CHAPTER 60

334 15 3
                                    





Nilingon ko ang kumatok sa pinto ng kwarto ko.



I smiled at him when he stare at me.



"What is it, papa?" Tanong ko.


"Ang ganda ng anak ko.."


Ngumiti ako.


"Pa, hindi pa ako nakakapag ayos.." sagot ko habang tinutuyo ang buhok ko.



"Kahit hindi ka nakaayos. Maganda ka anak.." Lumapit siya at siya ang nag suklay ng buhok ko.



"Kamukhang kamukha mo ang mama mo.." biglang sambit niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko habang naka tingin sa relfection ko sa salamin.

"Ano po ba ang itsura ni mama?" Tanong ko.


"You want to see her photo?"

Kumalabog ang dibdib ko habang tumatango.

Ngumiti siya at inalalayan akong tumayo.

Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad sa hallway.

Mas lalo akong kinabahan nang dumeretso kami sa dulong pinto sa pangatlong palapag ng palasyo..



"Papa.." sambit ko.

Nilingon niya ako at nginitian tsaka niya binuksan ang pinto.


Bumungad ang malaking family potrait na nasisinagan ng araw mula sa malaking bintana.


Hinawakan niya ako sa balikat at pinatingin sa potrait.

Ako ang nag iisang naka upo sa upuan habang hindi naka ngiti. Nasa kaliwang gilid ko si kuya at nasa kanan si Allisa at nasa likod ko si papa..


Nangilid ang luha sa mata ko nang tumingin kay papa.

Umiling ako. Habang siya ay nakangiti na tumatango. Kinokumpirma ang nasa isip ko.


Tumingin ako sa itsura ko at sa mukha ng babaeng nasa tabi ko. At sa mukha ni kuya.


Nanghina ang tuhod ko nang mapag tugma ang lahat..


Pareho kami ng mata ni kuya, at ni allisa..


Doon na tumulo ang luha ko at napaluhod...


"H-hindi...nagbibiro ka lang diba?" Sambit ko kay papa.

He kneeled down and wipes my tears using his thumb


"I'm sorry I kept this to all of you..."

"I'm sorry anak..."


Humikbi ako sa dibdib niya. Iniisip ang mga bagay na nagawa ko

Sa sarili kong ina..


Tumayo at tumakbo kung nasaan siya.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya habang basang basa ang pisngi ko.


Nakita ko siyang nasa harap ng salamin niya, Nilingon niya ako at nag aalalang tumingin sa akin.


"Why are you crying? You'll get married, you should not stress yourse--"


"Mama..."

Humikbi ako habang yakap siya.


"A-alam mo na?" Sambit niya kaya tumango ako.

SECTION GALLILEO [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon