na lang na may mga bagay kang kayang gawin na hindi mo aakalaing kaya mo and honestly, it's fascinating. Ni sa panaginip hindi ko inakalang mararanasan ko ang lahat ng ito.

Habang nasa waiting shed ay biglaang nag ring naman ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan at si Kuys JM pala ang tumatawag. Ano kaya meron?

"Kuys?" tanong ko sa kanya.

Prince 3: Patient Love (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon