CHAPTER 2

1.7K 87 6
                                    



[ EZEKIEL ALARSON ]

KANINA pa ako nakatingin nang masama kay samantha, napaka angas amputa.

Pero pag tinititigan ko siya para siyang may kamukha, para siyang anghel na hindi marunong ngumiti at walang pake sa mundo.

Parang paborito niya ang itim at ang ganda niya kaya nakakairita kase baka 'di kayanin ng konsensya ng mga kumag na 'to na paalisin siya sa section na 'to. Na naman.

Magandang kurba ng katawan,
magandang mga mata, maliit pero matangos na ilong, at mapupulang labi na parang ang sarap halikan- ay! erase!

Ang haba rin ng buhok niya na hanggang pwetan na niya. Rapunzel ikaw ba 'yan?

Napalingon ako sa katabi ko nang mapansin na hindi siya ngayon gumagalaw at naka steady lang, nakatitig din siya sa babaeng tinitingnan ko, kaya tinulak ko yung balikat niya dahilan para mapa igtad siya.

"AY ANG SARAP!--AY! ANO BA?!!" Biglang sigaw niya para mapatingin sa amin ang lahat maliban kay samantha.

"Mr Ahn, anong problema?" Tanong ni sir ben kaya umiling si kiro.

"Uhm, wala sir hehe.." awkward na sagot niya at tumingin sa babaeng walang pake sa amin. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, mukhang tinamaan na ang gago.

Break time kaya tumayo si sam, pupunta siguro sa canteen, pero hinarangan siya ni jay-em.

"Sammy, saan ka pupunta?" Parang batang sabi ni jay em kaya napakunot ang noo ni sam. Sammy? feeling close na naman 'to.

"Sa canteen niyo dito, at tsaka sino si sammy?" tanong ba 'yan o statement? hindi ba 'yan tinuruan paano mag salita with emotion?

"Ako si jay-em! At ikaw si baby sammy! dahil samantha ang ang pangalan mo kaya for short baby sammy!" Magiliw na sagot ni jay em kaya napa iling si baby sammy--ay este samantha.

"Sam. Sam ang itawag mo sa akin" pag tama niya.

"Sammy, hindi tayo pwedeng pumunta sa canteen dahil banned tayo dun." hindi pinansin ni jay em yung sinabi ni samantha.

"Banned? why?" Tanong ni sam.

"Kase ano eh.. hehe.. Nakipag rambulan kami doon.." kamot batok na sagot ni jay em kaya bumuntong hininga si sam at bumalik sa upuan niya at nagsalpak ng earphone sa tenga.

Lumapit naman ulit si jay em at umupo sa tabi ni sam, sumunod na rin si harold at nag kwentuhan sila don pero si sam wala lang, nakikinig lang ng kung ano sa earphone niya at 'di pinapansin yung dalawang kumag. Maya maya tumayo si sam, kaya tumayo rin ako, sinalubong ko siya tapos ay sinadya kong bungguin, tumama yung braso ko sa dibdib niya pero wala akong makita na emosyon, hindi niya ako tinapunan ng tingin at deretsong naglakad palabas. Aba???

"SECTION G!" Tawag ko at nag lapitan naman sila.

"Gumawa kayo ng paraan, para mawala sa section natin yung pesteng yon!" Inis na sabi ko.

"Hala! bakit naman ang bait kaya ni sammy" angil ni jay em kaya napataas ang kilay ko.

"Hindi ka nga kinakausap, paano mo nasabi?" tanong ko.

"Ah basta mabait siya, 'di ba harold?" tumango naman kaagad si harold.

"Sayang din yun! chicks HAHHAHAH" gatong ni romer kaya nabatukan siya ni kiro.

"Basta! paalisin niyo siya! tapos ang usapan!" Sagot ko at akmang lalabas nang magsalita ulit si romer, ang pinaka babaero sa lahat ng babaero.

"Ligawan mo kaya tapos pag sinagot ka at naging kayo, saktan mo. Paniguradong lalayas 'yon dito"


"Puro ka kalokohan.." sabat ni kiro tsaka bumalik sa upuan at nagbasa ulit.

Ako naman ay lumabas na pagkatapos ay sumandal ako sa pader na malapit sa pintuan ng male comfort room na katabi lang ng female cr, humihithit ako ng sigarilyo nang makita rin si samantha hindi kalayuan dito na naninigarilyo rin, naninigarilyo siya?

Nakatitig siya sa kawalan kaya may naisip na naman akong kalokohan,
pumasok ako sa lumang stock room at kumuha ng nakita kong harina na mukhang amag na at nag tago.

Nang makita ko siyang malapit na sa pinagtataguan ko ay binuhos ko ang harina sa kaniya.

Pinagtawanan ko siya pero hindi nya ako pinansin at dumiretso sa kwarto kaya sumunod ako, gulat naman silang lahat dahil sa nangyari kay sam.

Kinuha niya yung bag niya at lumabas ulit, Ang tagal niya kaya sinundan ko siya sa cr at pumasok para lang maabutan siyang naka pantalon nalang at sports bra na itim, tinitigan naman niya ako sa salamin.

"Ano ba problema mo sa akin?" Malamig na tanong niya.

"Umalis ka sa section namin." I answered coldly.

She replied with a smirk

"Paano kung ayaw ko?" Humarap na siya sa akin.

"Makakakita ka ng demonyo. You don't know what we can do. Lalaki kaming lahat. And you know what boys can do." banta ko at bumalik na naman sa walang emosyon ang mukha niya.

"Empyerno ang buong buhay ko, kaya hindi na 'ko natatakot sa demonyo" at tsaka siya umalis sa harap ko habang natitigilan pa rin sa sinabi niya.

"Ingatan niyo siya.. Empyerno ang buong buhay niya, at ako lang ang  n-nagsisilbing anghel niya.. pakiusap.. protektahan niyo siya.. protektahan niyo ang bunso ko.."


That voice..

SECTION GALLILEO [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon