Chapter 4- Puppy
Nauna na pala kapatid ko. Iwan ba naman ako.
Kasulukuyan kong kwakwanin yung schedule ko or should I say namin ng classmate ko. Wala lang makikisabay lang. Bakit bawal? Di gayahin mo.
Pagkarating namin sa faculty room. The heck lang huh, ang laki. Special treatment kasi. Tsk.
May lumabas na teacher. "Uhmm, sinong hinahanap niyo?" Tanong niya. "Si Ma'am Ariana Problema po" Sabi naman yung madaldal kong klasmate, si Daldalmoto. Pano ko naman nasabi na madaldal siya? Well madaldal nga diba. Utak po.
Pumasok ulit yung teacher siguro tinatawag na si Ma'am.
"Oh eto yung schedule at rules and regulations" Inabot naman ni Ma'am isa-isa so bale nasa hulihan ako. By alphabetical arrangement ee. Saklap talaga.
Sunod sunod tinawag yung classmate ko. Taka naman ako hindi na tinawag kapatid ko. Siguro nakuha na niya.
"Ms. Wiltshire, O eto. Yung kambal mo pala kinuha na yung sakanya" At umalis na siya. Sama niya huh hindi man lang ako pinagsalita. Makauwi na nga lang.
-----------------------------------------------------
The next morning..
Minulat ko mata ko. 10:35 am na pala. Boring talaga. Taka siguro kayo kung bakit di ako pumasok, kasi nga diba kahit bawal pumasok ngayong week pero next week classes na.
"Hayy, ang boring"
Ginawa ko ang morning ritual ko. At bumaba na para kumain.
"Mama, where's cookie?" Hindi po pagkain yang Cookie na yan huh. Alaga ko po yan. Isa siyang uri ng Husky. Hindi mo alam ang Husky, di isearch mo.
"He's outside playing with your brother" Ows? Lol. Hindi rin pala siya pumasok. Sabi ko kakain ako. Bakit nakikipaglaro ako sa aso. Tsk. Bipolar talaga.
Lumabas na ako at pumunta sa garden. How I miss this, yung masaya kayong naglalaro ng kambal mo tapos biglang may nangyaring masama. Ano to reminising the past ang peg.
Kidding aside, namatay kasi yung tuta niya. Isa ring husky, mahal na mahal niya ito at hindi niya ito kayang iwan. Kaya dyan ko nasasabi na bading siya.
"Waaa, dito ka Cookie. Wag mo akong isusumbong sa kapatid mo" Hay bat ba ganito kapatid ko. Gwapo nga pero pagdating sa ugali. Sucks, bading bading. I'm not saying na bading siya, half lang.
"Cookieee, come here" Tawag ko sa alaga ko. Tumingin naman siya, "Ang epal mo talagang babae ka!"
"Inggit ka lang, uso bumili"
"Bakit pa ako bibili kung may aso na rito" Sabi niya with matching behlat.
"Miss mo lang kasi si Cupcake" Weird ng pangalan right? Well, babae kasi yung alaga niya. At isa pa mahilig siya sa cupcake, especially yung sobrang tamis talaga. Buti pa ako, Cookie lang. Chos, ganda ko kasi.
Pagkasabi ko nun halos maluha-luha siya. Hindi ko naman sinasadya yun. Ee malay ko bang may epek pa rin yun sa kanya. Tapos akala ko rin nakamove-on na siya. Ayan huh, may move on pang nalalaman. Gay right?
Pinunasan niya yung luha niya gamit ng kamay niya. Alangang paa, common sense kasi. Tapos umakyat na siya sa taas. Konsensiya ko binabagabag ako. Palagi na lang kami nag-aaway.
----------------------------------------------------
Vote. Comment. I appretiate all those.
BINABASA MO ANG
Queens Academy
Teen FictionAng Queens Academy ay magbubukas ulit sa buong Pilipinas pero paano kung ang paaralang ito ay may tinatagong sikreto. Ipagpaatuloy mo pa ba ang pag-aaral dito. ++++++++++++++++++++++++ This is a rated PG don't mind the rated G. Thanks.