Chapter 70

239 26 42
                                    

Someone's POV.

"Anong kailangan mo?" Napangiti ako sa naging tanong nyang iyon pagkatapos nya 'kong titigan ng ilang minuto.

"Ikaw." Seryosong sagot ko. "Hindi naman ako magpapakita kung hindi kailangan."

"I didn't ask who the fuck do you need. Alam kong ako ang kailangan mo. Now tell me.. What do you want from me?"

Ngumisi ako para lalo syang asarin. Nakaka-ilang salita pa lamang ako ay mukang mainit na ang ulo nya sakin.

"Alam ko namang ma-igsi lamang ang pasensya mo, lalo na sakin. Kaya didiretsuhin na kita---"

"Dapat lang."

"Gusto kong patayin mo si Jom." Mabilis na sagot ko. Dahilan para magbago sa pagiging seryoso ang kaninang inis na reaksyon nya.

"Wala kang aasahan sakin. Get lost.." Tumalikod sya at mabagal na naglakad palayo sakin.

Halos katutulog lang din ng mga kasama nya nang lumabas sya kanina mula sa tent nila. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makausap sya.

"Hindi ba't pumunta kayo dito para samin? At ngayong nakita mo na ko ay aalis ka.."

"I'm not the one who planned this."

"Alam kong gusto mo ring mawala si Jom sa inyo. Anong karapatan mong tanggihan ako?"

Natigilan sya't muling humarap sakin.

"Bakit hindi mo yan ipagawa sa kapatid mo?" Tinaasan nya 'ko ng kilay.

"Alam mong hindi nya magagawa yon. Ang saktan nga si Jom ay hindi nya magawa, patayin pa kaya." Napairap ako sa katotohanang iyon.

"Ganon din ako. I can't hurt her."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"You know what I mean."

Hindi nya kayang saktan si Jom dahil alam nyang mas higit na masasaktan si Rein..

Natatawang suminghal ko. "Nakakaawa ka.. Tutulad ka kay Chloe? Hahayaan mo silang maging masaya samantalang ikaw ay pinabayaan lang nila?"

"Shut up."

"Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sakin?"

"Hindi ko kasalanan yon. Wala akong kinalaman sa pagkamatay mo kaya tigilan mo 'ko. Wala 'kong atraso sayo."

"Pero may magagawa ka. May magagawa ka pero hinayaan mo 'ko."

Bigla ay bumalik ang galit ko sa kanya nung mga panahong iyon. Sa tuwing naiisip ko ang naging usapan naming yon ay parang sya ang gusto kong unahin sa kanila.

"You're not my responsibility---"

"Pero bilang tao. Bilang tao na lang.. Alam mong may mamamatay pero wala ka pa ring ginawa."

"Bilang tao, huh?" Natatawang aniya. "Coming from you.."

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo."

"Me too."

"Sinabi ko sayo kung anong mangyayari. Alam mong kasama ko ang kaibigan mo, mamamatay sya kasama ko.. Pero wala ka pa ring ginawa."

"Look.." Inis syang pumikit at huminga ng malalim. "I care about my friend, hindi ko ginustong mangyari yon sa kanya. Pero hindi rin naman ako tanga para sumugod don at kalabanin ang isang mamamatay tao."

"Kaya pinili mong mamatay na lang kami ng wala kang ginagawa?"

"May pangarap ako. I don't want to waste my life just for you."

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon