[ Play Can I be him by james arthur, Muli by ace banzuelo, Hatid by juans, hehe! happy reading! ]
MARK EZEKIEL ALARSON
"Ezekiel! May pasok ka pa!" Napa aray ako dahil sinipa ako ni ate palaglag sa kama
"Opo! Eto na!" Tumayo ako habang hawak ang bewang ko
"Bilisan mo, ihahatid na kita" tsaka siya lumabas
Napakamot ako sa ulo ko at papasok na sa banyo ng kwarto ko nang makita ang picture frame na nasa side table ko
It's our photo..
Napangiti ako ng mapait at tumalikod pero pag harap ko naman sa mini book shelf ko ay nakita ko tatlo pa na picture
Isang kasama ako, isa na nakangiti siya habang nakaharap sa stage, kung kailan nag peperform si kiro..
Yung isa ay ang picture na kinuha ko noon kay moa
Tangina..
Pumasok ako sa banyo at mabilisan na naligo, pag labas ko nagbihis na ako at nag suot ng earphones
Tahimik lang ako buong byahe kaya patingin tingin si ate
"Hindi ka nag breakfast, you want to eat something?"
Umiling ako
"You want something?"
Umiling ulit ako
Napatingin lang ako sa kaniya nang huminto siya sa daan
"You said malalate ka na?" Tanong ko
"What's your problem? Ilang linggo kana na ganyan, ano bang nangyayari?"
"Sam.."
Tanging salita na nabanggit ko, nanikip ang dibdib ko habang umiiwas ng tingin sa kaniya
Tangina, nakakahiya..
"Akala ko ba..ayos na sayo?"
Doon na ako napahikbi
Akala ko din eh...
Akala ko kaya ko..
Pero siya pa rin..
Siya lang talaga..
"Gusto ko siyang makita...gusto ko siyang yakapin.."
"Ang gago naman eh! Bakit hindi pwedeng ako?"
Tinakpan ko ang mukha ko at humagulgol
Naramdaman ko ang pag yakap ni ate
"Ate..hindi ba pwedeng ako? Ate..."
"Ate..Mahal ko siya..mahal na mahal.."
Napuno ng hagulgol ko ang buong sasakyan
It's hard..
Letting go someone who was never become yours..
It's like a torture to me..
Ilang beses ko na ba nasabi yon? Pero kahit anong gawin ko hindi nabawasan yung sakit
Hindi din nabawasan yung pagmamahal ko sa kaniya..
"Hello ezekiel! Bente?" Salubong sa akin ni raffy kaya sinakop ko ang mukha niya gamit ang isang kamay at tinulak siya paalis sa dinadaanan ko
BINABASA MO ANG
SECTION GALLILEO [ EDITING ]
RandomStart: October 08, 2020 End: July 03, 2022 [still editing all of the grammatical errors] Section gallileo is so called the worst section, a trouble maker. But all of that changed when Samantha transferred to their section "Walang pwedeng manakit sa...