Chapter 43

272 21 21
                                    

Napabalikwas ako ng tayo nang makitang nasa ibang kwarto ako. Inilibot ko ang paningin ko ngunit puro kulay pula at puti lamang ang nakikita ko.

Nasaan ako?

"You're awake." Hinawi ni Zhack ang isang kurtina at lumapit sakin. "What happened?"

"Nasaan ako?"

"Answer my question first. What happened to you?" Kunot noong tanong nya.

Kinapa nya ang noo at leeg ko. Kumuha sya ng tubig sa gilid at inabot sakin.

Umayos ako ng upo nang maalala ang nangyari kagabi. Humarap ako kay Zhack.

"Si Jom?" Nag aalalang tanong ko. Si Jom ang kasam ko nung gabing yun. Mataas ang lagnat nya. Pero bakit ako ang nasa clinic ngayon?

Inilagay ni Zhack ang kamay nya sa bulsa at bumuntong hininga. "Nakakadalawang tanong ka na, Rein. You didn't even answer my question."

Inis akong pumikit at iniwas ang paningin sa kanya.

"Hinanap ko si Jom kagabi." Tumaas ang isang kilay nya. "Nakita ko sya sa library. Mataas ang lagnat nya, malakas ang ulan sa labas at wala ring kuryente kaya napagdesisyunan kong doon muna magpalipas ng gabi at bantayan sya." Tumingin na 'ko sa kanya. "Now, where is Jom?"

Kumunot ang noo ko nang mahina syang tumawa.

"Bigla na lang syang nawala sa loob ng campus. Hindi din sya mahanap ng mga kaibigan nya. Nabalitaan na lang namin na nakauwi na pala sya sa kanila." Natatawang sagot nya.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Imposible yon. Kahit ang mga kaluluwa ay hindi makakalabas kahit pa magteleport sila. Hindi pwedeng may makapasok at makalabas.

Mas lalo pang kumunot ang noo ko nang ngumisi sya.

"Pinaglololoko mo ba 'ko?" Inis na tanong ko. Nang aasar syang tumingin sakin.

"Yan ang gusto mo diba?" sinamaan ko sya ng tingin. "Nag imbento din ako ng kwento gaya ng ginawa mo. Ayos ba?" Nakangiting tanong nya.

Hinila ko ang kwelyo ng uniform nya at marahas na inilapit sakin.

"Hindi ako nakikipagbiruan." Madiing sabi ko. "Anong nangyari kay Jom?"

"Ano munang nangyari sayo?" Seryoso ding tanong nya. Inis ko syang ibinato sa gilid.

"Gago ka ba?"

"I'm serious, Rein. What happened to you?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko at nanunuyang tinignan sya.

"Bingi ka ba? Nasabi ko na ah!"

"Nakita kita sa library kaninang madaling araw dahil simula kahapon nang hapon ay nawawala ka daw. Wala kang malay at mataas ang lagnat mo kaya dinala agad kita dito."

Madaling araw? Don't tell me, hanggang madaling araw ay naghahanap sya?

"Nasaan si Jom?"

"Hindi ko sya nakita. Mag isa kang natutulog sa sulok ng library. And for your information, hindi umulan kagabi at lalong hindi nawalan ng kuryente. Magdamag akong gising at naghahanap kaya alam ko, Rein. Wag ako ang lokohin mo." Masungit na aniya at iniwan na 'ko.

Nanatili ang paningin ko sa kurtinang kulay pula kung saan sya lumabas.

Paanong nangyari yon? Kitang kita kong bumabagyo. Ilang beses kong binuksan ang ilaw pero ayaw ding bumukas. Wala akong nakitang ilaw kahit saan. At sigurado akong kasama ko si Jom.

Tumayo ako at hinawi ang kurtinang nasa harap. Lumapit ako sa isang nurse na nakita ko.

"Miss Steel." Yumuko sya sakin. "Kaalis lang po ng kasama nyo. Babalik din daw sya ag---"

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon