Gumising ako ng masakit ang ulo, hindi ko alam kung anong nangyare kagabi ang huli ko lang naaalala ay...
omO
O.......O
yung kiss?
"Àaaaaaahhhhhh", Aaaaaaaaaaaaabakada! anong nangyare sa akin? sa amin? tumayo ako at hinanap ko si Zander at sakto nasa labas nakaupo lang.
"Hey, good morning ^_^" , bati niya.
"O-Oy anong ginawa mo sa akin kagabi?", exage?
"Ikaw tong nagsimula kaya sinakyan ko nalang!", sakay? eh? ha?
"Hahahahah..dont worry wala akong ginagawa sayo but you kissed me^_^", Eh? I kissed him? siya kaya diba?
"Go change at mukang late kana sa program niyo!", May inabot sya sa aking mga damit kinuha ko naman agad ang mga ito at nagbihis.
Sinamahan ako ni Zander papuntang function hall, late na nga kaming dumating. Last activitiy na daw ngayon, bale last day na namin dito. Pilit ko paring inisip kung ano ba talagang nangyare samen kagabi, bakit kasi wala akong maalala, ganun ba ako kalasing kagabi?
Pinapunta kaming lahat sa may sea side para daw sa last activity.
"Beach volleyball"
Mahina ako pagdating sa pagserve kaya di na ako sumali, Boys versus Girls ang nangyare pero halata naman kung sino mananalo diba?
Pagka serve palang ni Dustine malakas na, natatakot yung mga babae sa bola.
Sa huli panalo ang mga lalaki. Sumunod naman daw ay ang Tug-of-war. Nagiba na naman ng team. Team A sila Max, Lyn at iba naming kasama sa Team B naman sila Ellaine, Dustine at Ako at dalawa pa naming kasama. Pumwesto ako sa gitna sa unahan naman si Ellaine at likod niya si Dustine. Pagka start ng game, hinila namin ng malakas yung pisi, kaso lumalaban yung kabila.
"Give it to us na, make us win Babe!", sigaw ni Ellaine kay Max na nasa unahan din ng Team A.
"Game is a game so just play!", sagot ni Max sa kanya.
"Lakasan mo nalang kaya yang paghila mo baka manalo pa tayo!", sabay hila ng malakas ni Dustine nilingon naman siya ni Ellaine at inirapan.
Di ko naman maiwasan na mapatingin kay Max, ano kayang reaksyon niya nung makita niya kami ni Zander? Nagselos ba siya? Nagagalit na ba siya? Ano ba Max sabihin mo!
"Oh my Gosh Aaaaaaaaaaaah!", bigla kaming nahila papalapit, sa lakas ng hila nawala kaming lahat sa balance sanhi para matumba kaming lahat. Nadaganan ni Dustine si Ellaine Ako naman tuhod lang nasaktan.
"Are you okay?", inalalayan ni Max si Ellaine makatayo.
"Sorry ah!", Dustine ,tinignan lang sya ni Max.
At dahil walang umalalay saken, marunong naman akong tumayo eh!
"Ikaw okay ka lang?", bigla nalang nasa likod ko na si Zander, kabute lang?
"O-okay lang ako ano ka ba!", sagot ko pero yung mata ko nakatutok lang kina Max at Ellaine. Napapaisip na naman ako sa narinig at nakita ko kagabi >..< Woooh ano ba tong feeling na itooooo? Ayoko nito!
"Oh well!", Zander.
"O-Oy!", sigaw ko kay Zander, nagulat ako ng binuhat niya ako bigla.
"Ayiiiiiiieeee!", tukso ng mga kasama ko. Takte namumula nako >...
"Ano ba, sabing okay lang ako eh!", hampas ko kay Zander.
"Hindi naman sugat mo inaalala ko, yang puso mo!", ngiti niya.