CHAPTER 14

1K 53 1
                                    

FEAR




JAY EM


Years ago...


"Babe, ayos ka lang?" Tanong ko kay Sapphire. Tinignan niya ako bago tumango at ngumiti.


Napakaganda talaga bebe ko hanep!

Heart shaped face, maliit pero matangos na ilong, Reddish lips, short curly brown hair, at higit sa lahat her Beautiful Blue Eyes na mas lalong bumagay sa pangalan niya.

"Si Cathy kasi eh, parang ang ilap sa akin. Sa atin..." Nag aalalang sagot niya. Napa tahimik naman ako.

"Baka may problema babe? Kausapin mo minsan baka kailangan ka niya."

"Siguro nga.." sagot nalang niya. Inayos niya ang gamit niya bago ako lingunin ulit.

"Babe, may class pa 'ko this afternoon. Mauna na 'ko ah?" Paalam niya sa 'kin.

"Sige po. Hintayin nalang kita mamaya sa parking. I love you" Paalam ko.

Akmang aalis na siya ng nag salita ulit ako.

"Uy! saan I love you too ko?"

"Mama mo!" Sigaw niya ng naka talikod. Napa nguso naman ako.


"Damot!"

Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo pabalik at hinalikan ako nang mabilis sa labi.

"I love you too" sabay kurot sa pisngi ko.

Napakagat ako sa labi ko, hala may pa ganon?

Tinanaw ko nalang siya habang naglalakad palayo sa 'kin. Tatalikod na rin sana ako kaso biglang tumunog yung cellphone ko.


Mall Of Asia calling...


Pinindot ko naman yung answer button.

"Hoy! pare! Walang pasok!" Nailayo ko yung cellphone ko sa tenga ko dahil sa ingay niya pati na rin sa background sound.

SECTION GALLILEO [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon