CHAPTER 53

366 23 7
                                    




JAY EM





"QUIZ!?"

"Sir naman! Kagagaling lang namin sa trouble, quiz agad"


"Ikaw nga, katatapos lang ng break lumalamon ka nanaman" rebat niya kaya umikot ang eyeballs ko


Mag iingay pa sana kami pero biglang nag ring ang phone ni sir kaya sumenyas siya na wag maingay dahil asawa niya ang tumawag


"Hello my wife?"


Napangiwi kami sa lambing ng tono ng boses niya

"Gusto mo ng alin?"

Natanggal niya ang salamin niya sa gulat at napaupo, nagtaka naman kami

"Carbonara na galing sa birthday party???" Napahilot siya sa sentido niya "Love, I can cook.."

Napangiwi siya tsaka ibinaba ang cellphone niya


"Sir, hirap ba ng cravings ni misis?" Asar ko kaya sinamaan niya ako ng tingin

"Tumigil ka baka ikaw gawin ko na carbonara" sambit niya kaya benelatan ko siya, akmang babatuhin niya ako ng libro nang mag taas ng kamay si Alex

"Sir, birthday ni maddie, papahanda nalang ako ng carbonara instead of spaghetti" sambit niya kaya nakahinga ng maluwag si sir Ben

Tumayo si ezekiel tsaka binitbit yung bag niya kaya nagtaka kami

"Tara na.." sambit niya at nauna na, tumayo din si aki na may earphones pa sa tenga

Tahimik lang kami hanggang sa makalabas sila

Simula nung natapos ang mga pangyayari bibihira nalang magsalita si ezekiel

Si kiro naman mas lalong naging misteryoso..

"Edi tara na!" Tayo ni raffy

"Ha? Class hours pa.." sambit ni gelo na kagigising lang

"Lumabas na nga yung anak ng may ari ng school eh" katwiran ni raffy kaya tumayo na din ako

"Oo nga pala, tayo nga pala ang batas" mayabang na sambit ko kaya tuluyan na akong binato ni Sir ben


"Aray! Masakit yun ah!"

"Alam ko" tinarayan niya ako tsaka kinuha yung bag niya

"Sus, kunwari pa siya, susunod din naman.." bulong ko kaya akmang sisipain niya ako pero nakatakbo agad ako palabas

Napadaan kami sa court at nakita ko ang dyosa na mahal na mahal na mahal ko

"Baby love honey bunch sugarplum koo" tawag ko sakaniya kaya napalingon siya

Binato niya ako ng volleyball buti nalang nasalo ko kaagad

"Saan nanaman punta niyo?" Tanong niya

"Birthday ni maddie, sama ka!"

"Hindi ako pwede, may practice kami.."

"Hindi naman kita tinatanong, sinasabi ko na sumama ka" hinila ko siya, narinig ko pa tinawag siya ng teacher niya pero tumakbo na kami

Nilingon kami nila ted, "Tanginamo bakit tinakas mo yan!?" Sigaw niya kaya lumingon din si Ezekiel

"Gago! Hindi ako nagpaalam kay papa!" Gulat na sabi ni ezekiel

SECTION GALLILEO [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon